PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

KC Concepcion opens up about how much she misses her Mamita Elaine Cuneta: "I can’t come to terms with the idea na every year, wala na talaga.”

This Christmas, KC Concepcions says she will her Mamita's cooking the most.
by Rose Garcia
Published Dec 24, 2014
KC Concepcion says now that her Mamita Elaine Cuneta is gone, she will focus more on her mom Sharon Cuneta. “I just keep on talking, paulit-ulit, para lang mailabas niya. At yun nga, nire-remind ko siya, 'Kailangan ka pa rin namin. Na kami, may mommy pa rin kami, na ikaw yun.'”

Nagbigay ng thanksgiving dinner party si KC Concepcion para sa entertainment press noong December 22 sa Gerry’s Grill at isa sa unang kinamusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya ay ang paghahanda niya para sa Paskong ito ngayong wala na ang pinakamamahal niyang "Mamita" na si Mommy Elaine Cuneta.



Ayon kay KC, “Siguro yung… Hindi kasi ako nakakatulog nang mag-isa these days, hindi ako nakakatulog nang maayos.



“So recently, thankful ako sa mga pinsan ko, sa pastor ko at sa pamilya niya for welcoming me sa mga bahay nila.



"Kasi, talagang nakikitulog ako sa mga bahay ng mga family friends and mga pinsan ko.



"Ayoko talagang mag-isa.



“This Christmas, ipo-focus ko na lang siguro ang atensiyon ko sa sarili kong nanay—kay Mama."

Ang Megastar na si Sharon Cuneta ang kanyang tinutukoy.



"Kasi first time rin na nawalan siya ng mommy and at the same time, parang mommy ko na rin si 'Mita.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



“Pero nandiyan pa rin naman talaga yung mommy ko talaga.



"Might as well spend more time with her.”



MAMITA'S MENU. Naisip din daw nilang idaos ang Pasko sa ibang bansa, pero nagdesisyon daw silang dito na lang mag-celebrate.



“Itong Christmas, Manila lang talaga.



"Dati naiisip namin baka mag-L.A., mag-Korea, mag-Japan, pero dito na lang din.”



Tuwing Pasko, ang mamita niya ang naghahanda ng menu nila para sa Noche Buena.



Ngayon, paano nila ito pinaghahandaan?



“Actually, kasi kaka-forty days pa lang. May kurot talaga, bigla ka na lang tatamaan.



"Pero more than that, mahilig naman din akong magluto pati mommy ko.



“Iko-continue na lang namin ang iniwang tradition ni 'Mita, yung hamon na binibili niya sa Binondo o sa Quiapo, yung keso na binibili niya rin dun.



"Yung mga favorite niyang kainin, ihahanda pa rin namin yun."



Sa sobrang lapit ni KC sa kanyang mamita, siguradong may mga nami-miss siya rito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



“Ay, naku, she loved life. Napaka-generous lang, na-inspire ako today.”



Nagpa-party rin daw si KC sa entertainment press dahil alam daw niya kung gaano kalapit sa maraming entertainment press ang mamita niya nuong nabubuhay pa ito.



Sabi pa niya, “Parang na-inspire ako na lahat ng nakasalamuha niya, everyone that really got to know her, yun bang they enjoyed life more.



"Yung fun, adventurous, walang iniisip na hindi safe.



“Kaya lahat na-experience namin.”



MAMITA'S PRESENCE. Inamin ni KC na nagpaparamdam pa rin ang mamita niya sa kanya.



“Yung first niyang wake, bulaklak po. Sa kotse ko, amoy-bulaklak, sobra.



"Nag-smile na lang ako.



“Ako po talaga, naniniwala na totoo naman, nandiyan pa rin sila, nakikita nila tayo.



"Siguro, malaki lang ang pakpak niya these days.



“Pero alam ko na nandiyan lang siya, mas bata pang tingnan, mas beautiful pa.”



Ipinaliwanag naman ni KC na bilang Christian, hindi sila naniniwala na sa taong namatay dapat idaan ang panalangin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!



