PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Marian Rivera named first ambassador for women and children with disability

Marian Rivera will support boyfriend Dingdong Dantes if he decides to enter politics.
by Rose Garcia
Published Apr 4, 2014
Nahirang ng Kongreso si Marian Rivera na tagapagsalita ng mga kababaihan at kabataang may kapansanan. Pero nilinaw ng Kapuso actress na hindi ito nangangahulugang gusto niyang pasukin ang pulitika. Pahayag niya, "Wala sa pag-iisip ko ang tumakbo. Ang mahalaga sa akin, ang makatulong ako sa kapwa ko sa sarili kong pamamaraan—maliit man ‘yan o malaki.”

Kailan lang ay tumuntong si Marian Rivera sa House of Representatives, kung saan ipinakilala at itinalaga siya bilang kauna-unahang ambassador para sa Women and Children with Disability.

Pahayag ng Kapuso actress tungkol dito, “Nakakataba talaga ng puso.

"Hindi biro ang pumunta ka sa Kongreso at bigyan ka ng isang parangal.

"So, ako, nandoon ako, nakikinig ako sa bawat salita ng mga may kapansanan, pero may mga katungkulan—may mga doctor, may mga attorney...

"Sabi ko nga, ang gagaling naman ng mga kababaihang ito, 'tapos ako ang kinuha nilang ambassador dun.

"Inisa-isa nila talaga kung bakit, kaya napaka-blessed ko naman para piliin nila ako at ganoon kalaki ang tiwala nila sa akin.

“Sabi ko nga, ayokong mangako, pero tutulungan ko sila sa abot ng aking makakaya.”

Unang beses lang daw nakarating ni Marian sa Kongreso.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa launch ng April 2014 issue ng Women's Health, kung saan siya ang nasa cover, sa Privato Hotel kahapon, April 3.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



POLITICS. Ngayong tagapagsalita na siya ng mga kababaihan at kabataang may kapansanan, may mga nag-iisip na baka pasukin na rin niya ang pulitika.

Ngunit diin ni Marian, “Dati pa naman may offer na talaga, pero wala sa pag-iisip ko ang tumakbo.

"Ang mahalaga sa akin, ang makatulong ako sa kapwa ko sa sarili kong pamamaraan—maliit man ‘yan o malaki.”

Kung may mga alok nga kay Marian na pumasok sa pulitika, lalo na siguro ang kasintahan niyang si Dingdong Dantes.

Ano ang masasabi ni Marian tungkol dito?

“Kung sakali man na papasukin ni Dong ang pulitika, oo naman, susuportahan ko siya.

"At una sa lahat, naniniwala ako na mabuti siyang tao at alam ko na marami siyang matutulungan.

"If ever na tumakbo siya, alam ko na magiging isa siyang magandang ehemplo, higit lalo ng mga kabataan.”

Hindi siya kokontra kung sakaling sumabak nga ito sa pulitika?

“Hindi, naniniwala ako na kung mahal mo ang isang tao, dapat na suportahan mo siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At higit lalo kung alam mong makakatulong siya, hindi mo dapat pigilan yun."

Read Next
Read More Stories About
Marian Rivera
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nahirang ng Kongreso si Marian Rivera na tagapagsalita ng mga kababaihan at kabataang may kapansanan. Pero nilinaw ng Kapuso actress na hindi ito nangangahulugang gusto niyang pasukin ang pulitika. Pahayag niya, "Wala sa pag-iisip ko ang tumakbo. Ang mahalaga sa akin, ang makatulong ako sa kapwa ko sa sarili kong pamamaraan—maliit man ‘yan o malaki.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results