Nakumpleto ang 20th birthday celebration ni Jasmin Curtis Smith, na ginawa sa kanyang music show sa TV5, ang SPINNation, sa pagdating ng kanyang inang si Carmen Ojales Smith mula sa Australia.
Isa sa naging special guest ni Jasmine sa live streaming-airing ng kanyang show noong Sabado, April 5, ang kanyang ina.
Kuwento ng TV5 Princess sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press, matapos ang live airing ng kanyang show sa Liquid Bar, Ocean Park, Quirino Grandstand, Manila, hindi pa gustong umuwi ng kanyang ina sa Pilipinas.
“Hesitant siyang umuwi kasi ayaw niya akong gumastos.
“Kaya nga I made it sure na kumportable siya, yung pag-uwi niya.
“I wanted her to feel that she is always welcome to celebrate my birthday with me.
“Kahit wala pa siya, I’m sure mahahanapan ng SPINNation ng paraan para ma-interview si Mama para sa akin.”
Hindi raw ito ang kauna-unahang pagsi-celebrate ni Jasmine ng kaarawan niya rito sa Pilipinas kasama ang ina.
“Last year, she was here kasi dito nga siya inoperahan.
“It was very timing that she was still healing when I celebrated my birthday last year.
“Yeah, I always celebrated my birthday with my mom.”
Gaano kasaya na kasama niya uli ang ina sa kanyang birthday?
Sagot ni Jasmine, “Masaya, kasi I’m a Mama’s girl, admittedly.
“Nakakatuwa that she left everything, whatever she had going on in Australia, to be with me.”
MISS INDEPENDENT. Sa hiwalay na panayam ng press kay Mommy Carmen noong gabi ring iyon, sinabi nitong kampante siya sa pagiging independent at pagkakaroon ng sariling tirahan ni Jasmine.
Ano ang masasabi ni Jasmine na pinagkakatiwalaan siya nang husto ng kanyang ina sa bagong phase na ito ng buhay niya?
Tugon ng Kapatid star, “Of course, masaya ako because trust is the biggest thing that you can pull between you and the person you love dearly.
“So, I’m very happy na supportive si Mama to that big move, to be living on my own.
“And gusto ko rin sana na pag lumipat ako, nandito siya para maramdaman naman niya na she’s part of this new chapter of my life.”
Hindi pa sigurado kung matutuloy ang pagbabalik ni Mommy Carmen sa Australia ngayong linggo o magtatagal ito sa Pilipinas hanggang May.
Pero anumang oras raw ay puwede nang ipakita ni Jasmine ang kanyang titirhan sa ina.
