PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden Richards traumatized by devastating flood wrought by typhoon Maring

Alden Richards disclosed that his family will be soon moving to another house in a nearby flood-free neighborhood
by Rose Garcia
Published Aug 26, 2013
Alden Richards recounts his family's ordeal with the floods wrought by typhoon Maring: “Natutulog pa 'ko noon, galing ako ng work the night before. Noong ginising ako, pagtapak ko out of my bed, andun na yung tubig. Sabi ko, basta i-save ang dapat i-save, important documents. Yung bahay namin, inabot. Yung mga gamit namin, talagang nagmamadali kaming i-angat kasi nga, umabot hanggang tuhod, sa sala ng bahay namin. Pinasok talaga siya.”

Kasalukuyan daw na mahimbing na natutulog si Alden Richards nang malaman nitong pumasok na sa bahay nila ang baha dala ng bagyong Maring at habagat.

Isa si Alden sa mga artistang naapektuhan nang husto ng katatapos na kalamidad sa bansa. Lubha nga raw naapektuhan ang lugar nila Alden sa Sta. Rosa, Laguna.

Ayon sa kuwento ni Alden sa Startalk noong Sabado, “Natutulog pa 'ko noon, galing ako ng work the night before. Noong ginising ako, pagtapak ko out of my bed, andun na yung tubig.

“Sabi ko, basta i-save ang dapat i-save, important documents.”

Kumpara nga raw sa mga nakaraang kalamidad, pinaka-matindi raw ang naging epekto sa kanila ng bagyong Maring at habagat.

“Yung bahay namin, inabot. Yung mga gamit namin, talagang nagmamadali kaming i-angat kasi nga, umabot hanggang tuhod, sa sala ng bahay namin. Pinasok talaga siya.”

Naging traumatic daw para kay Alden ang naranasang bagyo at ayaw na raw nitong maranasan pang muli ang ganoong pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi nga niya, “Ayoko nang maulit. So, the next day, nag-taping ako. Nagpahanap ako ng matutuluyan sa Dad ko.

“May nakita naman siya agad. Sa isang village, malapit sa Enchanted Kingdom. So, magre-rent muna kami, at least a year.

“Kasi, yun ang contract ng house. Then, magmu-move in kami, siguro, by tomorrow. “

At dahil daw sa naging karanasan ni Alden sa pagbaha, may natutunan daw siya.

Ayon sa Kapuso actor, “Huwag na tayong maghintay. Hihintayin niyo pa ba na may ma-disgrasya sa family member niyo? Act of God ‘yan, e, ‘yang natural calamities.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards recounts his family's ordeal with the floods wrought by typhoon Maring: “Natutulog pa 'ko noon, galing ako ng work the night before. Noong ginising ako, pagtapak ko out of my bed, andun na yung tubig. Sabi ko, basta i-save ang dapat i-save, important documents. Yung bahay namin, inabot. Yung mga gamit namin, talagang nagmamadali kaming i-angat kasi nga, umabot hanggang tuhod, sa sala ng bahay namin. Pinasok talaga siya.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results