PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daniel Matsunaga parties with Paris Hilton 'til dawn

Daniel Matsunaga on ex-girlfriend Heart Evangelista: “We are friends, we’re in really good terms...”
by Arniel C. Serato
Published Apr 1, 2014
Masaya raw si Daniel Matsunaga kahit single siya ngayon, at binubuhos niya ang kanyang oras sa trabaho. Itinanggi naman nitong nagkakapalagayan ang loob nila ng socialite na si Paris Hilton nang bumisita ito sa bansa noong Marso.

Sa hindi sinasadyang pagkakataon, halos sabay na rumampa sa black carpet ng CreamSilk @ 30 event noong March 26 ang dating magkasintahang sina Daniel Matsunaga at Heart Evangelista.

Habang ini-interview ng media si Heart ay kumaway pa nga ito kay Daniel na nasa bandang likuran niya.

Sa exclusive interview naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Daniel, sinabi nitong walang bad blood na namamagitan sa kanila ni Heart.

Saad ng Brapanese model-actor, “Oo naman, friends na lang.

“Lumabas ako sa kotse ko, nandun siya.

"Ano, okay lang... we are friends, we’re in really good terms.

"She’s very good friend with my mom and Vanessa [Daniel's sister], so, yeah.

“Nakita ko siya kanina and we were talking. You know, 'How’s everything?'

"She’s doing paintings. I’m very proud of her,

"I didn’t see Chiz [Escudero] here, so I was asking where Chiz was and everything.

"So, yun, yun lang."

Masaya na si Heart sa piling ni Senator Chiz Escudero, pero si Daniel ay single pa rin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi pa niya, “Single and available.

“Work muna, ano, trabaho muna.”

Wala mang regular show ngayon si Daniel, marami naman daw siyang guest appearances.

“Puro guestings, e. Guestings sa TV5, guestings sa ABS-CBN.

“For now ano, yung mga out of town, mga mall shows, mga events, parang it’s like... hindi soap opera, e, sitcom, gano'n.”



PARIS HILTON. May natanggap na feed ang PEP na noong nagkaroon daw ng after-party sa pagmamay-aring beach club dito sa Pilipinas ng American hotel heiress na si Paris Hilton, marami raw nakapansing mga bisita na parang nagkalapit daw ito at si Daniel.

Ayon pa sa report, noong una raw ay nagti-table hopping pa si Paris para makipagkuwentuhan sa mga bisita, pero noong namataan daw nito at nakilala na si Daniel, hindi na raw ito nag-ikot.

Nakipagkuwentuhan na raw si Paris kay Daniel hanggang madaling-araw.

Kinumpirma ng PEP kay Daniel kung totoo nga ang report na ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot nito, “A, yes, she has a beach, Paris Beach Club.

"I was there, I enjoyed.

“My friends' there, the party was amazing, and the crowd, the music...

"She asked me to join the table.

"We were talking, talking, talking, the whole night.”

Ano naman ang mga pinag-usapan nila?

Sabi ni Daniel, “Tungkol sa buhay. Things sa mga… sa mga ano, sa Philippines, and everything.

"How she liked the Philippines, how she wants to stay here and everything.

“Gano'n, simple lang.”

Nagkapalitan na ba sila ng cellphone number? Magka-text na ba sila nang personal?

“Wala. Wala,” nakangiting sagot ni Daniel.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Masaya raw si Daniel Matsunaga kahit single siya ngayon, at binubuhos niya ang kanyang oras sa trabaho. Itinanggi naman nitong nagkakapalagayan ang loob nila ng socialite na si Paris Hilton nang bumisita ito sa bansa noong Marso.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results