PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Max Collins reveals how she deals with bashers: “Masakit man, hindi ko naman sila aawayin dahil opinyon nila at entitled naman sila sa kanilang opinyon."

On posing sexy for a men's magazine, Max Collins says, "...parang hindi pa raw po panahon...parang hindi po ako ganoon kasexy."
by Rose Garcia
Published Feb 22, 2014
Max Collins admites to getting affected by bashers, but, "Wala naman akong mapapala kung sasagutin ko...dahil hindi naman sila mapipigilan. Hindi na lang ako nagbabasa, ayoko."

Walong buwan man na walang regular soap si Max Collins pagkatapos niyang gawin ang Pahiram Ng Sandali, bumawi naman ang Kapuso network at ibinigay sa kanya ang lead role sa Innamorata.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Max sa Kitchen of Cakes noong Linggo, February 16, nasabi nito na mas naging mahirap emotionally para sa kanya ang Pahiram Ng Sandali, kunsaan naging leading lady siya ni Dingdong Dantes.

“Kasi itong Innamorata, parang Disney Princess ang dating. More on the positive side tungkol sa pag-ibig, at positive po ang outlook nito sa buhay.

"Mas mahirap sa Pahiram, yun ang totoong drama, mas mabigat.”

Nagkuwento si Max tungkol sa ghost experience niya habang nagti-taping sila sa Antipolo para sa seryeng kasama niya sina Luis Alandy, Gwen Zamora, Dion Ignacio, at Jackie Rice.

“Yung wardrobe po kasi namin, [doble] kinukuhanan para sa continuity ng story.

"May eksena kami ni Dion, nasa stair siya outside, then, nasa gilid ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May kamukha ako sa gitna, same outfit e nandoon ako sa gilid.

"Nakita po namin ang picture at lumabas ngang dalawa kami.

"Ang tawag daw doon ay doppelgänger [ghostly double o
pangitain na kamukha ng totoong tao].

“'Tapos, meron pang isa, nakaupo ako 'tapos parang may spirit sa gilid.

"Haunted kasi yung place na yun.”



PRESSURE. Medyo nakakaramdam nga raw siya ng pressure dito sa Innamorata dahil ito ang kanyang launching series.

Saad niya, “Feeling ko, nakasalalang ang career ko rito. Matagal ko ‘tong hinintay, ilang taon na.

"Nag-start ako 13 yeara old, it took almost eight years."

Pero proud daw si Max sa project, "Maganda talaga ang story.

“Masaya ako sa taping kasi lahat very cowboy, pati si Luis.

"We’re all very relaxed lang and helpful sa isa’t-isa.

"I’m very blessed na sila ang nakasama ko rito.”



BASHERS. Samantala, kasama rin si Max sa Bubble Gang, at aminado raw ito na nung una, nahihirapan siyang magpatawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aniya, "Mas natatakot pa ako sa Bubble Gang kesa sa mag-taping noon sa Pahiram

"Parang feeling ko, hindi ko kaya na maging funny.

“Pero nasanay rin. Natuto rin ako na maging less serious because of Bubble Gang.”

Bukod sa self-criticism, naapektuhan rin daw si Max ng ilang bashers.

“Siyempre, masakit lalo na kapag pine-personal ng mga tao kung ano ang role ko minsan. Iniisip ko na lang na trabaho ‘to, na mahal ko ang trabaho ko.

"Hindi talaga maiwasan yun na may maraming ayaw sa akin.

"Siguro lahat ng kapangitan na masasabi ng isang tao tungkol sa isang tao, nasabi na nila sa akin.

“Masakit man, hindi ko naman sila aawayin dahil opinyon nila at entitled naman sila sa kanilang opinyon.

“Wala naman po akong mapapala kung sasagutin ko. Masasaktan lang po ako lalo dahil hindi naman sila mapipigilan.

“Hindi na lang ako nagbabasa, ayoko."


NOT YET READY FOR FHM. Nasa taping daw si Max noong Valentine’s Day kaya wala raw siyang date nun kahit sa balitang masugid na manliligaw niyang si Pancho Magno.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Lahat kami, nasa taping. Meron lang akong flowers, yun lang,” natatawang sabi niya.

Dito namin isiningit ang tanong tungkol sa posibilidad na mag-pose siya for FHM.

Saad niya, "Ang narinig ko po, parang may nag-offer. Depende pa rin po sa manager ko, kay Kuya Perry [Lansigan], pero parang hindi pa raw po panahon.

"At saka, parang hindi po ako ganoon kasexy. Parang mas gusto ko pong mag-focus sa pag-arte. Mas love ko po talaga ang acting.”



PHYSICAL ENHANCEMENTS. Kahit na kuntento si Max sa kanyang hitsura, sumasagi raw minsan sa isip niya ang magpa-liposuction.

“Kasi malaki ang arms ko, malaki rin ang balakang ko, pero sa ngayon po, wala akong time.

"Palagi akong sumasayaw sa SAS [Sunday All Stars] so wala akong recovery time, yun ang mahirap.

“Noong mag-start po akong mag-yoga, parang naisip ko, it’s better to be healthy and working kesa magta-time-off ako.

“Inisip ko rin na lahat naman parang payat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Walang spokesperson para sa medyo may laman so parang feeling ko, ako yun. Paano yung mga taong may big-boned talaga?


"Parang maganda rin na makaka-relate sila na, 'Uy, ganyan din ang katawan ko and I don’t have to feel so bad.'

"Kapag nakikita ako ng mga tao sa personal, 'Uy, ang liit lang ng face mo pero ang laki sa TV.'"

Naisip ba niyang magpadagdag ng boobs tulad ng ginagawa ng ibang artista?

Sagot ni Max, “Inisip ko rin yun, kaso, malaki na po ang built ko.

"Baka kapag nagpadagdag ako, mas bibigat, mahihirapan akong sumayaw, mas lalaki po ako.

“Feeling ko, if God gave me this, panindigan ko na.

"Wala namang perpektong tao at ayokong one day, magsisi ako. Yung mga side-effects hindi natin alam.”

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Max Collins admites to getting affected by bashers, but, "Wala naman akong mapapala kung sasagutin ko...dahil hindi naman sila mapipigilan. Hindi na lang ako nagbabasa, ayoko."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results