Itinanggi ni Alice Dixson na ang kanyang rumored non-showbiz boyfriend ang makakasama niya sa bakasyon ngayong Holy Week sa Abu Dhabi at Dubai.
Bagamat sinasabi ng aktres na mga kaanak ang kasama niya sa trip, makahulugan ang kanyang mga ngiti sa pag-uusisa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa set visit ng bago niyang telesine sa Kapatid network, ang More Than Words.
Matipid ang mga pahayag ni Alice sa nababalitang lovelife niya ngayon.
Getting-to-know ba yung estado ng relationship nila?
“Yes,” matipid na sagot ni Alice.
Ayon pa sa TV5 contract actress, mas "better" ang kanyang personal life ngayon kaysa noong nakaraang taon.
Maliban sa dagdag pa nitong may katangkaran ang lalaki sa buhay niya ngayon, hindi na ito nagbigay ng iba pang detalye tungkol sa relasyon nila.
Ngiti at bungisngis lang ang mga sagot nito sa interview sa kanya sa taping noong Lunes, April 14, sa Daza Park, sa loob ng Camp Aguinaldo.
Pinansin ng PEP ang pagiging masaya nito sa kasalukuyan.
Pakli niya, “Hindi ako masaya, tama lang.”
Mahirap bang maging masaya nang husto?
“Oo, kasi the more you're happy, the more you cry.
"So, tama lang, in between lang.”
BREAK. Pagdating naman sa kanyang career, abala pa rin daw si Alice.
Aniya, "Naha-haggard yung beauty ko kasi sunud-sunod na.
“Meron akong [Confessions of A] Torpe, then itong More Than Words.
“I’m not complaining, pero kasi nice din na magkaroon ng time for my family, for myself.”
Kinausap daw niya si Ms. Wilma Galvante, ang entertainment head ng TV5, at nalaman niyang wala pa siyang naka-lineup na next show niya. Kaya inaasahan ni Alice na magkaroon siya ng isang buwang break sa June hanggang July.
Nauudlot daw ang pag-alis ni Alice noong isang taon dahil bigla siyang nabibigyan ng bagong trabaho.
Noong December pa raw dapat ang pag-alis niya ng isang buwan.
Pero aniya, "I did not even get two weeks, so hindi ko natapos yung mga kailangan kong gawin.”
Aalis daw siya patungong Amerika para sa kanyang kapatid na lalaki.
Babalik din siya sa Canada para ayusin naman ang ilang mga bagay na naiwan niya doon.
BUCKET LIST. Hindi pa raw handa si Alice na talikuran ang binabalik-balikang mundo ng pelikula at telebisyon, maski may mga gusto pa siyang gawin sa labas ng showbiz.
Aniya, "Kasi this is what I always love doing.
"But it’s not my end all and be all, marami pa akong gustong gawin.
“I’m thinking of taking up my Master's in business administration.
"Right now kasi, I’m still halfway through with my Urban Plan Economics course sa University of British Columbia.
"Nahihirapan din ako to submit assignments, especially since I’m on the set all the time.
"And I don’t have really time to do my homework, so that’s taking a while."
Nasa bucket list din daw ni Alice ang matutong magpalipad ng eroplano. Matagal na raw niyang gustong maging piloto.
“Small planes lang.
"About 15 years ago, when I started sky diving, I said, 'One day I will learn how to fly.”
Paliwanag pa ni Alice sa mga kakaibang recreational trip niya, "Kung iisipin mo, we can go anytime, knock on wood.
"If you have the opportunity to do something now, try not to postpone it kasi you might not have more time to do it."
Dagdag pa niya, “I just want my bucket list lang, things I’d like to do before lumabo yung mata ko.”
TIME SQUEEZE. Hindi pa rin daw ni Alice alam kung ano ang uunahin—ang distance college course niya o ang pag-aaral ng flying?
Aniya, “I can only do that 'pag wala akong work.
“So next year, I want to maybe do per project na lang, so it will give me more opportunity to plan my time.
"Right now, TV5 holds my schedule.
“So, I really like to be able to plan my projects, take a break, plan my projects, take a break.
“I’m turning forty-five this year and I’d like to be able to do things before I get old to do them and then lie back.
“Kasi when you reach at a certain age, you look back and you say, 'I should have done that, I could have done that.'
"I don’t wanna have that kind of regrets."
CHANGE OF PLAN. Ilan sa mga naunang plano ni Alice ay ang magdirehe ng pelikula o TV series.
Nang matanong ng PEP si Alice tungkol dito, sinabi niyang nagbago na ang plano niya.
“When I talked to Direk Erik [Quizon], he told me how difficult it is to direct a TV show.
"I thought maybe TV is not the right medium for me.
"It’s probably film, I wanna find a story that's close to my heart, something that I wanna line produce.
"And when the right project comes along, and I want to tell the story, I’ll tell it.
"But it’s not something I wanna do very soon.”
TELESINE. Hindi raw naging madali kay Alice ang role niya sa More Than Words bilang utal.
Saad niya, “For me, mahirap gawin yung utal.
"I try not to practice it during take, I don’t want to over practice it.
"Gusto ko maging natural the first time around.
“Hindi naman take one, nag-uulit din kami.”
Ikinatutuwa lang ni Alice ang magagandang feedback sa kanya ng production at sinasabing nakukuha niya ang kanyang mga eksena ng isang take lang.
Nakatulong daw na professional ang mga katrabaho niya, 'tulad ng direktor na si Jon Red.
ON SARAH. Nagulat naman daw si Alice sa co-star niyang si Sarah Lahbati.
"She is really good in the series.
"First time ko siyang makasama, she’s very professional, and I really enjoy working with her.”
Hindi raw sila sumalang ni Sarah sa isang workshop bago nila gawin ang kanilang serye.
Kuwento pa ni Alice, “When we met, we had a short talk lang.
"At kapag magkaeksena kami at alam kong mahirap yung eksena for her, I try to push her if I can.
“Like, meron kaming eksena na she had to feel betrayed, angry, and disappointed all in one.
"She was there, pero ibinabato niya... I’m talking figuratively, ibinabato niya sa objects.
“Sabi ko, ibato mo sa character ko, gamitin mo ako.
"And when she did that, the scene really came out nice."
Halos pareho ng background sina Alice at Sarah bilang galing ng ibang bansa at pinasok ang showbiz industry.
Sabi ni Alice, “Sarah was telling me about her dad and showing me his pictures, he’s far away.
"We have similarities, my dad also is a foreigner.
“And I like that she's trilingual. She speaks French, English, and Tagalog.
"I told her if ever she goes to watch a French film, isama niya ako.
"Kasi I also want to learn to speak French.”
