PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ELECTION WATCH: Noel Cabangon expresses support for Team PNoy senatorial candidates

The award-winning musician releases a children's book to compliment the "Tuwid Na Daan" campaign.
by Mark Angelo Ching
Published Feb 28, 2013
Pahayag ni Noel Cabangon, nakuha niya ang ideya sa pag-convert ng kanyang mga kanta sa libro mula sa parehong proyekto ni Bob Dylan: "Ang isa kasing nag-inspire din sa akin dito sa book format ay nung nakita ko yung mga works ni Bob Dylan, may mga songs talaga siya na ni-transform na ganito. Sabi ko, why not transform it? If we can really reach out to a number of people, especially young people, we should do it."

Isa na ring manunulat ng libro ang award-winning singer at composer na si Noel Cabangon.

Ito ay matapos i-release ng Lampara Books ang libro ni Noel na Ako'y Isang Mabuting Pilipino, isang aklat para sa mga bata.

Hango ang children's book sa kanta ni Noel na "Mabuting Pilipino," na kilala bilang isa sa theme songs ng kampanya ni President Noynoy Aquino noong 2010 elections.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Noel noong Sabado, Pebrero 23, sa launch ng kanyang libro na ginanap sa Glorietta 1 branch ng National Bookstore sa Makati City.

Ayon kay Noel, timing lamang na ini-release ang libro sa panahon ng kampanya para sa mga bagong senador.

Hindi maiiwasan ang espekulasyong ito lalo na't kilalang tagasuporta ng administrasyong Aquino ang mang-aawit.

Sa katunayan nga ay kumanta pa si Noel sa proclamation rally ng mga senatorial candidates sa ilalim ng Team PNoy noong February 12.

"Actually, we launched it last year sa concert ko sa Music Museum, but ito yung formal launch niya dito sa bookstore.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Siguro timing na rin, but I didn't think of it consciously na isabay sa panahon ng eleksyon," pahayag ni Noel.

Dagdag niya, maganda na rin sigurong isabay ang libro sa panahon ng eleksyon dahil makatutulong ito sa mga bagong botante.

"Timing siya kasi magandang ma-remind sila dahil dun sa song, may stanza doon na dapat bigyan natin ng halaga ang ating pagboto.

"Especially for the young, mga batang botante na kabataan, we really have to use that right given to us—yung pagboto nang tama."

Tungkol saan ba ang librong ito?

Paliwanag ni Noel, "Itong book launch ay yung kanta kong 'Mabuting Pilipino,' we converted it into a children's book to popularize it more, especially to young children.

"Because we feel that it is really important na ma-feel natin yung pagiging isang mabuting mamamayan.

"So itong children's book na ito will hopefully be a reminder.

"Kung hindi man reminder, sana maisabuhay nila yung pagiging isang mabuting mamamayan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pagpapatuloy niya, sakto ang mensaheng ito sa "Tuwid Na Daan," ang slogan ng Team PNoy.

Sabi ni Noel, "Nag-synergize ito sa daang matuwid. Daan matuwid is cultural, e, at cultural din ito.

"We want a culture change.

"Kasi ang lahat naman ng ito has to be... dapat cultural yung approach natin, hindi siya yung puro slogans lang.

"It's about our way of life, e.

"Kailangan baguhin natin yung mali nating mga practices noon.

"Yun ang gusto ng tuwid noon, and ganun din yung gustong gawin ng librong ito."

Ibig sabihin ba nito ay buung-buo ang kanyang suporta para sa ikinakampanyang mga senador ni Pangulong Noynoy Aquino?

"They're the ones picked by the President. Kung ano yung kanyang napupusuan, napili.

"There is a wisdom to why we have Team PNoy," sagot ni Noel.

Read Next
Read More Stories About
Noel Cabangon, Election Watch
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pahayag ni Noel Cabangon, nakuha niya ang ideya sa pag-convert ng kanyang mga kanta sa libro mula sa parehong proyekto ni Bob Dylan: "Ang isa kasing nag-inspire din sa akin dito sa book format ay nung nakita ko yung mga works ni Bob Dylan, may mga songs talaga siya na ni-transform na ganito. Sabi ko, why not transform it? If we can really reach out to a number of people, especially young people, we should do it."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results