PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Down To Mars wants to be known as boyband with a cause

Down To Mars pays it forward by helping upcoming boybands.
by Glen Sibonga
Published Apr 5, 2014
Aside from giving joy to fans through their music, Down To Mars members are also Philippine National Red Cross ambassadors.

Gusto ng Pinoy Pop boyband na Down To Mars (DTM) na makilala sila hindi lang bilang isang performing group kundi bilang mabubuting kabataang Pinoy na may adbokasiyang makatulong sa kanilang mga kababayan.

Naisasagawa nga nila ang layuning ito sa pamamagitan ng pagiging ambassadors nila ng Philippine National Red Cross.

Simula nang kunin sila ng Red Cross noong isang taon ay naging aktibo na sila sa events at activities ng naturang humanitarian organization.

Maituturing na pinakamalaking kontribusyong nagawa nila ay ang pag-turnover sa Red Cross noong Enero ng cash donation na mahigit sa P150,000 para sa mga biktima ng bagyong Yolanda, na nakalap nila mula sa kanilang series of shows sa Japan noong last quarter ng 2013.

Masayang ikinuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng members ng DTM na sina Jang Amparna, Kenji Chua, Daisuke Hagihara, Jeongwon Song, at Yheen Valero ang mga kaganapan sa ginawa nilang Red Cross events kamakailan sa Vigan, Ilocos Sur, at sa Pangasinan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

RECORD-BREAKING BLOODLETTING ACTIVITY. Nakagawa sila ng record sa pinakamaraming dugong nakuha nila mula sa bloodletting activity ng Red Cross dahil sa dami ng nahikayat nilang donors at volunteers.

Sabi ni Jang, “Gusto rin po namin ma-identify kami na hindi lang kami yung pogi-pogi lang na boyband.

“Yung projection po ng grupo talaga… yung ine-embrace po namin talaga yung pagiging ambassador namin ng Philippine Red Cross.

“Like yung nasa Vigan po kami last March 30, grabe yung experience namin sa event ng Red Cross. Up close and personal po kami sa mga volunteers.

“'Tapos nakakatuwa kasi nag-submit kami ng proposal sa Red Cross, sabi namin, ayaw namin nung nagpe-perform-perform lang kami.

“Gusto namin na nakikita namin na nag-i-increase yung number ng volunteers, kunwari sa Vigan.

“Ngayon natuwa sila, may feedback sila na yung friends ng mga nandoon, ngayon nagre-register na rin sila as volunteers.

“'Tapos nung nasa Pangasinan naman kami, kami yung naghu-hold ng record ng may pinakamataas na number ng blood donations.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Kasi usually 200 to 250 lang. 'Tapos nung kami nag-perform kami, naghikayat talaga kami, then pinupuntahan namin yung mga kinukuhaan ng blood.

“Nakakatuwa nung sabihin nila na, 'We’re so blessed to have you here kasi nakakuha kami ng almost 375 na blood units.' So, first daw nila yun sa school nila.

“Yung mga ganun, gusto talaga namin i-prove na yung mga boyband sa Pilipinas, hindi lang basta pa-cute. Pwede rin kaming makatulong sa mga kababayan natin in our own little way. Yun ang mas fulfilling sa grupo namin.”

Nakausap ng PEP ang Down To Mars noong Abril 3 pagkatapos ng kanilang grand fans day sa SM Valenzuela Event Center kasama ang bago nilang kapatid na boyband, ang Idols.

Produced ng management team nilang Discovery Media Entertainment in cooperation with SM Center Valenzuela at The Philippine National Red Cross, ang naturang Summer Double Big Event ay handog nila sa kanilang fans—ang Marsians at Solidols.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

FOR THE FANS. Pero siyempre bukod sa mga kawanggawa ay tuluy-tuloy pa rin ang pagbabahagi ng DTM sa kanilang musika at pagpapasaya sa kanilang fans.

Katulad na lang ng joint grand fans day nila ng Idols, kung saan pinasaya nila nang husto ang kanilang fans.

Talaga namang tuwang-tuwa ang kanilang mga tagahanga na walang-humpay sa pagtili sa bawat song and dance number ng DTM at Idols.

Nagkaroon din ng games, picture-taking at awarding ng pa-contest sa kanilang Facebook fan page (www.facebook.com/downtomars).

Lubos ding na-appreciate ng DTM ang pagpunta, hindi lang ng fans nila mula sa Metro Manila, kundi maging yung mga taga-probinsiya na mula pa sa Pangasinan, Isabela, at Laguna.

Na-miss daw talaga nila ang kanilang fans dahil ilang buwan din silang nawala sa Pilipinas noong huling quarter ng 2013 dahil nasa Japan sila.

Hindi rin sila agad nakapag-set up ng fans day dahil sunud-sunod ang shows nila hindi lang sa Metro Manila kundi pati sa mga probinsiya. Naging abala rin sila sa events at activities ng Red Cross.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Jang, “Kami talaga, matagal na naming gustong i-meet yung mga fans. Kaso wala talaga kaming oras kasi bigla-bigla pong pumapasok yung mga gig.

“Nauna pa kaming pumunta ng Vigan, nauna pa kaming pumunta ng Pangasinan. 'Tapos sabi namin kawawa naman yung mga Marsians namin dito sa Metro Manila. So, why not i-gather namin sila?

