Sa ilang dekada sa showbiz ni Phillip Salvador, na isa sa kinikilalang pinakamahusay na aktor sa industriya, ngayon pa lang daw siya nakagawa ng isang sitcom.
Ito ay ang Home Sweetie Home ng Kapamilya network.
Sabi ng veteran actor, “Lumalabas na ako, six, seven years old. So, kayo na ang bahalang magbilang nun.
"Lumalabas na akong young Lou Salvador Jr. pero ngayon pa lang ako nagkaroon ng sitcom."
Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Phillip sa taping ng Home Sweetie Home sa ABS-CBN compound.
Nag-e-enjoy siya sa sitcom?
Tugon niya, “Enjoy na enjoy ako.
“Yung may taping ka, excited ka na dumating kasi masaya dito, e.
"Na-notice niyo naman siguro, masaya rito sa set na ‘to.
"Yung bonding time na magkakainan kaming lahat, yung kuwentuhan, lokohan namin."
Hindi naman daw ngayon lang ang unang pagkakataong makasama niya ang dalawang bida ng sitcom na sina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga dahil nakasama na niya ang mga ito sa teleseryeng Maging Sino Ka Man, at gumanap pa siyang tatay ng mga ito.
Sabi niya, “Si Lloydie, mabait na tao, at si Toni.
“At lahat ng tao rito, nakangiti, walang peke.
"Lahat ng katrabaho mo, nakikita mo ang passion nila sa trabaho nila."
BACK TO WORK. Mismong ang direktor ng show na si Edgar Mortiz daw ang nagrekomenda sa kanya na makapasok sa Home Sweetie Home.
Ayon kay Ipe, bago ito, siyam na buwan daw siyang walang trabaho.
“Wala akong work for nine months, almost a year.
"May ginawa akong isang movie, cameo role lang, yung sa Sa Ngalan ng Anak.”
Bakit umabot ng ganun katagal na wala siyang ginagawa?
“I don’t know, siguro walang para sa akin.
"Isipin mo nga, bigla akong nasa sitcom."
Gusto naman daw niya yun, "Bago man lang mag-Christmas, may work ako.
"I’m forever grateful, kay Bobot, kay Linggit [Tan].”
PRAYING FOR BONG, JINGGOY. Kinumusta rin ng PEP kay Ipe ang dalawang matalik niyang kaibigan—sina Senator Bong Revilla at Senator Jinggoy Estrada na parehong naka-detain pa rin sa Camp Crame.
Sabi ni Phillip, “I see to it that I see them on Sunday.
“If I have a free time on weekdays, pumupunta ako dun.
“You know, I’m praying.
“I’m really praying hard na with God’s grace, makaano [makalabas] sila before Christmas.
"You know, I’m praying for that because if it’s God’s grace, walang puwedeng humarang nun, e.”
Naniniwala siyang makakalabas ang dalawang kaibigan ngayong December?
“Alam niyo, positive thinker ako, lalo na nagpi-pray ako na tulungan ang dalawang kaibigan ko na makalabas.
"And maiayos din nila ang buhay nila.
“Mapatunayan nila sa mga tao na wala silang ginagawang ganitong anomalya.
"Ako kasi, I will never judge them. And I will never turn my back on them.
"I will be forever their friend," saad niya.
IN GOD'S TIME. May galit ba siya sa mga taong nasa likod kung bakit nasa sitwasyon nila ngayon ang mga kaibigan?
“Galit? Galit siguro yung unang bugso.
"But, you know, I’m a Christian.
"After a while, sasabihin mo, 'Lord, bugso lang ng ano ko yun.'
"Siyempre, mahal mo ang dalawang ito, mahal mo ang pamilya nila.
“Nakita mong lumaki ang mga anak niyan, nakita rin nila na lumaki ang mga anak ko.
"So, kung buhay si Daboy [Rudy Fernandez], isa pa sa nag-aano ‘yan.
"Kami kasi, we treasure friendship.
“And yung friendship, parang pamilya na.
"And in God’s time, alam ko na maaayos din ‘yan."
