PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Maricel Soriano on passing "Comedy Queen" title to Eugene Domingo: "Naman... Oo naman!"

Maricel Soriano on her choice of the next “Comedy Queen”: “Titignan ko muna kung dedicated sila, kasi maraming magaling. At yung t
by Glen Sibonga
Published Sep 4, 2013
Ibang kasiyahan ang nararamdaman ni Maricel Soriano sa pagbabalik-comedy niya sa pelikulang Momzillas. Kuwento niya, “Ito yung pelikulang ginawa ko na, ewan ko kung bakit looking forward ako palagi na dumating sa set nang maaga dahil masaya. Alam mo yung masaya ka talaga.”

In-enjoy raw nang husto ni Diamond Star Maricel Soriano ang kanyang comeback movie na Momzillas under Star Cinema at Viva Films.

Nakatakda itong ipalabas sa mga sinehan nationwide sa Setyembre 18.

Ito rin ang pagbabalik niya sa comedy at first time niyang makatrabaho ang blockbuster director na si Wenn Deramas, na na-enjoy niya rin na makasama.

Sabi nga ni Maricel, “Lagi kong sinasabi sobra kaming masaya sa set.

“Isa siyang napakalaking blessing para sa aming lahat. Totoo yun, totoo kang [Direk Wenn] kaibigan.

“Masaya kami sa set, noong nagsu-shoot kami sa beach, naka-13 sequences talaga kami na parang hindi namin naramdaman, kasi nga tawa kami nang tawa.

“'Tapos, nagtataka sila bakit parang ang dali-dali raw namin natapos yung eksena na parang hindi kami nag-shooting.

“Alam naman nating lahat na pag sinabi mong trabaho, tinatrabaho natin ito.

“Pero kumbaga, pag nagkikita kami, dahil siguro nga sa sobrang dedikasyon sa ginagawa namin, hindi kami nagmumukhang nahihirapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Masaya naming natatapos yung ginagawa namin, kaya hindi kami nagmumukhang pagod, and yet nag-enjoy kami talaga.

“Siguro talagang tsismosa lang ako at gustung-gusto kong tsumika.

“Ito yung pelikulang ginawa ko na, ewan ko kung bakit looking forward ako palagi na dumating sa set nang maaga dahil masaya. Alam mo yung masaya ka talaga.”

Ito ang pahayag ni Maricel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang press sa presscon ng Momzillas kahapon, Setyembre 3, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

ON EUGENE DOMINGO. Excited si Maricel na muli niyang nakatrabaho si Eugene Domingo.

Nagsama na ang dalawa sa Regal Films movie na Bahay Kubo: A Pinoy Mano Po na ipinalabas noon pang 2007, kung saan mag-best friend ang roles nila.

Dito naman sa Momzillas ay ginagampanan nila ang dalawang ina na magbabangayan, magpapatalbugan, at magpapabonggahan.

Ang masalimuot na pangyayari ay sa gitna ng masayang pag-iibigan ng kanilang mga anak na gusto nang magpakasal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ang magsing-irog ay ginagampanan naman nina Billy Crawford at Andi Eigenmann.

Bagama’t laging magkaaway sa pelikula sina Marya at Uge, malapit na magkaibigan daw sila sa totoong buhay.

Bilang kaibigan, ano sa tingin ni Marya ang unique qualities na meron si Uge kaya narating nito kung nasaan ito ngayon?

“E, kasi napaka-professional niyang tao at napaka-dedicated niya sa kanyang trabaho.

“At hindi siya puwedeng ginagambala, ha? Bawal, magagalit ako!” sabay tawa ni Maria.

“Hindi, alam mo yung pakiramdam? Naiintindihan ko, kasi pagka minsan kinakausap ko siya, ‘O, di ba, dapat kailangan ganito?’

“‘Korek!’ Gumaganoon siya. ‘At saka kailangan ganoon.’

“‘Yes!’ Sumasagot iyan, alam niya. ‘Bakit alam mo iyan?’

“‘Kasi pareho tayo.’ Ganoon, sasabihin ko sa kanya.

“Pero kung ano yung mga bagay na yun, huwag mo nang alamin, pang-aming dalawa na lang yun.

“Pero alam ko, taga-teatro sila nina Candy [Pangilinan], sila nina Bekikang [Joey Paras], di ba? Talagang alam nila yung mga ginagawa nila.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“At saka dedicated talaga sila sa kanilang craft—yun ang talagang bilib na bilib ako sa kanila.”

DISLIKES. Kung meron naman siyang hindi gustong ugali ni Uge, ano naman yun?

Lahad ni Maricel, “Yung nagda-drive siya nang nagda-drive, 'tapos, pag wala siyang makitang parking, mainit ang ulo niya… Iyan ang totoo!