“Tapos, nung nag-meeting kami nina Tita Bing [mommy ni Kenji at nagsisilbi ring manager nila ngayon], sabi namin, why not isama na rin namin yung Idols since under the same management naman?”

Sabi ni Daisuke, lubos na kasiyahan din ang hatid sa kanila na makasama ulit ang kanilang fans.

“Opo, sobrang saya, sobrang na-miss po namin sila, e. Kahit po matagal kaming hindi nagkita nandun pa rin sila na nagmamahal sa amin.

“Kahit yung iba sobrang layo, galing sa Pangasinan, Isabela, Laguna, dumayo pa talaga sila dito para makita kami. Lalo po kaming ginaganahang mag-perform. Nakakatuwa, nakakataba po ng puso.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Biniro nga nila si Yheen dahil ito raw ang naging “artist of the day” sa kanilang grand fans day nang mag-solo ito sa pinasisikat nilang Nossa dance craze na sinaliwan ng kantang "Ai Su Eu Te Pego" ng Brazilian artist na si Michel Telo.

Sabi naman ni Yheen, “Impromptu nga po yun, e. Si Jang po ang may pakana.

“Pero masaya naman po at saka in-enjoy naman po ng fans kaya in-enjoy ko na rin po kahit medyo awkward nung una. Para po sa fans gagawin po namin lahat para mapasaya sila.”

HELPING NEW BOYBANDS. Natutuwa rin ang DTM na kasama na nila ang Idols sa Discovery Media Entertainment. Nakahanda raw silang tulungan at suportahan ang bagong boyband. Binubuo ang Idols nina Amiel Custodio, Patrick Dave Angeles, Nico Borrison, Knud Tiglao, Dark Eligino, at Lance Gutierrez.

“Natuwa kami sa Idols kasi nung nakita namin yung folio nila nilu-look up nila kami as a group.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, sabi namin nakakatuwa kasi ngayon nakaka-inspire na kami ng bagong grupo. So, on our end, masarap yung feeling kasi nakikita namin yung pinaghihirapan namin, meron pala kaming nai-inspire na iba.

“So, kami in-introduce namin sila as kapatid namin. Hindi namin sila kakumpitensiya,” ani Jang.

Ayon naman kay Jeong, nakaka-relate sila sa pinagdadaanan ngayon ng Idols.

Aniya, “Kasi at first kami rin po pinagdaanan din namin yung pinagdaanan nila, e. Nagsimula din po kami sa wala.

“At saka sino ba naman kami para kumontra sa mga batang nangangarap na gusto nilang sumikat, gusto nilang gumawa ng kanta.

“So, welcome po sila. At saka ganun naman po sa industry, e. Kung may competition man healthy competition, pero nagtutulungan yung bawat group para umangat. Tulungan lang po.”

Mga nakababatang kapatid daw ang turing nila sa Idols, sabi ni Kenji.

Saad niya, “Para pong mga younger brothers po namin, parang ginagabayan po namin sila. Siyempre mga bago pa lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Tinutulungan namin sila like sa wardrobe, sa voicing, sa dancing po nila konting tips po, ganun.”

Bukas daw sila sa pagtulong sa ibang boybands dahil layunin din ng DTM na mas mapasigla pa ang pag-idolo ng mga tao sa Pinoy boybands at hindi lang sa Korean o foreign boybands.

Sabi naman ni Jang, “Ngayon under one management po kami ng Idols. Ang gusto rin po kasi namin maisalba din kahit papaano yung idolatry ng mga Pinoy sa foreign boybands.

“Kumbaga meron naman tayong sariling atin. Yung formula kasi sa Korea, nagha-handle sila ng iba’t ibang boybands, pero iba-iba sila ng peg kahit na nga isang management lang sila.

“So, parang sa Pilipinas, gawin natin yung ganung formula. Kahit na mag-struggle tayo sa umpisa, ma-establish lang natin nang maayos.

“Something new yung sa showbiz industry. So gusto po naming mag-initiate ng ganung move.”

REPACKAGED ALBUM. Ibinalita rin sa PEP ng Down To Mars ang ginagawa nilang repackaged album kung saan kabilang ang hit song nilang "Nandito Lang Ako," na naging theme song ng Koreanovela na ipinalabas sa GMA-7, ang Smile Dong Hae. Sisimulan na rin nilang i-shoot ang music video nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Jang, “May mga re-recordings po kaming ginagawa. Binubusisi namin yung mga songs, ano pa bang kulang natin dito, yung treatment ba.

“Especially sa 'Nandito Lang Ako' kasi this April po gagawan na namin siya ng music video. So, baka sa May na po lumabas yung music video namin. 'Tapos iniisip namin kung saan namin siya ilu-launch.”

NEW TV NETWORK? Nakilala ang Down To Mars nang maisama sila bilang regular performers sa dating GMA Sunday variety show na Party Pilipinas. Co-managed din sila dati ng GMA Artist Center at ni Geleen Eugenio.

Ngayon ay freelancer na sila, kaya aminado sila na gusto rin nilang subukan ang posibilidad na magtrabaho sa ibang network.

“Malaki rin po ang utang na loob namin sa GMA lalo na sa Party Pilipinas kasi nakilala kami ng mga tao. Pero open po kami [sa ibang network],” pahayag pa nila.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Aside from giving joy to fans through their music, Down To Mars members are also Philippine National Red Cross ambassadors.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results