PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Senator Bong Revilla clarifies "fugitive" joke with Ping Lacson; vows to face plunder raps against him

Senator Bong Revilla says there's no truth to speculations that he plans to flee the country to evade authorities.
by Rachelle Siazon
Published Apr 4, 2014
Senator Bong Revilla confirmed that he indeed met with ex-Senator Ping Lacson last July 2013. Revilla maintained, however, that it wasn't to discuss his plan of escape, but to clear the air between him and Lacson.

“Sobra na ang paninira sa akin.

“Buti pa ang mga hayop at barbaro, alam kung kailan titigil.

“You don't hit a man when he's down.”

Umalma si Senator Bong Revilla tungkol sa usap-usapan na nakipagkita siya kay dating Senator Panfilo Lacson upang alamin diumano kung paano iniwasan ng huli na maaresto ng awtoridad.

Ito ay sa kadahilanang tila nahaluan ng malisya ang pagpupulong sa pagitan ng dalawa ilang linggo matapos pumutok ang balita tungkol sa pork-barrel scam noong July 2013.

Iginiit ni Senator Revilla na ang agenda ng meeting nila ni Lacson noon ay upang tiyaking maayos ang kanilang samahan pagkatapos maglaban sa pagiging bise-gobernador ang kanilang mga anak noong May 2013 elections.

Ang anak ni Senator Revilla na si Jolo Revilla ay tumakbo bilang vice governor ng Cavite katunggali ang anak naman ni Lacson na si Jay Lacson.

Si Jolo ang nagwagi sa labanang iyon.

Pahayag ni Senator Revilla sa ulat ng ABS-CBN News Online kahapon, April 3: “Our meeting was an act of magnanimity from both sides, as we wanted to ensure that our friendship was not affected.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kaugnay ito ng ulat ng Philippine Daily Inquirer kung saan ibinunyag ng isang “source,” na kasama sa naturang meeting, ang detalye ng napag-usapan nina Senator Revilla at Lacson.

Ayon sa report, kumonsulta raw si Senator Revilla kay Lacson kung kailan titiyempo ang una na makaalis ng bansa upang taguan ang mga awtoridad.

Ginanap ang naturang pagpupulong sa isang Japanese restaurant sa Makati Shangri-La hotel bandang July 2013.

Buwelta naman ni Senator Revilla, biniro lang siya ni Lacson nang mapunta ang usapan nila tungkol sa pagkakadawit ng una sa pork-barrel scam.

Read: Bong Revilla, Jinggoy Estrada, three other senators allegedly involved in pork barrel scam

Lahad ng senador, “Biniro niya [Lacson] ako na ‘Magtatago ka ba? Tuturuan kita. Nagawa ko na 'yan.’ Sabay tawa.

“Sagot ko naman, ‘Hindi ko ‘yan kaya. Masyado ako malulungkot mag-isa.’ Sabay tawa na namin kaming dalawa."

Ayon pa kay Senator Revilla, pagkatapos nilang magbiruan ni Lacson ay sumeryoso ito at nakisimpatiya sa panggigipit ng gobyerno sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatandaang minsan nang nagtago sa awtoridad si Lacson matapos siyang madawit sa kasong pagpatay sa publicist na si Salvador "Bubby" Dacer at driver nitong si Emmanuel Corbito.

“He [Lacson] said that he understands since he was also persecuted in the past.

“He said he didn't want to hide from the law when he did, but he had to.”

Bago lumabas ang isyu hinggil sa diumano’y plano ni Senator Revilla na takasan ang awtoridad, nauna nang naibalita ang tungkol sa paglipad ng senador papuntang Holy Land kasama ng kanyang pamilya.

Read: Bong Revilla flies to Holy Land with family: "Babalik po ako."

Noong April 1, Martes, lumabas ang rekomendasyon ng Office of The Ombudsman na kasuhan ng plunder sina Senator Juan Ponce Enrile, Senator Bong Revilla, at Senator Jinggoy Estrada.

Read: Ombudsman recommends filing of plunder charge against Senators Enrile, Revilla, Estrada

Sa kabila nito, iginiit ni Senator Revilla na wala siyang balak takasan ang reklamo laban sa kanya at handa siyang harapin ang desisyon ng Ombudsman.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Inaasahang babalik ng Pilipinas si Senator Revilla sa April 13.

Maging si Senator Estrada ay kasalukuyang nagbabakasyon kasama ng kanyang pamilya sa U.S., at inaasahang babalik ng Pilipinas sa April 19.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senator Bong Revilla confirmed that he indeed met with ex-Senator Ping Lacson last July 2013. Revilla maintained, however, that it wasn't to discuss his plan of escape, but to clear the air between him and Lacson.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results