PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sarah Geronimo: "Kailangan matuto na akong magdesisyon para sa sarili ko."

Sarah Geronimo admits to making mistakes in her life.
by Nerisa Almo
Published Jul 30, 2014
Sarah Geronimo on making independent decisions: “Medyo late na pero okay na ‘yon kaysa naman hindi mo talaga i-brave na pagdaanan.”

Hinirang ng YES! magazine ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo bilang Most Beautiful Star ngayong taon.

Pinangunahan ng The Voice coach ang bagong listahan ng "100 Most Beautiful Star" ng YES! magazine.

VIEW PHOTOS Sarah Geronimo tops this year’s YES! 100 Most Beautiful

Sa grand launch ng nasabing special issue ng YES! kahapon, July 29, sa The Elements, Centris, Quezon Avenue, tinanong si Sarah kung ano sa tingin niya ang nakapagpapaganda sa isang tao.

Sa halip na physical appearance, ang sagot ng Viva talent, “Para sa akin, nagpapaganda ng isang tao kapag mayroon siyang peace sa puso niya at genuine ang happiness, contented, alam niya kung ano ang strengths niya, alam niya kung ano ang weaknesses niya.

“Pero dapat naka-focus siya kung ano ang strength niya, kasi ‘yon ang talagang ibubuhat mo, 'di ba, kung ano ang meron ka na wala ang iba.”

Pinasalamatan ni Sarah ang kanyang mga magulang, sina Delfin at Divine Geronimo, at ang kanyang fans na laging nakasuporta upang marating ang estado niya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“‘Yon, ibigay natin ang credit sa pamilya ko,” sabi ng 26-year-old singer-actress.

“Katulad nga ng sinabi ko, talagang buong-buo, solid talaga ang support system ko, sa pamilya ko, at ganun na rin sa talagang naniniwala sa akin from the very start.”



MAKING MISTAKES. Bagamat madalas na naituturing na huwaran sa mga kabataan, inamin ni Sarah na paminsan-minsan ay nakakagawa rin siya ng pagkakamali.

Saad niya, “Siyempre, may mga pagkakamali po ako na hindi nakikita ng public eye.

“Hindi lahat ng pagkakamali ko ay alam ninyo. Magkakapareho naman tayong lahat.

“Mayroon din tayong side na hindi maganda.

"Pero kaya nga po kumakapit ako sa Diyos talaga, at pangalawa sa pamilya ko.

“Kasi, kung tayo lang, puso lang natin o gusto lang natin i-please, hindi talaga natin madi-distinguish kung ano yung tama sa mali.”

Nabanggit din ni Sarah na sa kanyang edad, natutunan na niya kung paano magdesisyon nang tama para sa sarili.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento niya, “Sa totoo lang, ang hirap sa stage ng buhay ko ngayon.

"I’m 26 years old, nandoon ang pressure na parang kailangan ganito ka, you have to be independent, and make your own decision, at kailangan panindigan mo ‘yan, ganito-ganyan.

“Ang daming nagsasalita sa utak ko.

“Pero ‘yon na lang talaga, kukuha ka ng kung ano ang pinaka-clear na kung ano ang dapat gawin sa Bible at mga sinasabi ng magulang mo.

“Kailangan din mayroon kang sariling desisyon, kung ano ang pananaw mo sa buhay.

“Kasi, iba rin po yung alam mo kung sino ka, kung ano yung stand mo, ano yung foundations mo.

“Kailangan matutunan mo rin para maging independent kang tao.”

At para matuto, aminado rin si Sarah na kailangan niyang humarap sa pagsubok.

Aniya, “Parang everything is a risk, e. Halimbawa, may role na ibibigay sa 'yo, huhusgahan mo agad.

“Pero kapag naging open ka sa risk, na willing kang magkamali, madapa, o malait ng mga tao, doon mo malalaman kung tama ka ba o mali.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi nila, hindi mo kailangan magkamali para malaman mo. Pero ganun ang nangyayari sa buhay natin.”



INDEPENDENCE. Habang pinag-uusapan ang tungkol sa pagdedesisyon para sa personal na buhay, nabanggit nang pahapyaw ni Sarah ang tungkol sa pagkakaroon ng lovelife.

Aniya, “Talagang nauunawaan ko na kailangan na, kasi I’m 26 years old, patanda na ako nang patanda.

"Kailangan matuto na akong magdesisyon para sa sarili ko.

“Para sa sarili ko rin.

"Kung halimbawang ako na lang ang maiwan mag-isa, ano ang gagawin ko, ano ang desisyon ko? Kailangan alam ko ‘yan.

“Kung gusto kong magkaroon ng pamilya, kailangan alam ko ang mga bagay na ‘yan.”

Pero agad naman niyang nilinaw, “Sa ngayon, wala pa po ako roon. Papunta pa lang po ako.

“Medyo late na, pero okay na ‘yon, kaysa naman hindi mo talaga i-brave na pagdaanan.”



RESPECTING THE PRESS. Madalas na nagiging laman ng balita si Sarah dahil sa relasyon niya sa kanyang mga magulang at sa kanyang lovelife.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noon daw, hindi naiintindihan ng dalaga kung bakit kailangang maging masyadong personal ang tanong ng entertainment reporters.

“Well, to be honest, noong mga unang years ko sa industry, parang hindi ko maintindihan kung bakit sila ganito, bakit sila judgmental.

“Hindi nila alam kung ano ang totoong nangyari, hindi naman sila ang kasama ko 24/7.

“Hindi sila yung nasa posisyon ng mga magulang ko o nasa posisyon ko.”

Subalit nabago na raw ang pananaw niyang ito.

Katuwiran niya, “Nirerespeto ko na lang kung ano yung opinyon ng bawat tao.

“Basta ako, alam ko sa sarili ko kung ano yung alam kong totoo.

“Kumbaga, dumating na rin sa point na hindi ko kailangang i-please ang kahit sino.”

VIEW Part 1 of the YES! 100 Most Beautiful Stars press launch!

VIEW Part 2 Sarah Geronimo tops YES! 100 Most Beautiful Stars 2014

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sarah Geronimo on making independent decisions: “Medyo late na pero okay na ‘yon kaysa naman hindi mo talaga i-brave na pagdaanan.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results