Ang mga litratong kuha sa Egypt ang katibayan na magkasundo na si Senator Bong Revilla at sina Vicki Belo at Hayden Kho Jr.
Nagkaroon ng lamat ang pagkakaibigan nina Bong at Vicki dahil ang senador ang nanguna sa imbestigasyon sa sex video scandal na kinasangkutan ni Hayden noong 2009.
Ang eskandalong ito ang naging dahilan para bawiin ng Professional Regulation Commission (PRC) ang medical license ni Hayden, na aktibo na ngayon sa pagpapalaganap sa mga salita ng Diyos.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkasama-sama ang tatlo, pati na ang misis ni Bong na si Representative Lani Mercado, sa two-week spiritual journey nila sa Holy Land.
Umalis sila sa Pilipinas noong March 29. At bukas, April 13, ang kanilang balik mula sa Jerusalem, Israel.
Kabilang din sa pinuntahan nila ang Egypt, na malapit lang sa Israel.
Hindi inililihim ni Vicki ang tampo niya kay Bong.
Nang mainterbyu siya ng press sa launch ng libro ni Edward Mendez, ang Your Dream Body Come True, noong March 8, sinabi ng celebrity cosmetic surgeon na hindi nito maisip na magkakasama sila ni Bong sa Holy Land.
HAPPY TO BE WITH VICKI AND HAYDEN. Sa kabilang banda, ilang araw bago sila nagpunta ng kanyang pamilya sa Holy Land, nagkaroon ng pagkakataon ang entertainment press na makapanayam si Senator Bong tungkol sa dalawang linggong pagsasama nila nina Dra. Vicki at Hayden sa iisang lugar.
Sagot ng actor-politician, “Happy ako na makakasama ko sila.
“Pupunta tayo sa Holy land para bisitahin ang pinagmulan ng ating Hesus Kristo at hindi para makipag-away o para balikan ang mga nakaraan.
“Ang importante dito ay makarating tayo sa Holy Land at makapagdasal.”
Dagdag ni Senator Bong, “Nothing personal.
“Sa atin, tapos na ‘yon, even kay Hayden.
“Kung anuman yung naging differences namin, dahil ‘yon sa paninindigan. Kumbaga, tapos na.
“Nakapagdesisyon na ang korte diyan.
“Kung anuman yung naging sitwasyon niya sa bagay na ‘yan, natanggalan man siya ng lisensiya, kumbaga nagdusa na rin yung tao.
“Kalimutan na natin ‘yon.
"May panahon din para maghilom ang lahat ng sugat.
“Sa akin, natutuwa ako na magsasama kami sa Holy Land.
“Sa tingin ko, dapat kalimutan na yung mga nakaraan.
“Water under the bridge na ‘yon. Nakalipas na ‘yon.
“Panahon na rin ng patawaran.
“Saka in fairness, naramdaman ko na rin kung ano ang mga naramdaman ni Hayden ng mga panahon na ‘yon.
“Sa totoo lang, realidad ng buhay ‘yan.
“I’m happy na magkakasama kami doon.”
MOST AMAZING PART. Nangyari sa Holy Land ang pagkakasundo ng magkabilang panig.
Para kay Hayden, ang pagsasama nila ni Senator Bong at ng pamilya nito sa Holy Land ang “most amazing” part ng kanilang biyahe.

Inihayag niya ang kanyang saloobin sa caption ng litrato nila ni Senator Bong na naka-post sa kanyang Instagram account:
“But this is really the most amazing part of the trip—a miracle. No judgements please and no sour comments. All heavens rejoice for another soul pledged for Christ.
“As for me and Bong, ‘Blessed be the God and Father of our Lord Jesus Christ, the Father of mercies and God of all comfort, who comforts us in all our affliction, so that we may be able to comfort those who are in any affliction, with the comfort with which we ourselves are comforted by God. 2 Corinthians 1:3-4.’”
Para naman kay Vicki, magandang simula ng Easter week ang pagkakasundo nila ng actor-politician, na dating endorser ng Belo Medical Clinic.
Sabi niya, “A good way to start the Easter week is to remember that Jesus suffered and gave up his life to save us all…
“I’ve spent the last 2 weeks following Jesus footsteps which made him even more real to me.
“I know I can never thank Him enough for what He’s done for me. But I will spend the rest of my life TRYING to live a life pleasing to God.”