PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alwyn Uytingco on Vin Abrenica as his love interest: “Hindi mo maiiwasan yung maiilang.”

While he is pressured being the lead in an upcoming teleserye, Alwyn Uytingco intends to do his best and not waste the opportunity given to him.
by Bernie V. Franco
Published Mar 20, 2014
After almost two decades, Alwyn Uytingco is finally given his big break, through an upcoming teleserye on TV5. In the series titled Beki Boxer, Alwyn will portray the role of a closet boxer.

Halos 20 taon ang hinintay ni Alwyn Uytingco bago siya nabigyan ng title role sa isang teleserye.

Ito ay sa pamamagitan ng Beki Boxer na magsisimulang mapanood sa TV5 sa March 31.

Sa nasabing teleserye, gaganap ng kakaibang role si Alwyn, bilang isang gay na napilitan maging boksingero.

“Thankful ako kay Lord, feeling ko planado ni Lord na gawin ito para sa akin,” sabi ni Alwyn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng press sa taping ng kanyang upcoming teleserye sa Binangonan, Rizal, noong Lunes, March 17.

Aminado si Alwyn na kabado siya sa kanyang lead role.

“So, nadagdag lalo ang pressure [sa pagiging lead ko].

“I think yung pressure, I can use it para ma-push ko ang sarili ko.”



VIN ABRENICA AS LEADING MAN. Hindi ito ang unang beses na gumanap bilang isang bading si Alwyn.

Sa apat na installments ng Ang Tanging Ina ay ginampanan niya ang role ni Pip, ang binabaeng anak ni Ina Montecillo (Ai-Ai delas Alas).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang fantasy series din sa TV5 network ay gumanap si Alwyn bilang bading na kontrabida.

Sa Beki Boxer, magiging "ka-loveteam" ni Alwyn si Vin Abrenica.

Gagampanan ni Vin ang role ng isa ring boxer na magpapatibok sa puso ng karakter ni Alwyn.

“Abangan niyo yung part na kakamutin ko ang abs ni Vin!” natatawang sabi ni Alwyn.

Aniya, sa eksena ay naka-boxing gloves si Vin at mangangati ang kanyang abs at ipapakamot kay Alwyn.

Sundot ng PEP, hindi ba sila nagkakaroon ng ilangan ni Vin na kailangan nilang umarteng sweet gayong lalaki naman sila sa totoong buhay?

Sagot ni Alwyn, “Actually, yun ang winu-work out namin [ni Vin] kasi buddies kami, pero kailangan yung friendship namin mapunta into an area na maging sweet kami na malagkit ang tinginan.

“Siyempre, hindi mo maiwasan yung maiilang, lalo na pag sobrang magkalapit.”

Ngayon nga lang daw nila napag-uusapan ni Vin kung paano sila aarte bilang sweet dahil pagkatapos ng story conference ay sabak agad sila sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓



MAKE OR BREAK PROJECT. Matagal ang hinintay ni Alwyn bago siya nabigyan ng proyekto sa wakas ay siya ang lead.

Hindi ba siya nainip?

Tugon niya, “Ako naman, bilang isang aktor, kung ano ang ibigay sa akin, kahit ano’ng project, i-enjoy ko lang.

“As much as possible, gusto kong mag-manifest ‘yon.

“Ang iniisip ko, miyembro lang ako ng isang grupo para mapaganda yung project, so whether maliit or malaki yung character, ine-enjoy ko lang.

“Ibibigay ko lahat para maganda ang show.

“Ngayong ibinigay sa akin ito, gagawin ko yung best ko.”

Dugtong pa niya, “Gusto ko lang talaga yung story mabigyan ko ng justice.

“In that way, everybody will appreciate the show and story.”

Makakasama rin nina Alwyn at Vin sa Beki Boxer sina Joross Gamboa, Danita Paner, Christian Vasquez, Candy Pangilinan, Claire Ruiz, Cholo Barretto, Onyok Velasco, at John Regala.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After almost two decades, Alwyn Uytingco is finally given his big break, through an upcoming teleserye on TV5. In the series titled Beki Boxer, Alwyn will portray the role of a closet boxer.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results