Bagamat siya ang pinakamatanda sa grupo, kaya pa rin ni Richard Gomez ang makipagsabayan sa mga kasamahan niya sa Philippine volleyball team.
“Lahat kami nahihirapan. Salamat sa multivitamins,” biro ng actor-athlete nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media kamakailan.
Kagagaling lamang noon ni Richard at kanyang teammates sa Korea, kung saan nag-ensayo kasama ang national team naman ng Korea.
Nang tanungin ng PEP tungkol dito, sabi ni Richard, “Mahirap ang training, tiring.
“The Korean players are really good, ang galing talaga, ang lakas.
“It's a good thing that we learned something.”
Sa edad na 47, inamin ni Richard na hindi biro ang makipagsabayan sa mas nakababatang players ng national team.
“Seriously, may effort na rin,” aniya.
“I'm not as young as I used to be. I try to cope up with younger players.”
Gayunman, sabi ni Richard, “I was never intimidated.
“I was watching some younger guys, they’re looking at me, ‘Uy, si Goma ‘to.’
“Medyo may edad na ako pero pagdating sa laro, laban talaga kaming lahat.”
Hindi naman daw bago para kay Richard ang paglalaro ng volleyball.
“I've been playing for a long time. Hindi lang seriously.
“Then, in 2007 or 2008, I started playing it seriously,” kuwento ni Richard.
Read: Richard Gomez joins Philippine team in Asian Men’s Club Volleyball Championship
SUPPORTIVE WIFE. Samantala, natutuwa si Richard na buo ang suporta ng kanyang asawang si Lucy Torres sa panibagong kinahihiligang sports.
“My wife is very supportive sa mga endeavors ko.
“I'm very thankful, kasi if she’s not supportive, mahihirapan din ako.”
Gayundin daw ang unica hija nilang si Julianna, na madalas ay tinuturuan niya ng sports na kinahihiligan niya.
“I'm happy because Juliana is picking up na rin the sport.
“Sinabi ko sa kanya, I used to play volleyball in elementary, high school, and college. I stopped and binalikan ko lang.
Bago sumali sa Philippine Volleyball Team, naging bahagi ang aktor ng pambansang koponan para sa rowing, fencing, at shooting.
Kung sakali, may iba pa bang sports na gustong salihan si Richard sa mga susunod na taon?
“Meron!” agad na sagot ni Richard.
Pero tumanggi siyang sabihin kung anong sports ito.
Sabi pa niya sa huli, “Tapusin ko muna ‘to. Kaya pa hanggang lima. But I’ll try to achieve it first.”