“Ayaw niya kasi ng driver, e. Alam ko yun. Mainit ang ulo niya.

“Sasabihin niya, ‘Mabuti na lang dumating ka na kasi malapit nang uminit ang ulo ko.’

“Sabi ko, ‘Huwag mo nang painitin ang ulo mo. Halika na lumabas na tayo,’” natatawang kuwento ni Maria.

POSSIBLE HEIR. Kilala si Maricel bilang "the Original Comedy Queen," bukod kay Ai-Ai delas Alas na present Comedy Queen. Puwede na rin bang ipasa ni Marya kay Uge ang titulong ito?

Sagot ni Marya, “Naman... Oo naman! Alam mo marami naman talagang mahuhusay ngayon.

“At marami rin silang nakikitaan ko ng potensiyal. Pero siyempre, kailangan din natin na maging dedicated, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Titingnan ko muna kung dedicated sila, kasi maraming magaling. Pero marami rin bang dedicated? Di ba?

“At yung totoong nagmamahal sa trabaho.

“Kasi kung minsan, naiintindihan ko yung umiinit ang ulo, naiintindihan ko yung ganito.

“Pero, ang baka hindi ko maintindihan, e, yung paglaki naman ng ulo, di ba?

“E, tutusukin ko ng aspile iyan, pagka ganoon, ayoko nang ganoon. Bawal!”

Hindi ba niya nararamdaman na lumalaki ang ulo ni Uge?

“Wala siyang ganoon, hindi siya ganoon.”


ON BILLY CRAWFORD. Gumaganap bilang anak ni Maricel sa Momzillas si Billy Crawford, habang anak naman ni Eugene si Andi Eigenmann.

Kumusta naman katrabaho ang mga ito?

Panimula ni Marya, “Ah, yung mga anak namin? Lagi ko ngang sinasabi pagdating sa mga bagets, lagi akong ano… suwerte.

“Kasi, pag sila nakikita ko lagi silang dedicated sa trabaho nila, lalo na itong si Billy.

“Kasi nakikita ko… Di ba, every day nasa TV siya [as co-host ng It’s Showtime]?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Pero, pag kailangan na nasa set iyan, hindi ko nakikita na… wala akong naririnig na, ‘Ma, pagod na pagod ako.’

“Ang daldalero nitong batang ito [Billy], ang dami-daming kuwento pati kay Direk Wenn.

“Pag nawawala na ito sa tabi ko, ‘Nasaan na naman kaya yung anak ko?’

“Nandoon sa tabi ni Direk, nagkukuwento na naman.

“Pag naman nawawala sa tabi ni Direk, nandiyan naman sa tabi ko, nagkukuwento pa rin. Hindi natatapos, walang kapaguran ito!

“Sabi ko, ‘Ganyan ka ba talaga sa personal?’ Kasi nagugulat talaga ako, hindi napapagod magkuwento.

“’Bakit nga ba ganoon ka? Saan ka ba pinaglihi, anak?'” tanong daw niya kay Billy.

TALKATIVE. Sa puntong ito, sumingit naman si Billy.

Pabirong sagot naman niya, “Hayaan mo, hindi na ako magkukuwento, tahimik na ako, Ma.

“Salamat naman, anak,” sagot naman ni Marya.

“Kasi talagang marami siyang kuwento, umpisahan mo sa mga kotse… ang dami!

“Mabuti pa nga si Andi, nakaka-nap namin. Yung bata, makikita mo naman parang pagod dahil galing sa taping.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ito naman, ang sipag-sipag magtrabaho noong bata. Yun naman ang kaibahan nilang dalawa.”

Kaagad na reaksiyon ni Billy, “So, ako madaldal lang, hindi masipag?”

Depensa tuloy ni Marya, “Ang sinabi ko, hindi ka napapagod.

“Oo nga, hindi siya napapagod magtrabaho pero pagdating sa set, daldal pa rin nang daldal. Kinukuwento ko lang yung totoo.

Sabay baling kay Candy, “Pero nakakatawa yun, ha? Tumawa ka, Candy, tumawa ka.”

At nagtawanan na lang ang lahat ng nasa loob ng Dolphy Theater.

Ganoon na raw talaga sila ka-close sa isa’t isa nang gawin nila ang pelikulang ito kaya masaya lang silang lahat.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ibang kasiyahan ang nararamdaman ni Maricel Soriano sa pagbabalik-comedy niya sa pelikulang Momzillas. Kuwento niya, “Ito yung pelikulang ginawa ko na, ewan ko kung bakit looking forward ako palagi na dumating sa set nang maaga dahil masaya. Alam mo yung masaya ka talaga.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results