PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessy Mendiola: Is she the next Darna?

Jessy Mendiola has not confirmed that she will be playing Darna, but already there are bashers who tag her "wannabe."
by Allan Sancon
Published Apr 25, 2014
Jessy Mendiola maybe out of the limelight after Maria Mercedes, but she's been busy doing commercials and finishing a movie with John Lloyd Cruz.

Tatlong buwan na ang nakalilipas mula nang magwakas sa ere ang primetime series na pinagbidahan ni Jessy Mendiola, ang Maria Mercedes.

Ngunit hanggang ngayon ay wala pang nababalitang susunod na teleseryeng gagawin niya.

Pero ayon kay Jessy, hindi naman siya nabakante sa trabaho.

"Hindi naman ako nabakante, hindi rin siya masasabing bakasyon.

"Marami din akong sinu-shoot na commercials, marami ding out-of-town shows.

"'Tapos ngayon, magre-resume na ulit yung ginagawa naming movie ni John Lloyd [Cruz].

"May niluluto ring soap uli."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jessy matapos nitong makipagsayawan at makipagkantahan sa kanyang fans sa Skyworth Meet and Greet event na ginanap sa Activity Center ng SM Manila noong April 19.

JESSY AS DARNA? May usap-usapan na posibleng ang susunod na pagbibidahang teleserye ni Jessy sa ABS-CBN ay ang Darna.

Ano ang reaksiyon niya rito?

Saad niya, “Siyempre nakakatuwa, sino ba naman ayaw mag-Darna?

"Gusto ko talagang maging superhero, dati ko pa 'yan ini-express.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Marami ring nagagalit sa akin, sinasabi nila na 'wannabe.'

"For me, si Darna talaga ang isa sa mga heroine ng mga Pinoy. Gusto ko kasi yung feminine but strong.

"Si Darna, puwede siyang maging example sa mga kababaihan dahil matapang siya pagdating sa pagiging babae.

"Kung ako, yung nakarinig na ako ang magda-Darna, iko-confirm ko 'yan. Pero wala pa talaga, e."



JOHN LLOYD CRUZ. Kumusta naman ang shooting nila ng pelikula ni John Lloyd?

Sabi ni Jessy, "Nag stop lang kami, kasi may kailangang palitan sa script, pero ngayon mag-start na ulit kami.

"Okay naman kaming lahat. Nakakatuwa nga nakatrabaho ko na si Direk Chito Roño."

Ano ang pakiramdam sa unang pagtatambal nila ni John Lloyd?

Tugon ng Kapamilya actress, "Kinabahan ako kasi first time ko siyang makakatrabaho.

"Yung first scene namin, buti na lang wala pang masyadong heavy acting, medyo light lang yung eksena. Medyo pakilig-kilig pa lang muna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Buti dun na lang muna nag-start para mas maging in kami sa isa’t isa."

Patuloy niya, "That time, tahimik lang ako, hindi ko alam kung ano'ng gagawin ko.

"Ngingiti-ngiti lang ako sa kanya, pero mabait naman siya. Saka ang galing niya talaga.

"'Pag acting talaga pag-uusapan, si John Lloyd na talaga yung papasok sa isip mo na magaling na aktor."

Ano ang aabangan sa kanilang dalawa ni John Lloyd sa pelikulang ito?

Sagot ni Jessy, "Halu-halo yung movie, hindi lang siya dramatic.

"Meron ding romance, meron ding about family.

"Yung karakter kasi ni John Lloyd dito, sobrang kakaiba siya.

"As in never seen before ni John Lloyd, first time niyang gagawin.

"Siyempre, John Lloyd, what do you expect? Magaling na artista.

"So, abangan niyo yun."

Ano naman ang aabangan ng mga manonood sa character niya rito?

Saad ni Jessy, “Ang sigurado lang, ibang-iba kay Maria Mercedes.

"Wala munang kulot at mga pulang lipstick.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Si Direk Chito naman ang director, kaya sigurado iibahin niya yung karakter ko rito sa nakasanayan ng tao sa akin."

SINGLE LADY. Pagdating naman sa kanyang lovelife, ayon kay Jessy, single daw siya ngayon.

"Oo, single na single!" bulalas niya.

Ano ang limang katangiang gusto niya sa isang boyfriend?

Sagot niya, "Hirap niyan, kasi wala naman talaga akong ideal na gusto.

"Pero sa ugali, sino namang babae ang ayaw ng understanding, maalagain, 'tapos successful siya dapat sa gusto niyang gawin.

"Supportive, he lets me do my own thing and I let him be.

"At the end of the day, 'pag nagkita kayo, you still love each other, yun ang gusto ko."

Kumusta naman ang mga napabalitang suitors niyang sina Sam Milby at Jake Cuenca?

Sabi ni Jessy, "Nag-give up na silang lahat, napagod sila sa akin.

"Walang nakapaghintay... okay lang yun."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jessy Mendiola maybe out of the limelight after Maria Mercedes, but she's been busy doing commercials and finishing a movie with John Lloyd Cruz.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results