PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Julian Trono hands-on with dance studio business; excited about foreign indie film

Julian reveals that aside from himself, other popular local dance groups like The Manoeuvres and even Gary Valenciano might be included in the cast of the dance
by Ruel J. Mendoza
Published Jun 15, 2013
Julian on what his dance school offers: “Yung specialty naman namin sa studio is Hip-Hop and Street Dancing. Yung Zumba, special classes iyon and we have trained Zumba trainers sa mga may gusto no'n. Nakakatuwa lang na marami ang mahilig sa sayaw talaga at magkakaiba ang mga ages nila. It only goes to show na walang piniling edad ang dance. Para po sa akin, dancing is a sport for all ages.”

Sa kanyang murang edad na 15 anyos ay mayroon nang maipagmamalaking negosyo ang Kapuso tween actor na si Julian Trono.

Noong December 2012 nabuksan ang kanyang Body Rock Dance Studio na matatagpuan sa Thompson Square Commercial Center, Roces Avenue corner Tomas Morato in Quezon City.

Hip-hop, Street at Zumba Dancing ang ilan sa mga itinuturo sa dance studio ni Julian.

Kapag hindi busy si Julian sa kanyang mga TV commitments, siya mismo ang nagtuturo sa mga dance students nila.

“May schedule po talaga ako kung ano ang mga days na puwede akong magturo.

“Hindi ko po sinasabay kapag may tapings or regional shows ako. Para mas naka-concentrate ako sa pagturo.

“Minsan naman po pati yung mga days na puwede sana ako, nagagamit din para sa ibang trabaho. Ina-advise ko naman ang mga students via Twitter if ever na wala po ako that day.

“Pero meron naman kaming ibang mga dance instructors na magagaling. Kaya kahit wala po ako, sila ang bahala sa mga students namin,” panimulang bungad ni Julian nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng GMA-7 primetime series na Anna KareNina sa New Manila, Quezon City, kamakailan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bata pa lang daw si Julian ay hilig na niya talaga ang sumayaw kaya hindi na kagulat-gulat na balang araw ay maging mahusay siyang dance choreographer.

“Sa school po, ako rin nagtuturo ng sayaw kapag may mga school programs kami.

“Noong nag-showbiz na po ako, nagturo rin po ako ng ilang sayaw sa Party Pilipinas.

“Nag-training naman po ako in dancing kaya marami rin akong alam na iba’t ibang steps.

“Ngayon may sarili akong choreography na tinuturo ko sa dance studio namin,” pagmamalaki pa niya.

Iba’t ibang edad ang tinuturuan nila sa kanilang studio. Ang pinakabata nilang estudyante ay 10-years old at ang pinakamatanda ay 30-years old.

“Yung specialty naman namin sa studio is Hip-Hop and Street Dancing. Yung Zumba, special classes iyon and we have trained Zumba trainers sa mga may gusto no'n.

“Nakakatuwa lang na marami ang mahilig sa sayaw talaga at magkakaiba ang mga ages nila.

“It only goes to show na walang piniling edad ang dance. Para po sa akin, dancing is a sport for all ages,” pagmamalaki niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil underage pa nga siya, may pinagkakatiwalaan ba siya na humahawak ng kita ng kanyang dance studio?

“Tatlo po kaming partners sa dance studio. Yung dalawa po, family friend namin. Kaya lahat po ng pumapasok na pera, gastusin, pasuweldo at kung anu-ano pa, sila ang namamahala.

“My dad naman, tumutulong din siya sa amin. Tinitingnan din niya ang libro para makita niya kung tama ba lahat.

“So far, since we opened last December, maganda ang takbo ng studio. Hopefully po walang maging problema,” panalangin ni Julian.

SHOWBIZ CAREER. Nagsimula sa edad na 12-years old si Julian sa programang Daisy Siete: Bebe & Me noong 2010. Nasundan ito ng mga shows na Tropang Pochi, Panday Kids, Zooperstars at Futbolilits. Naging mainstay din siya ng Party Pilipinas.

Nagkaroon naman siya ng guest appearances sa mga teleserye na Amaya, Reel Love Presents Tween Hearts, Aso Ni San Roque at Love & Lies.

Ngayon ay isa na si Julian sa mga leading men ng bagong primetime series na Anna KareNina. Ginagampanan niya ang role ng rich boy na si Brix.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Si Krystal Reyes ang partner niya dito at ang ka-love triangle naman nila ay si Joanna Marie Tan.

“Thankful po ako sa GMA-7 dahil isa ako sa pinili para maging leading men sa Anna KareNina.

“Very unexpected po ito. Kasi nga po, marami naman na puwedeng silang pagpilian. Pero noong sabihan nila ako regarding the project, sobra akong natuwa.

“Kami po nila Derrick Monasterio at Hiro Peralta ang partners nila Krystal, Barbie Forteza at Joyce Ching.

“Magkakaigan kaming lahat at naturuan ko na rin sila before ng sayaw. Kaya may magandang bonding na kami kaagad,” kuwento pa ni Julian.

First time ngang makatrabaho ni Julian si Krystal at naging close sila kaagad noong mag-workshop sila para sa show.

“Magaan pong katrabaho si Krystal. Very pleasant ang personality niya at parang hindi mareklamo.

“Hindi pa naman po kami nagkakasama sa taping. But I am looking forward na makasama na siya sa eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nag-usap naman kami na gusto naming mag-work ang team-up namin kaya magtutulungan kaming dalawa,” dagdag pa niyang kuwento.

EXCITED ABOUT FOREIGN INDIE FILM. Bukod sa Anna KareNina, may sisimulan ding indie film si Julian titled Dance Boy.

Mga foreigners ang producers nito at plano daw ipalabas ang naturang indi film sa iba’t ibang bansa.

“Na-meet ko na po ang mga producers noong piliin nila ako para sa cast. Hindi na nga po ako nag-audition dahil may nag-recommend sa akin at napanood nga nila sa YouTube ang mga sayaw ko.

“Ang alam ko rin po na kasama rin sa Dance Boy ang The Manoeuvres at iba pang mga dance groups.

“Plan din po nilang kunin si Gary Valenciano bilang guest sa Dance Boy.

“Hindi pa naman kami nagsu-shooting pa kasi binubuo pa raw nila ang cast tapos maghahanap sila ng locations dito sa Pilipinas.

“Excited nga po ako sa project na ito kasi it’s all about something that I really love which is dancing,” pangwakas niyang saad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Julian on what his dance school offers: “Yung specialty naman namin sa studio is Hip-Hop and Street Dancing. Yung Zumba, special classes iyon and we have trained Zumba trainers sa mga may gusto no'n. Nakakatuwa lang na marami ang mahilig sa sayaw talaga at magkakaiba ang mga ages nila. It only goes to show na walang piniling edad ang dance. Para po sa akin, dancing is a sport for all ages.”
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results