Matapos ang kontrobersiyang kinasangkutan ni Rosanna Roces at ng kanyang anak na si Onyok, nagsalita na ang aktres sa tunay na dahilan kung bakit humantong sa pisikalan ang kanilang away noong Biyernes Santo, March 29.
(CLICK HERE to read related story.)
Sa exclusive interview ni Cristy Fermin kay Rosanna para sa Ang Latest Updated ng TV5 na lumabas noong Sabado, April 6, sinabi ng aktres na babae ang dahilan kung bakit nagkainitan sila ng anak.
Kuwento ni Rosanna, “Ang isyu, hindi naman sa amin, e.
“Ang isyu, sa isang babae na ewan ko kung saan niya pinulot.
“Kasi ako, bawal yun, e—yung ipagpalit ang kadugo.”
Tanong pa sa aktres: Bago dumating yung nasuntok ka ni Onyok at nasiko mo naman siya, hindi pupuwedeng biglaan ito, may pinagdaanan ito?
Tugon ni Rosanna, “Nandito si Diding [presonal assistant niya], naglilinis kami…
“Nakita ko sa tablet ni Diding si Budoy [apo ni Rosanna kay Grace], shooting, shooting…
“Sabi ko, ‘Nak, paano ko malalagay picture dito ni Budoy?’”
Sagot daw ni Onyok sa kanya: “'Ay, naku, ewan ko ba?'
“Paangil pa yung sagot niya. ‘A, kasi ako…' gumanun.
“Ay, sabi ko… pinalo ko na ng tablet!
“Tapos biglang nagwawala na ako, sabi, ‘Ma, may ibang tao.’
“'Ha, ibang tao si Diding? Ibang tao, e, parang nanay mo na rin ‘yan!'
“E, di ang naalala, ang syota niya.
“Hindi alam nung alalay ko na nandiyan yung babae, nasa kuwarto pala.
“At nung pagmumura ko ngayon, siyempre, ‘Walanghiya ka, nang dahil lang sa babae na ‘yan, dahil lang sa babae na ‘yan…’ nasapak ko!
“Pangalawa na ‘tong nangyari. Dati, three years ago, dahil din sa babae.
“So, ang ayoko nga sa kanya, may trabaho, pero ang ina, hindi man lang mailibre ng sago, alam mo yun?
“Ang anak, hindi masustentuhan.”
DISRESPECTED. Sabi ni Cristy, na kay Rosanna raw ang simpatiya ng publiko dahil ito ang nanay.
Sabi naman ng aktres, “Pero hindi naman nila alam yung ugat, e, saan galing.
“Gitna lang nakita nila, hindi nila alam yung… masyado na nila akong dini-disrespect.
“Ang hiling ko lang sa kanila, gawin ninyo lahat, wala akong pakialam, wag ninyo lang akong sagutin nang pabalang.
“Yun lang, ha, pero sinaktan ka pa?”
Nagpasaring naman si Rosanna sa ama ni Onyok dahil nagbigay raw ito ng reaksiyon tungkol sa nangyaring away nila ng anak.
Sabi niya, “Sumingit pa yung ama sa usapan, huwag siyang makialam kasi wala siyang ibinigay sa akin kundi pananakit…
“Pagkaano nung kamay niya [Onyok], naramdaman ko, biglang flashback tatay niya.
“Parang, wow, akala ko graduate na ako.”
Tanong ni Cristy: Dalawang bibig ang nagsasalita ngayon. Isang nagsasabing bastos si Onyok—nanay niya sinapak ni Onyok, sinaktan niya. Yung isang bibig ay nagtatanong, bakit isang nanay sinapak ng anak? Anong kontra mo dun?
Sagot ni Rosanna, “Meron nga… may nababasa pa kong adik si Onyok.
“Pero hindi, in fairness, hindi.
“Hindi siya adik, hindi siya umiinom, sobrang kuripot nga niyan."
Dagdag pa niya, “Tingnan mo, Onyok, kahit anong gawin mo sa akin, magre-reflect, Rosanna Roces pa rin ang titirahin sa…
“Hindi naman Onyok, hindi naman ikaw. Ang nanay mo.
“Parati kong sinasabi, ‘Ingatan mo, ingatan mo, ingatan mo. Kahit ganito ako, yung respeto ng tao sa akin pag naglalakad ako sa daan, hindi ninyo kayang kunin.'”
LAHAT NG BAGAY PAG SUMOBRA, MASAMA. Sa tingin ba niya ay may pagkakamali siya bilang nanay?
Sagot ni Rosanna, “Sumobra na ngang pag-i-spoil.
“Lahat ng bagay, pag sumobra, masama.
“Pero hindi, pagmamahal yun, e.
“Pero ang ayoko lang, makalimutan nila yun—kung saan kami galing.”
Martir ba siya bilang ina?
Sabi niya, “Dyuskupo, hindi [lang] nanay at tatay ako!
“Yun ang pinakamasakit kasi lahat na ha, aawayin ko, alam mo ‘yan, wag mo lang kantiin ang anak ko.
“Inano ko na yung buhay ko, dini-dedicate ko na lang sa kanila.
“Pati ngayon, pati sarili ko nang kapakanan, pati pakikipagrelasyon, wala na.”
May pag-asa pa bang maayos ang naging away nilang mag-ina?
Sabi ni Rosanna, “Matagal ‘to, matagal ‘to, kasi hindi ordinary ‘to, e.
“Buti pa nga pinatay mo na lang ako, o sana sinagasaaan ako ng pison, kinidlatan ako o mahulog ako… basta.”
Naluluhang pahayag pa ni Rosanna, “Pag may biyaya, hindi marunong magpasalamat.
“Kung malaman niya yung Scriptures, malaman niyang… hindi mo na kailangang gabayan bilang ano, kung alam mo yung…
“Dyusko, ang simple-simple lang nung ano, di ba?
"Wala, wala kang makikitang kahit anong kusang lumapit sa Diyos. Parang ako dati.
"Pera na ang Diyos niya—yun ang sumira sa pamilya ko.”
