Sinamahan ng dating aktres na si Teresa Loyzaga ang anak na si Diego Loyzaga sa storycon ng bagong proyekto ng binata sa TV5, ang TV5 Mini-Series, noong Lunes, Spetember 1, sa TV5 Reliance, Mandaluyong City.
Isa si Diego sa tampok na artista sa episode na Mr. Popular, kasama sinaMark Neumann and Shaira Mae.
Sa storycon na ito nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Teresa.
Ayon kay Teresa, mula noong nagdesisyon ang anak na pasukin ang showbiz ay suportado na niya ito.
Sabi pa ng actress turned flight attendant, “He has been active for about three and a half years. This is what he likes, so I’m here to support.”
Si Diego ay anak ni Teresa sa aktor na si Cesar Montano.
Si Teresa naman ay anak ng basketball legend na si Carlos Loyzaga; at kapatid ng dating PBA players na sina Caloy at Joey Loyzaga, at ng aktres na si Bing Loyzaga.
Tinalikuran ni Teresa ang showbiz at piniling mamuhay nang tahimik sa Australia.
Kabilang sa notable movies na kinabilangan niya ay ang Madrasta, Segurista, at Ikaw Ang Lahat Sa Akin.
Year 2000 pa raw ang huli niyang ginawang proyekto sa showbiz.
Hindi ba niya na-miss ang muling pagharap sa kamera?
Natatawang sagot ni Teresa, “Yun na nga, e, kung kailangan ng nanay, o kailangan ng lola…
“I come here very often, pero I still have have my duties and obligations overseas.
"But if there is a chance, who knows ‘di ba?"
ON CESAR AND SUNSHINE. Nang kumustahin namin kay Teresa ang pakikitungo nila sa isa't isa ngayon ni Cesar, sinabi nitong okay naman sila.
Nagti-text daw lagi sila lalo na kung ito ay tungkol sa kanilang anak.
Pagdating naman sa estranged wife ni Cesar na si Sunshine Cruz, sinabi ni Teresa na hindi sila nagkikita nito at wala silang isyu sa isa't isa.
