PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mike Tan makes an extra effort to be on par with other hunks in Kambal Sirena

Mike Tan: "So far, yes, na-achieve ko naman yung gusto kong pangangatawan."
by Ruben Marasigan
Published Apr 4, 2014
Mike Tan on Kambal Sirena co-star Louise delos Reyes: "Ako naman, lagi akong umaarte kung ano yung kailangang ibigay sa akin, e. I don’t know dun sa chemistry, pero kapag nasa set ako at magkaeksena kami, tinatanggap ko siya. Ang ibig kong sabihin, kung kailangan ko siyang mahalin do’n sa scene, minamahal ko siya."

Malapit na ang Holy Week, pero hindi pa raw makapagplano si Mike Tan kung saan siya magbabakasyon para kahit paano’y ma-refresh ang katawan sa tumitinding init ng summer.

“Nagti-taping kasi kami ng Kambal Sirena, e, kaya mukhang wala kaming Holy Week break, ” sabi ng Kapuso actor nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, March 30, sa Sunday All Stars.

Ginagampanan ni Mike sa Kambal Sirena ang character ni Jun, isang simpleng mangingisdang probinsiyano na iibig sa sirenang si Alona na kakambal ni Perlas, na parehong ginagampanan ni Louise.

Tampok din sa teleserye si Aljur Abrenica, sa katauhan naman ng isang dolphin trainor na mai-in love kay Perlas.

Maraming eksenang nakahubad lang si Aljur at lantad ang magandang katawan nito. Ganun din ba si Mike?

“Opo!” sabay ngiti niya. “Kasi alam naman natin na ang mangingisda, kadalasan kapag naiinitan, nagtatanggal ng damit.

“Pero sa naoobserbahan ko naman sa kanila, hindi naman sila laging nakahubad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Kumbaga, nagdadamit sila kasi mainit ang sikat ng araw.

“'Tapos tinatanggal lang nila ang damit nila kapag nabasa. ‘Yon lang.”

Aminado si Mike na kinailangan niyang mag-effort para mapaganda pang lalo ang kanyang katawan.

“Yes! Kailangan kong humabol sa mga katawan nila—kay Aljur, kay Polo [Ravales], pati kay Pancho [Magno],” pagtukoy niya sa Kapuso hunks na kasama sa cast ng Kambal Sirena.

Dagdag niya, “Lagi akong nagdyi-gym. Hangga’t kaya, pupunta ako sa gym.

“And so far, yes, na-achieve ko naman yung gusto kong pangangatawan.

"Although alam natin na kulang pa, pero at least nandun tayo sa range na ‘yon."

LOUISE DELOS REYES. Sina Aljur at Louise, agad-agad ay naka-establish ng chemistry bilang magkapareha.

Kumusta naman ang working relationship nila ng young actress?

Tugon ni Mike, “Ako naman, lagi akong umaarte kung ano yung kailangang ibigay sa akin, e.

"I don’t know dun sa chemistry, pero kapag nasa set ako at magkaeksena kami, tinatanggap ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang ibig kong sabihin, kung kailangan ko siyang mahalin do’n sa scene, minamahal ko siya.

“At sa tingin ko, kung totoo yung pag-arte niyo, kapag tinatanggap niyo ang isa’t isa, doon nabubuo yung chemistry.”

Unang beses pa lang nilang magkatrabaho ni Louise, pero madali naman daw silang naging at ease sa isa’t isa.

Sabi pa ni Mike, “She’s very professional. Wala siyang arte habang… alam mo ‘yon?

“Kahit pagod na, kahit alas-tres na ng umaga, kung kailangan siyang dalhin sa dagat, never siyang umangal.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mike Tan on Kambal Sirena co-star Louise delos Reyes: "Ako naman, lagi akong umaarte kung ano yung kailangang ibigay sa akin, e. I don’t know dun sa chemistry, pero kapag nasa set ako at magkaeksena kami, tinatanggap ko siya. Ang ibig kong sabihin, kung kailangan ko siyang mahalin do’n sa scene, minamahal ko siya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results