Kadalasang ginugunita ang Semana Santa sa pamamagitan ng Visita Iglesia, Alay Lakad, pabasa, at pagsisimba.
Ngunit para sa ilang celebrities, ito ang panahon kung saan makakapagpahinga sila mula sa taping, TV guestings, at, minsan, sa mga intriga.
Inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung anong balak ng ilang mga artista ngayong Holy Week.
ASIAN ADVENTURES. Ang Kapuso actress na si LJ Reyes na pupunta ng Vietnam.
Wika ng aktres, “I’m going to Vietnam with my family for Holy Week.”
Ito raw ang unang pagkakataon na lalabas ng bansa ang Kapuso actress para sa Holy Week.
Paliwanag ni LJ, “Usually sa bahay lang talaga, nagse-set up lang ako kasi wala kaming pool sa bahay, e.
“Yung mga inflatable pools 'tapos yung mga bata...'tapos magluluto lang.
“Ganun lang talaga ginagawa namin every summer 'tapos more time with family.
"Lalo na yung mga kids, pinapalaro. Marami kasi kaming pamangkin so sinusulit namin yung oras.”
Makakasama naman ng Dyesebel star na si Anne Curtis ang boyfriend nitong si Erwan Heussaff sa kanilang bakasyon sa Myanmar.
Bukod kay Erwann, kasama din nila sina Solenn Heussaff at ang boyfriend nitong si Nico Bolzico.
Kuwento ni Anne sa isang panayam, “Burma, just for a couple of days and then, back to Dyesebel and It’s Showtime.
Dagdag pa niya, “Solenn also will be going and her boyfriend."
FUN UNDER THE SUN. Hindi naman mawawala ang beach sa isa sa mga destinasyong nais puntahan ng mga artista ngayon Semana Santa.
Ang “King of Super Selfie” na si Gab Valenciano, gusto niya sa dagat pero hindi pa raw ito sigurado kung saan.
Bahagi ni Gab, “We’re all going to the beach with the family. Yun lang, every year, we go to the beach in the Philippines.
“We’re still thinking if we’re going to El Nido or just to Batangas.”
Beach din ang nais puntaha ng Diary Ng Panget star na si James Reid.
Wika ni James nang nakausap siya ng PEP, “Boracay, yeah! I’ve been waiting for the beach for so long and I’m waiting for it.”
Mag-a-out of town naman ang kanyang co-star na si Nadine Lustre kasama ang kanyang buong pamilya ngunit hindi pa rin niya sigurado kung saan sila pupunta. Ngunit kung siya ang tatanungin, mas gusto niyang pumunta sa La Union.
Sabi ni Nadine, “Siguro ano, go out of town. Yung dad ko gusto niya mag-Baguio pero ako gusto ko mag-beach e.
“Gusto ko mag-La Union kasi gusto ko mag-surf. Masaya mag-surf sa La Union.”
STAYCATION. Samantala, ang ibang artista naman piniling manatili sa kanilang mga bahay gaya ng host/actress/singer na si Nikki Gil.
Saad ni Nikki, “Holy Week, wala namang bakasyon na magaganap.
“We’re just gonna stay sa bahay with the family.
“Kasi ang mga trips namin, we planned, e. Pag Christmas kasi, yun ang pinakamahabang break for us.”
Hindi rin daw umaalis tuwing Semana Santa ang Innamorata co-star na si Ryza Cenon.
Kuwento ni Ryza, “Nasa bahay lang, kasi laging ganun lang ako pag Holy Week.
“Yun lang yung ginagawa ko, sa bahay lang.”
Sa bahay lang din mananatili ang Luv U star na si Kiray Celis.
Aniya, “Bahay lang, bahay lang. Taong bahay talaga ako. Pag wala akong ginagawa, nasa bahay lang talaga ako.”
Pupunta naman sa kanilang rest house ang Mira Bella star na si Julia Barretto.
Ani Julia, “We’re gonna stay in the rest house for Holy Week 'tapos I’m gonna invite some friends over.”
