PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jessy Mendiola denies making a scene at Roxas City Airport

Jessy Mendiola requests accuser about the alleged airport incident to not “put words into her mouth.”
by Arniel C. Serato
Published Apr 21, 2014
Pinuputakti ng bad press ngayon ang 21-year-old actress na si Jessy Mendiola dahil sa diumano’y pagtataray at pagdadabog nito sa Roxas City Airport.

Kumakalat ngayon sa social media at tabloids ang diumano’y hindi magandang inasal ng Kapamilya actress na si Jessy Mendiola sa Roxas City Airport nang magtungo siya roon para sa isang show.

Sa ulat ng Bombo Radyo Roxas, hindi raw nagustuhan ng namamahala ng security screening officer sa naturang airport ang pagdadabog at pagtataray diumano ni Jessy, 21.

Ayon pa sa tweet ni Francis Varon (@coyxxx): “I’m quite disappointed on your attitude you showed earlier at the airport @jessymendiola.”

Kasunod nitong tweet: “Saying, ‘Bakit ano ba problema sa handcarry ko?’ Even senators submit themselves to screening procedures. Gosh. Shame on you @jessymendiola.”

Ayon naman sa ulat ng Bandera tabloid, may isang Facebook user daw na nagngangalang Mayumi Brillo Adrias Takada ang nagkuwento tungkol sa insidente.

Aniya, “Pagbaba palang ng airplane daw sa airport ng roxas city ung dala daw niyang bag tinapon nya daw sa machine kasi ayaw daw nia nakigulo ang mga tao sa knya.aww!!! natural un kasi artista ka, kaya nagkakagulo mga tao nakakita sau..tapos ung hawak daw nyang papel tinapon daw nia sa harap ng dami tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Halerrrr…my bayad ka po pag nagpunta ka sa roxas city may bayad ung manager mo sana tinago mo naman ung ugali mo ndi naman ako naghuhusga kasi dami na kasi nag punta sa roxas city this month e c angeline, c marian, at ung ibang artista sa Kbila po, pero hindi po cla katulad ni jessy sama daw ugali sa marami tao pa pinakita ung ugali nia..sana man lng khit plastik lng ung pinakita mo sa karamihan atleast ndi ka nagmuhkang maldita sa mata nangdaming tao…good bless nlng sa carer mo jessy.”


JESSY REACTS. Sumagot naman agad si Jessy sa dalawang magkasunod na tweets ni Francis upang ipagtanggol ang kanyang sarili.

Sinabi nitong hindi totoong ibinato niya ang kanyang bag sa X-ray machine.

Narito ang dalawang magkasunod na tweets ni Jessy:

@coyxxx oh i didnt say that. Actually i thought the xray machine wasnt working. I didnt throw my bag, i couldnt reach the machine --

— Jess (@JessyMendiola) April 14, 2014

@coyxxx because of the big board covering it. Next time dont put words in my mouth. :) thanks.

— Jess (@JessyMendiola) April 14, 2014

Bukas ang PEP sa karagdagang pahayag ni Jessy tungkol sa insidenteng ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinuputakti ng bad press ngayon ang 21-year-old actress na si Jessy Mendiola dahil sa diumano’y pagtataray at pagdadabog nito sa Roxas City Airport.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results