PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Bong Revilla returns from trip to Holy Land

Senator Bong Revilla finds "peace of mind" during his trip to Jerusalem.
by Nerisa Almo
Published Apr 14, 2014
“Mas lalo tayong nabigyan ng liwanag sa mga nangyayari sa kapaligiran. Mas lalo kong nakilala ang Panginoon,” says Senator Bong Revilla about his realization during his trip to Holy Land.

Tinupad ni Senator Ramon “Bong” Revilla ang pangako niyang babalik siya mula sa kanyang two-week vacation sa Jerusalem.

Read: Bong Revilla flies to Holy Land with family: “Babalik po ako.”

Dumating si Senator Bong, kasama ang asawang si Cavite Representative Lani Mercado, sa Ninoy Aquino International Airport kahapon, April 13.

Sa panayam ng ilang reporters kahapon, na lumabas sa ABS-CBN News website, sinabi ng senador na nakahanap siya ng "peace of mind" sa kanyang bakasyon.

“Mas lalo tayong nabigyan ng liwanag sa mga nangyayari sa kapaligiran. Mas lalo kong nakilala ang Panginoon,” pahayag ni Senator Bong.

Habang nasa bakasyon, ipinag-utos ng Office of the Ombudsman na sampahan ng kasong plunder si Senator Bong, kasama sina Senator Jinggoy Estrada at Senator Juan Ponce Enrile.

Ang tatlong senador ay kasama sa unang batch ng mga pulitiko na pinangalanang sangkot sa P10-billion pork barrel scam.

Katulad ng nauna niyang pahayag, inulit ni Senator Bong na wala siyang balak takbuhan ang anumang kasong isasampa laban sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kung gusto kong tumakbo, sana tumakbo na ako dahil nandoon na ako sa labas.

"Pero hindi, dahil alam kong malulusutan ko ito," pahayag ng actor-politician.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Bong Revilla
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
“Mas lalo tayong nabigyan ng liwanag sa mga nangyayari sa kapaligiran. Mas lalo kong nakilala ang Panginoon,” says Senator Bong Revilla about his realization during his trip to Holy Land.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results