PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Matteo Guidicelli put on the spot by "lack of sex life" question

Matteo Guidicelli tries to evade too personal questions to no avail.
by Rachelle Siazon
Published Oct 8, 2014
Matteo Guidicelli was obviously caught off guard as he was probed about his non-existent "sex life" during the presscon of Moron 5.2 last night, October 7.

Hindi inaasahang malagay sa hot seat si Matteo Guidicelli nang usisain ang kawalan niya ng “sex life” sa press conference para sa pelikulang Moron 5.2 kagabi, October 7.

Nagsimula ito nang tanungin ng reporter/talent manager/actor na si Ogie Diaz si John “Sweet” Lapus kung sino kina Luis Manzano, Billy Crawford, Marvin Agustin, DJ Durano, at Matteo ang gusto niyang “bigyan ng experience.”

Si Sweet ang gumaganap bilang kontrabida sa pelikulang pinagbibidahan ng limang nabanggit na male stars.

“As of this moment, si Matteo.

"Kasi, feeling ko, wala siyang experience at all. Malakas ang kutob ko.

"Especially this year... feeling ko lang naman. Nakaka-sense ako ng ganyan.

"Nakikita ko yung parang tension, yung parang may stress na hindi malabas-labas,” pabirong sagot ni Sweet.

Bagamat tila hindi kumportable si Matteo sa takbo ng usapan, nanatiling nakangiti ang aktor at paiwas na lang nitong sinabing, “E, nagta-triathlon nga ako.”

Sabay pabirong hirit ulit ni Sweet, “Dun, dun nilalabas yung stress!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Agad naman itong nilinaw ni Matteo at sinabing, “Hindi, wala naman.”

Pagkatapos ay diretsahang tanong ulit ni Ogie kay Matteo: “Ano'ng reaksiyon mo kapag tinutukso kang wala kang sex life?”

Paiwas na sagot ni Matteo, "Hay, ang hirap naman ng tanong! Pa'no ba, Billy? Ikaw, may experience ka dito, e."

Natatawang sabi naman ni Billy kay Matteo, “Kapal ng mukha mo! Sagutin mo nga nang maayos. Tanungin mo diyan si Ogie.”

Sa huli, iginiit ni Matteo na walang problema sa kanya kahit na asarin siya hinggil sa kawalan niya ng sex life.

“Wala, okay lang naman. Ang hirap naman ng tanong,” napapailing na saad na lamang ng 24-year-old actor.

A "VERY GULLIBLE" MATTEO. Umpisa pa lang ng presscon proper ay naikuwento na ni Wenn Deramas, direktor ng pelikula, na madalas maging tampulan ng tukso sa set si Matteo dahil sa pagiging “inosente” at “gullible” ng huli.

Bukod dito, si Matteo rin ang pinakabata at bagong salta sa sequel ng Moron 5 and The Crying Lady, na unang pinagbidahan nina Billy, Luis, Marvin, DJ, at Martin Escudero noong 2012.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sina Billy, Luis, Marvin, at DJ ay may edad na 32, 33, 35, at 45 years old, respectively.

Paglalarawan pa ni Direk Wenn sa comic role ni Matteo sa Moron 5.2, “Si Matteo kasi, ang maganda sa kanya, hindi niya kailangang magpatawa kasi yung charm niya, dun nagsisimula.

“'Eto, open naman ako dahil sanay naman na ako sa lima, 'di ba?

“May kakaiba akong ikinatutuwa tuwing siya [Matteo] yung nagpapatawa kasi ang raw.

“Yung sobra kasing inosente at sobrang gullible.

"Sa pangunguna ni 'Bully Billy,' lagi siyang nabu-bully.

"'Tapos naniniwala siya. 'Tapos umaabot sa umiiyak na siya dahil akala niya totoo.

“Minsan sinasabi na sa kanya na 'Pare, joke lang.' Hindi pa rin siya tumitigil, akala niya yun ang totoo.”

Dagdag pa ni Sweet, isang halimbawa ay noong “muntik-muntikan” umanong maniwala si Matteo na kailangang hipuan ng huli ang una bilang bahagi ng “initiation” sa pelikula.

Ngunit bigla umanong natawa si Sweet sa pakulo nina Billy, Luis, Marvin, at DJ kaya nabuko sila ni Matteo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Ayon pa kay Sweet, ang tila inosenteng personalidad ni Matteo ang isa sa mga dahilan kung bakit nasabi ng una na gusto niya ang 24-year-old actor.

Read Next
Read More Stories About
Matteo Guidicelli, John Lapus
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Matteo Guidicelli was obviously caught off guard as he was probed about his non-existent "sex life" during the presscon of Moron 5.2 last night, October 7.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results