PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Elmo Magalona gets priceless birthday gift from Janine Gutierrez: "Yung pag-i-inspire niya sa akin."

Does Elmo Magalona love Janine Gutierrez? He answers, "Hindi ko na kailangang sabihin, nararamdaman na lang yun."
by Rey Pumaloy
Published Apr 29, 2014
Elmo Magalona has just turned 20 and he wants to explore new experiences, new places, and new roles in his acting career.

Nagdiwang ng kanyang 20th birthday si Elmo Magalona nitong nakaraang Linggo, April 27, sa musical-variety show ng GMA na Sunday All Stars.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Elmo sa GMA Studios, sinabi nitong overwhelmed siya sa mga bumabati sa kanya para sa kanyang kaarawan.

Saad niya, “Hindi ko ma-expect na lahat ng tao bumabati sa iyo.

“Sanay ako na family or super close friends ko ang bumabati sa akin.

"Sobrang hindi pa ako sanay when people greet me, yung mga taong hindi mo pa nami-meet.

"Hanggang ngayon, nakakakilabot."

Ayon pa kay Elmo, magkikita sila ng kanyang pamilya sa gabi pagkatapos ng mall tour ng cast ng Villa Quintana sa SM Bacoor.

"I’m just gonna have dinner with my family, kasi last time na nakasama ko sila, Holy Week pa," sabi niya.

Hindi kinumpirma ni Elmo kung kasama nila sa dinner ang rumored girlfriend niyang si Janine Gutierrez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero magkasama naman raw sila sa taping at mall tour ng Villa Quintana.

"Okey na yun," sambit ni Elmo.

May birthday gift ba sa kanya si Janine?

“Meron... yung pag-i-inspire niya sa akin,” nakangiting sagot ng Kapuso young actor-rapper.



DOES HE LOVE HER? Hanggang doon lang ba talaga ang stage ng samahan nila ng kanyang leading lady, gayong halata namang meron na silang unawaan sa isa’t isa? Mayroon ba silang itinatago?

Ayon kay Elmo, “Wala naman kaming itinatago, we’re just enjoying each other’s company.

"Pero sure ako na we're gonna be close for a long time.

"Iba talaga yung bond na ibinigay ng Villa Quintana and I’m treasuring that."

Hayagan niyang sinasabi na ayaw niyang matapos ang kanilang teleserye at hindi niya iniisip na magtatapos na ang team-up nila ni Janine.

Mahal niya ba si Janine?

“Grabe naman yung segue, ha!” bulalas ng binata.

Pero dagdag niya, “Hindi ko na kailangang sabihin, nararamdaman na lang yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hindi na kailangang isipin kung totoo yun."

Feeling niya ba ay suwerte ang team-up nila ni Janine?

"Of course," sambit niya.

"Masaya lang kami na people come up from nowhere at sinasabi nila super big fan sila ng Villa Quintana—me as Isagani at Janine at Lynette.

“Kahit sa labas ng bansa may mga nagmi-message sa amin na lagi silang nanonood ng serye namin."



EXPLORE. Wala pa raw na natatanggap na birthday gift si Elmo.

"Actually, wala pa akong nakukuha from anyone.

"Siyempre, marami ring naka-budget ngayon.

“Okey lang for me na yung pinaka-gift nila sa akin ang i-greet ako ng 'Happy Birthday.'

"Priceless na sa akin iyon and it’s even more than a gift for me."

May naiisip na ba siyang plano o pagbabago sa buhay ngayong 20 years old na siya?

Tugon ni Elmo, “Hindi naman sobrang change.

"Feeling ko lang, when I explore more, mas nagma-mature ako.

"Normal naman na may nagiging experience ka.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“I just wanna go around, mag-travel, explore places na hindi ko pa nakikita.”



BIRTHDAY WISH. Nag-isip muna si Elmo at napangiti nang tanungin kung ano ang kanyang birthday wish. Ni hindi yata sumagip sa isip niya ang bagay na ito.

Tugon nito, “Good question, hindi ko naisip 'yan, e.

"If ever na meron akong birthday wish, sana mahanap na yung eroplanong nawawala pa hanggang ngayon, yung Malaysian plane."

Parang naiiba yata ang birthday wish ni Elmo at hindi para sa kanya?

Paliwanag niya, “I think masyado nang maraming araw ang ibinibigay ko sa sarili ko, yung time for myself.

"On my birthday, I wanna think of other people naman.

"Hindi sa kung ano pa man, just for other people lang naman.

“Ayaw na ayaw kong makalimutan yung kung bakit ako nandito ngayon... kaya yun ang wish ko.”

Naapektuhan daw siya sa nararamdaman ng mga taong nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa mga pangyayaring 'tulad ng pagbagsak ng Malaysian Airline flight MH370 o mga kalamidad 'tulad ng typhoon Yolanda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CAREER. Pagdating naman sa career, handa na rin ba siyang mag-explore sa mga roles na gagawin niya?

Saad ni Elmo, “Yes, gusto kong may nai-inspire akong aktor when they see me act, when they see me onscreen.

“Kasi gano'n din ang feeling ko kapag nakakapanood ako ng mga actors na hinahangaan ko.

"Gusto ko ring maging ganoon."

Nabalita ang paggawa ng indie film ni Elmo para sa Cinemalaya.

Nang kumustahin namin kung kailan sisimulan ang shooting, sinabi ng Kapuso young actor na wala pa raw silang schedule.

“Wala pang details actually e. I think months from now pa siya.”

Tungkol naman sa Villa Quintana, hindi pa raw alam ni Elmo kung hanggang kailan ito magtatapos kaya masayang-masaya siya.

Aniya, “Feeling ko, hindi ko talaga pagsasawaan ang show na ito hanggang kasi ngayon may natutunan pa rin ako dito.

"Like sa direktor ko, sa staff namin, sa mga co-workers ko. Ang dami ko talagang natutunan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ano lang ako, e, I’m hungry to learn more.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Elmo Magalona has just turned 20 and he wants to explore new experiences, new places, and new roles in his acting career.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results