PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Luis Alandy wants to know Jennylyn Mercado better

Luis Alandy turns down offers to join politics: "Hindi pa siguro ngayon, yung bigla kang sasabak agad."
by Rommel R. Llanes
Published Apr 4, 2014
Luis Alandy finds role in Innamorata his biggest challenge yet: “Parang I’m playing three characters in a span of one week.”

Tatlong naggagandahang artista ang love interest ni Luis Alandy sa GMA afternoon soap na Innamorata—sina Max Collins, Jackie Rice, at Gwen Zamora.

Pero sa labas ng camera, kay Jennylyn Mercado nakabaling ang paningin ng aktor.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na crush pala ni Luis si Jennylyn, at gusto niyang maging kaibigan muna ang aktres.

Ayaw raw niya nang basta nanliligaw agad.

Hindi pa raw sila nagkakatrabaho, pero kapag nabigyan ng pagkakataon, kapag nagkakila na sila nang husto ni Jennylyn, liligawan ba niya ito?

“Why not?” tugon nito.

Kaya lang, ayon kay Luis, “Busy rin siya sa Rhodora X ngayon, e.”

Loveless si Luis ngayon, break na sila ng dati niyang karelasyon na nasa ibang bansa.

“Mahirap pala.”

Ayaw na raw nito ng long-distance relationship at ayaw rin muna niya ng relasyon ngayon.

“Naka-focus ako ngayon sa work,” sabi niya.



LEADING LADIES. Sa taping ng Innamorata sa Cainta, Rizal, noong March 27, tinanong namin si Luis kung ano ang pagkakaiba kina Max at Jackie bilang leading ladies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ng aktor, “Si Max, mas sweet siya kay Jackie.

"Si Jackie kasi makulit, mahilig siyang mang-asar.

"Parang ako rin, nag-aasaran kami ni Jackie.

“Si Max, reserved, pero mahilig din siyang magpatawa.

"Dati tahimik lang siya, pero ngayon medyo nagpapatawa na.”

CHALLENGE. Past and present ang tinatahak ng Innamorata kaya't isang malaking pagsubok kay Luis ang role niya bilang si Edwin ngayon at Arnaldo noon.

Pahayag nito, “Buong week namin shinoot yung 1930s sa Batangas, may time na nalito ako.

"Kasi akala ko Edwin pa rin siya, yun pala dapat Arnaldo siya.

"Siyempre sa script, nakasulat Edwin lang, hindi Arnaldo.

“Yung present na Edwin bumalik sa 1930s, yung acting dun… yung mga ugali.

"Medyo yung Tagalog malalalim.

“Ngayon naman, for the past two tapings, na-enchant ako ni Alejandra [Gwen] kasi pumasok na siya sa present time.

"Gusto na niya akong kunin from Esperanza, all the while sabi niya, ‘Ikaw si Arnaldo.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“So, parang I’m playing three characters in a span of one week.”

FAN. Kasali rin si Luis sa Lenten special ng Eat Bulaga!, kung saan siya ang gaganap na asawa ni Marian Rivera.

Excited daw siya na muling makasama si Marian, na nakatrabaho niya dati sa Shake Rattle & Roll X ("Nieves" episode), sa Desperadas, at sa Dyesebel.

Bilang isang artista, gustong sundan ni Luis ang mga yapak ni Cesar Montano.

“Hindi pa ako artista nun, nababasa ko na yung method acting niya.

"'Di ba, ginawa niya yung Rizal, yung Muro Ami?

"Sila ni Jhong [Hilario], naging fan nila ako sa Muro Ami."

POLITICS. May mga naghihiyakat daw kay Luis na pasukin nito ang pulitika.

“May mga nag-offer sa Rizal, sa Taytay... ano lang, konsehal.

"Hindi naman ako tumanggi kaya lang, sabi ko, ang hirap kasing bigla na lang pumasok na wala ka man lang [background].

"Yung iba andiyan na, nagka-kapitan o tumutulong sa ano.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Sabi ko, nung nandito naman ako sa Taytay, ang ginagawa ko lang naman dati diyan, mag-basketball… nai-invite ako.

"Yung mga nakaupo kasi sa Taytay mga kamag-anak ko rin.

"Actually si Ynares, kamag-anak namin dahil sa asawa niya.

“Sa father side ko naman sa Alandy, yung sa Quezon, yung isang mayor doon tinatanong ako kung gusto ko raw mag-try sumali sa politics.

“Ibang klaseng dedication din yung nasa politics ka, iba yung nasa showbiz ka.

“Pero feeling ko, hindi ko linya.

"Hindi pa siguro ngayon, yung bigla kang sasabak agad.

"Yun ang sinasabi ko sa mga kamag-anak ko."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Luis Alandy finds role in Innamorata his biggest challenge yet: “Parang I’m playing three characters in a span of one week.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results