Kaya maayos naman niyang ipinaliwanag nang may magtanong dito kung paano raw nananalangin si KC sa lola niya.



Ayon kay KC, “Kami pong Christian, kay God lang kami directly nagpi-pray.



“Nagpi-pray ako kay God na kung puwede, siya na lang ang guardian angel ko. Kung puwedeng siya na lang ang tumutok sa akin bilang guardian angel.



"Huwag na siyang mag-assign ng iba, ang lola ko na lang.”




PROPER GOODBYE. Habang nagpa-party at nagpapa-raffle si KC, halata naman dito na masaya ito ngayon. Ito ay sa kabila ng mga pinagdaanan niya ng mga nakaraang buwan.



Nakangiting sagot naman ni KC, “Siguro po kasi, nagba-bye sa akin si 'Mita, e.



"Nagba-bye sa siya sa akin two months before she passed away, she said good bye to me.



“Nag-selfie pa nga ako with her.



“Sabi ko pa, 'Grabe naman ang goodbye mo, 'Mita!' Hindi dahil sa ako ang aalis sa room kung hindi dahil sa siya ang aalis.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"Ganun yung goodbye niya. Sabi ko, 'Anong nangyari, bakit nagbaba-bye?'



"So, na-prepare niya ako talaga. At nagpi-pray talaga 'ko, sabi ko, 'Ito ang kaisa-isang bagay na talagang makaka-affect sa akin kung nangyari.'



"As in biggest fear ko before, mawala siya. Pray ako nang pray na sana kayanin ko.



“'Ayokong maloka, ayokong ma-depress. Ayokong masyadong maapektuhan. Prepare mo 'ko.'”




IT STILL HURTS. Sa kabila ng palagay niyang naging paghahanda niya, aminado si KC na masakit pa rin daw sa kanya ang nangyari.



“Masakit pa rin po... pinagdaanan ko yung dalawang buwan na goodbye.



"Hinanda ko yung sarili ko kahit noong nandito pa siya, feeling ko, ibibigay ko sa kanya ang lahat ng love.



"Gusto kong maramdaman niya yun at gusto kong marinig niyang lahat ng gusto kong sabihin sa kanya.



“Yung sasabihin ko sa eulogy niya, sinabi ko sa kanya.



"Parang sa Forever and a Day, yung movie namin ni Sam [Milby], ganoon ang ginawa ko sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



"'I’ll tell you everything habang naririnig mo 'ko.'”




MEGA MOM. Sa isang banda, aminado naman si KC na pagdating sa ina niya, ang Megastar na si Sharon Cuneta, mahirap daw talaga.



“I just keep on talking, paulit-ulit, para lang mailabas niya.



"At yun nga, nire-remind ko siya, 'Kailangan ka pa rin namin.



“'Na kami, may mommy pa rin kami, na ikaw yun.'”



Kumusta na nga ba si Sharon ngayon?



“Well, ‘di ba, siya naman ang may sabi na may time rin na medyo depressed siya before?



"Kaya noong nangyari ‘to, parang sumabay naman na kare-recover lang niya, ganito.



“In-open ko lang kasi, siya naman ang nag-open.



"Nakaalalay kami, ang problema lang dun, lahat kami apektado.



“Parang, sino ang mas strong? May mga araw na ako talaga ang pinaka-strong sa lahat. May mga araw na hindi ko na po alam ang gagawin ko.



"Hindi ako makapaniwala na never ko na siyang makikita," tukoy muli ni KC sa kanyang namayapang lola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



“Nakikita ko ang gamit niya, parang nandiyan lang siya, na ang tagal pa bago ko siya makita ulit.



“Best friend ko siya, e. Magkatabi kaming matulog.



"I can’t come to terms with the idea na every year, wala na talaga.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KC Concepcion says now that her Mamita Elaine Cuneta is gone, she will focus more on her mom Sharon Cuneta. “I just keep on talking, paulit-ulit, para lang mailabas niya. At yun nga, nire-remind ko siya, 'Kailangan ka pa rin namin. Na kami, may mommy pa rin kami, na ikaw yun.'”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results