Nangunguna sa listahan ng top individual taxpayers ng 2013 ang Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Ayon sa listahan na inilabas ng Bureau of Internal Revenue (BIR), umabot ng P163,841,863 ang buwis na binayaran ni Manny noong nakaraang taon.
Ang listahan ay base sa mga nabayarang buwis hanggang November 24, 2014.
Ang sumunod na celebrity sa listahan ay si Piolo Pascual, na nasa ika-14 na puwesto dahil sa P42.53 million tax na kanyang binayaran.
Kasunod niya ang kapwa-Kapamilya star na si John Lloyd Cruz, na nasa ika-15 puwesto dahil sa P41.97 million tax na kanyang binayaran.
Samantala, mula sa pagiging una sa listahan noong 2011, bumaba sa ika-16 puwesto ang Queen of All Media na si Kris Aquino, na may P40.48 million na binayarang tax.
Sumunod kay Kris ay si Sharon Cuneta na nasa ika-19 na puwesto dahil sa P39 million na tax na kanyang binayaran.
Narito ang iba pang artistang napabilang rin sa Top 500 Individual Taxpayers noong 2013:
20. Willie Revillame - P38,305,824
36. Anne Curtis - P28,237,190
44. Judy Ann Santos - P24,322,824
52. Coco Martin - P22,493,825
53. Vic Sotto - P22,409,591
93. Michael V - P17,011,522
99. Sarah Geronimo - P16,124,644
101. Dingdong Dantes - P15,732,757
105. Bea Alonzo - P15,480,048
121. Charo Santos-Concio - P14,569, 807
126. Boy Abunda - P14,188,864
147. Ogie Alcasid - P13,267,455
157. Derek Ramsay - P12,736,337
180. Angelica Panganiban - P12,073,788
190. Robin Padilla - P11,840,456
205. Kim Chiu - P11,326,079
228. Vice Ganda - P10,571,997
237. KC Concepcion - P10,397,528
253. Toni Gonzaga - P9,951,372
261. Angel Locsin - P9,788,026
310. Luis Manzano - P8,857,810
317. Ai-Ai delas Alas - P8,718,582