PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

ELECTION WATCH. Annabelle Rama files candidacy for Cebu representative

Annabelle and her family mobbed by fans in Cebu.
by Jojo Gabinete
Published Oct 5, 2012
Pormal nang naghain ng kanyang kandidatura ang talent manager na si Annabelle Rama bilang kongresista sa North District ng Cebu kaninang umaga, October 5. Kasama niyang nagpunta sa Comelec office sa Cebu ang kanyang buong pamilya na nakasuot lahat ng kulay green.

Dinumog ng mga tao ang paghahain ni Annabelle Rama ng certificate of candidacy, ngayong umaga, October 5, sa opisina ng Comelec sa Cebu City.

Kakandidato si Annabelle bilang house representative ng Cebu City North District sa 2013 elections.

Nahirapan si Annabelle at ang kanyang pamilya na makapasok sa Comelec office dahil sa dami ng mga tao na nag-uunahan na makalapit sa kanila para kamayan sila at makunan ng litrato.

Ayon kay Annabelle, hindi siya nakaramdam ng pagod dahil sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga kababayan niya.

Tulad ng kanyang nakagawian, nagsimba si Annabelle kagabi, October 4, sa simbahan ng Sto. Niño at nag-alay ng misa ngayong umaga sa Cebu Metropolitan Cathedral bago siya nagpunta sa Comelec.

Kasama ni Annabelle sa pagdinig ng misa sa Cebu Metropolitan Cathedral ang asawang si Eddie Gutierrez at ang kanilang mga anak na sina Ruffa, Raymond, Richard, at Elvis.

Sinuportahan din siya ng mga stepson niyang sina Tonton Gutierrez at Ramon Christopher; at ng kanyang mga talent na sina Arci Muñoz, Ehra Madrigal, at Michelle Madrigal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Infrastructure, education, health, at ang kapakanan ng mga senior citizen ang plataporma ni Annabelle para sa mga kababayan niya sa North District.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pormal nang naghain ng kanyang kandidatura ang talent manager na si Annabelle Rama bilang kongresista sa North District ng Cebu kaninang umaga, October 5. Kasama niyang nagpunta sa Comelec office sa Cebu ang kanyang buong pamilya na nakasuot lahat ng kulay green.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results