PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senator Franklin Drilon: Three senators linked to PDAF scam may face automatic suspension

Justice Secretary Leila De Lima says they will still evaluate if Janet Lim-Napoles is fit to be a state witness.
by Bernie V. Franco
Published Apr 23, 2014
Posible raw masuspinde sina Senators Juan Ponce Enrile, Ramon “Bong” Revilla Jr., at Jinggoy Estrada, na sinasabing nakinabang sa P10-bilyong pork-barrel scam, kapag nagsumite ang Office of the Ombudsman ng kasong plunder laban sa tatlo sa Sandiganbayan.

Automatic suspension ang mangyayari sa tatlong senador na nadidiin sa pork-barrel scam sa oras na maghain ng pormal na kasong plunder ang Office of the Ombudsman, ayon kay Senate President Franklin Drilon.

Ani Drilon, sina Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., Jinggoy Estrada, at Juan Ponce Enrile ay masususpinde kapag nagsumite ang Ombudsman ng motion for suspension laban sa tatlo sa kasong plunder sa Sandiganbayan.

Nadidiin ang tatlong senador matapos tumanggap diumano ng komisyon mula sa P10-billion Priority Development Assistance Fund (PDAF), kung saan ang negosyanteng si Janet Lim-Napoles ang itinuturong mastermind.

Pahayag ni Drilon sa panayam ng dzRH kahapon, April 22: "Ang suspension po ng public official na nasampahan ng kaso ay automatic po.

"Ang kailangan lang ay isang motion galing sa Ombudsman...

"Walang pong discretion ang Sandiganbayan kundi suspendihin ang official."

Inirekomenda ng Ombudsman ang pagsasampa ng kasong plunder laban kina Revilla, Enrile, at Estrada noong April 1 matapos umanong makakuha ang mga ito ng komisyon sa ghost projects ng mga pekeng NGOs na itinatag ni Napoles.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sinasabing tumanggap si Senator Revilla ng P224.5 million, si Senator Enrile ng P172.8 million, at si Senator Estrada ng P183.79 million, bilang kickback diumano mula sa mga ghost projects na ito.

NO COMMITMENT. Naibalita rin kahapon ang pakikipagpulong ni Napoles kay Department of Justice Secretary Leila De Lima upang idiin ang tatlong senador.

Kinumpirma ni De Lima na nag-alok si Napoles para maging state witness sa pork-barrel scam.

Read: Janet Lim-Napoles squeals on Senators Juan Ponce Enrile, Jinggoy Estrada, Bong Revilla

Ganunpaman, sinabi ni De Lima na wala silang commitment kung papayagan si Napoles na maging state witness.

“Walang commitment na siya ay gagawing state witness.

"Ang pinaka-commitment ko lang po ay kapag nandiyan niya ang kanyang statement, ito ay aming ie-evaluate,” sabi ng kalihim sa panayam sa kanya ng media.

Taliwas ito sa mga pahayag ni Napoles sa Senate hearing noong November 7, 2013, kung saan itinanggi niyang may kinalaman ang tatlong senador sa isyu ng pork barrel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Janet Lim-Napoles maintains innocence in PDAF scam; denies allegations of whistleblowers

Samantala, nangangamba raw ang whistleblowers sa posibilidad na maging state witness si Napoles sa scam na siya mismo ang utak, ayon sa ulat ng Saksi kagabi, April 22, Martes.

Nais daw ng whistleblowers na makita ang sinumpaang salaysay ni Napoles na isinumite kay Secretary De Lima.

Pahayag ni Atty. Lourdes Benipayo, abugado ng whistleblowers sa phone-patch interview ng GMA News, “Bakit ngayon lang siya magsasabi ng katotohanan? Ang layo na nang itinakbo ng kasong ‘to.

“Who would be in a better position to say if the statement of Mrs. Napoles are true, 'di ba? Kung hindi yung mga taong tunay na nakakaalam, ano ang tunay na katotohanan.”

CONTRADICTING STATEMENT. Sa isang panayam naman ni Senator Estrada, sinabi nitong nangangamba siyang baka tinakot si Napoles na mabulok sa kulungan kaya napilitan itong idiin siya at sina Senator Revilla at Enrile.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nauna nang itinanggi ng tatlong senador na wala silang kinalaman sa pork-barrel scam.

Sa kanyang talumpati sa graduation rites ng Pamantasang Lungsod ng Maynila kahapon, April 22, sinabi ni Senator Estrada na hindi siya magre-resign mula sa kanyang posisyon at ipagtatanggol niya ang kanyang sarili.

Ganito rin ang pangamba ng kampo ni Senador Revilla, lalo pa’t una nang sinabi ni Napoles na walang kinalaman sa PDAF scam ang tatlong senador.

Sinabi ni Atty. Joel Bodegon, abugado ni Senator Revilla, na ang pagbawi sa sinabi ni Napoles ay nangangahulugang pinilit siyang baliktarin ang katotohanan at ginigipit ito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Posible raw masuspinde sina Senators Juan Ponce Enrile, Ramon “Bong” Revilla Jr., at Jinggoy Estrada, na sinasabing nakinabang sa P10-bilyong pork-barrel scam, kapag nagsumite ang Office of the Ombudsman ng kasong plunder laban sa tatlo sa Sandiganbayan.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results