PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daniel Padilla on gaining approval of Kathryn Bernardo's dad to court young actress: "Happy naman ako na nakita ni Tito yung effort ko."

Daniel Padilla is willing to wait for Kathryn Bernardo despite her dad's no-boyfriend policy.
by Rachelle Siazon
Published Apr 1, 2014
Daniel Padilla tells Kathryn Bernardo that he's okay with taking it slow in terms of their courtship: "Kaya eto, 18 ka na. Bukas, normal na ulit ang buhay natin. Eighteen ka lang talaga. Pero enjoy-in lang natin.”

Aminado si Daniel Padilla na hanggang ligaw lang muna siya kay Kathryn Bernardo.

Ito ay sa kadahilanang nirerespeto niya ang hiling ng ama ni Kathryn, si Teddy Bernardo, na huwag munang makipagrelasyon ang young actress kahit 18 years old na ito.

Ganunpaman, nabanggit ni Daddy Teddy sa debut party ni Kathryn na aprubado sa kanya ang pag-aalagang ginagawa ni Daniel sa kanyang anak.

Read: Kathryn Bernardo's dad gives nod of approval to Daniel Padilla

Pahayag ni Daniel tungkol dito, “Nung una, nung [sinabi ni Tito Teddy na] ‘no suitors,’ medyo napailing talaga ako, e.

“Pero nung sinabi na ‘so far so good,’ naging happy naman ako na nakita ni Tito yung effort ko.

“Yun, gano’n pa rin, relax lang tayo.”

Mula pa noong 2012 ay napapabalita nang nagkakamabutihan sina Daniel at Kathryn.

Bandang July 2013 naman nang aminin ni Daniel na mayroon silang “mutual understanding” ni Kathryn.

Napagkasunduan din daw nilang hindi na magpapaligaw ang aktres sa ibang lalaki maliban kay Daniel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa ngayon ay tuloy pa rin ang panliligaw ng aktor kay Kathryn.

“Sabi nga ni Tito, no suitors, pero ligaw lang,” nakangiting sabi ni Daniel.

Tiniyak din ni Daniel na handa siyang maghintay kay Kathryn hanggang sa payagan na itong magkaroon ng boyfriend.

Dagdag na mensahe ni Daniel para kay Kathryn: “Nakita ko nung sinabing tapos na ang debut mo, e, sobrang saya mo.

“Kaya eto, 18 ka na. Bukas, normal na ulit ang buhay natin.

“Eighteen ka lang talaga. Pero enjoy-in lang natin.”

Sa huli, nagpasalamat si Daniel sa mga kamag-anak niyang dumalo sa debut party ni Kathryn.

“Oo, buong pamilya ko ang nagpunta.

"Si Tito Robin [Padilla], Tita Mariel [Rodriguez], at Tita BB [Gandanghari].

"Thank you so much sa pagpunta.

“Si Kathryn, sobrang natuwa.

"Crush niya kasi si Tito Robin, e. Kaya Tito Robin, thank you.”

Ilan pa sa mga kapamilya ni Daniel na namataan sa party ay ang ina niyang si Karla Estrada at dalawang kapatid na sina RJ at Roann Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla tells Kathryn Bernardo that he's okay with taking it slow in terms of their courtship: "Kaya eto, 18 ka na. Bukas, normal na ulit ang buhay natin. Eighteen ka lang talaga. Pero enjoy-in lang natin.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results