PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mark Herras still in touch with ex-girlfriend Ynna Asistio; wants baptism of his daughter to be a private occasion

Mark Herras more focused on work now that he is a father.
by Bernie V. Franco
Published Apr 4, 2014
Ayon kay Mark Herras, bago pa man niya sabihin sa dating girlfriend na si Ynna Asistio ang tungkol sa pagiging ama niya, nalaman na raw ito ng young actress mula sa ibang tao.

Pagkatapos aminin ni Mark Herras sa publiko na may anak na siya, ngayon ay pinaghahandaan naman niya ang kinabukasan ng kanyang five-month-old daughter na si Ada Sofia Nicolette.

“May naka-allot ako and then may kinuha akong educational plan for Ada para someday, pag nag-aral na siya, hindi na siya mahirapan,” banggit ni Mark.

Inamin ni Mark ang kanyang pagiging binatang ama sa February 23 episode ng StarTalk TX.

Read: Mark Herras admits fathering baby girl: “Pero ito lang ang masasabi ko, hindi ho kasalanan si Ada.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng entertainment press si Mark noong April 3, Huwebes, sa set visit ng GMA primetime teleserye na Rhodora X, sa The Orchard Golf and Country Club, Dasmariñas, Cavite.

BAPTISM. Ayon kay Mark, sa susunod na linggo ay pupunta siya sa munisipyo, kasama ang kanyang mga magulang, upang asikasuhin ang papeles na kailangan upang masunod sa kanyang apelyido ang pangalan ng anak.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngayong April naman pabibinyagan si Ada.

Ilan daw sa mga magiging ninong ay sina Rocco Nacino, Mike Tan, Rainier Castillo, Enzo Pineda, Jay-R, at Kris Lawrence.

Plano ni Mark na gawing pribado ang okasyon para na rin maprotektahan ang kanyang anak at ina ng bata.

“Ayoko siyang ipa-cover sa media kasi it’s for the privacy of the mom.

“Siguro kung maglalabas kami ng pictures, ako at si Ada lang.”

Kumusta ang relasyon nila ng ina ng kanyang anak?

Sagot ni Mark, “Wala, we’re okay.

“Almost every day, pinapadalhan niya ako ng pictures ng baby ko.

"That’s all, walang relationship."



COMMUNICATION WITH YNNA. Inusisa naman kay Mark kung bakit sa ibang tao pa nalaman ng kanyang ex-girlfriend na si Ynna Asistio ang tungkol sa pagiging binatang ama niya.

Nagkahiwalay sina Ynna at Mark noong July 2013, pero pagkatapos nito ay lumalabas-labas pa rin sila bilang magkaibigan.

Nalaman lang daw ni Ynna ang tungkol sa pagiging ama ni Mark noong Valentine’s Day, February 14, 2014, mula sa ibang tao.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado si Mark na magkarelasyon pa sila ni Ynna nang mabuntis niya ang ina ng kanyang anak.

“Mahirap sabihin,” sabi ni Mark.

“Nung gusto ko sanang sabihin sa kanya, na 'di ko alam kung paano, nalaman na niya.”

Read: Ynna Asistio "super hurt" by ex-boyfriend Mark Herras's infidelity

Pero ayon kay Mark, patuloy pa rin ang komunikasyon nila ni Ynna.

"So far, kami ni Ynna, nakakapag-usap kami minsan… nagkakamustahan."

Sa kabilang banda, hindi pa rin daw sila nakakapag-usap ng ina ni Ynna na si Nadia Montenegro.

“Si Tita Nadia, hindi pa. Hindi ko alam kung totoong nagsabi ng status sa Facebook, pero tapos na ‘yon,” aniya tungkol sa sentimiyento ng dating aktres sa nangyari.

Sa eksklusibong panayam ng PEP kay Nadia, na nailathala noong February 25, sinabi nitong naramdaman nila ang “betrayal” dahil hindi inamin ni Mark ang tungkol sa pagiging ama nito.

Gayunpaman, sinabi ni Nadia na kinalimutan na niya ang galit kay Mark at ipinagdarasal na sana ay maging mabuting tao at ama ito para sa kapakanan ng anak.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Read: PEP EXCLUSIVE. Nadia Montenegro on Mark Herras's revelation about being a single dad: "Everything happened nung sila pa ni Ynna."

MORE FOCUSED. Samantala, sinabi ni Mark na mas nagiging responsable siyang tao at ama ngayon.

“Wala namang umaaligid after the breakup with Ynna at nagka-baby ako.

“Akala ko magiging babaero ako, pupunta ako ng club, maggi-gimmick ako… wala, e.

“Siyempre andun yung anak ko. Lahat ng ginagawa ko sa trabaho ko…

“Kung dati iniisip ko para sa career ko at mabili lahat ng gusto ko, ngayon, 20 percent lang sa akin.”

Nagkaroon daw siya ng mas magandang dahilan para ayusin ang kanyang trabaho sa teleseryeng Rhodora X.

“Actually, bago nagsimula yung Rhodora X, basta ayusin ko yung trabaho.

"Pero nung lumabas si Ada, mas nag-focus ako."

Lubos-lubos naman ang pasasalamat ni Mark sa kanyang home network, ang GMA, dahil nang aminin niya ang pagiging binatang ama, akala niya ay hindi na siya mabibigyan ng proyekto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero sobrang nagpapasalamat ako kasi nakasuporta sila,” sabi niya.

Malaki rin ang pasasalamat ni Mark sa magandang feedback sa kanilang teleserye.

“Sobrang ganda ng nangyari sa Rhodora X, kasi wala tayong masabi sa acting ni Jen bilang Rhodora, Roxanne, at Rowena.

“Nagagawa niya nang tama at sobrang dami ang nakaka-appreciate sa acting.

“Si Yasmien [Kurdi], hindi rin nagpapahuli.”

Kasama rin sa Rhodora X sina Mark Anthony Fernandez, Gardo Versoza, Glydel Mercado, at Boots Anson-Roa.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ayon kay Mark Herras, bago pa man niya sabihin sa dating girlfriend na si Ynna Asistio ang tungkol sa pagiging ama niya, nalaman na raw ito ng young actress mula sa ibang tao.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results