PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristina Decena reveals plan to get married "around the world"

Cristina and Ariel will have their Philippine wedding on December 12, 2012.
by Rose Garcia
Published Dec 13, 2011
"Tapos na kami sa Bangkok, sa Hong Kong, sa Macau, sa Japan. Yung susunod, panglima, yung sa Las Vegas," Cristina Decena lists the countries where they've gotten married, so far.

Napakarami raw nangyaring magaganda sa buhay ng businesswoman at misis ni Ariel Villasanta na si Cristina Decena ngayong taong 2011.

Dahil dito, naisip niyang i-meet ang ilang members of the entertainment press ngayong Kapaskuhan para mag-share ng blessing na natanggap niya sa taong ito.

THE AWARDS. Masaya nitong nilista ang mga awards na natanggap at ipinagkaloob sa kanya. Ito ay bukod pa sa pagkilala kay Mommy Elvie ng Marikina.

Si Mommy Elvie ang ina ni Ariel Villasanta at star ng Mommy Elvie@18 sa GMA-7 News TV.

"Unang-una, nabigyan ako ng recognition ng Rotary Club International ng Best Leadership Award from year 2010-2011.

"'Tapos, binigyan ako ng Global Excellence Award for Best Humanitarian and Best in Business.

"Ang Gawad Amerika naman, binigyan ako ng award, pero si Doc [Gamboa] ang nakarating noong November 5.

"Si Mommy Elvie naman, binigyan ng Best Performer Award sa Consumer's Award at na-recognize din sila [ni Ariel] sa Star Awards dahil nominated sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"So, ang daming magagandang nangyari."

VERY HAPPY. At her age, masasabing fulfilled at happy siya sa buhay niya ngayon.

"Sabi ko nga, wala na akong mahihiling sa buhay ko. Nandiyan ang mga taong nagmamahal sa akin.

"May asawa akong hindi umaasa sa akin, 'di ba? Kasi, alam ninyo, noong dati, takot na takot na ko, e.

"Takot na takot na akong magmahal ulit kasi, iniisip ko, lahat na lang ng mapapalapit sa akin, sa akin aasa.

"Iaasa ang buhay niya. Pero si Ariel, sa kanya, hindi, e.

"'Yung kanyang 13th month [pay] ibinigay sa akin."

Pero, natatawang biro rin niya, "Yung kanyang 13th month, ibinigay sa akin, pero, lahat ng reregaluhan niya, ako rin ang bahala.

"At least, idinadaan niya sa akin, 'di ba? Tapos sabi niya, 'Kailangan magsikap ako nang magsikap kasi, ang reregaluhan ko sa anak mo, lima.'

"Ang reregaluhan ko sa anak niya, dalawa lang. Nasa America pa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos yung suweldo rin niya buwan-buwan, ini-entrega niya sa akin.

"Ngayon lang nangyari yun at ang sarap pala ng pakiramdam ng ganoon.

"For the first time in my life, mero'n na kahit hindi masyadong malaki, ibinibigay niya sa akin ang ATM [card] niya basta bigyan ko lang siya ng panggasolina."

GIFTS FROM HUBBY. Mahilig daw magregalo si Ariel ng mga bagay na nakikitang suot niya tulad ng Louis Vuitton na belt, Hermes scarf.

On her part naman, ang gustung-gusto raw niyang nireregalo kay Ariel ay yung puwedeng maging investment.

"Ang binibigay ko sa kanya, alahas, Rolex na relo. Kinukumpleto ko siya noon.

"Kasi, sabi ko, pupuwede niya rin ipamana yun sa mga anak niya pagdating ng panahon, 'di ba?"

Ayon kay Cristina, ito ang isa raw sa pinaka-happiest years niya.

"Yung birthday ko noong November 30, binigyan ako ni Ariel ng surprise party.

"Hindi ko talaga makakalimutan 'yun kahit kailan kasi, sobrang surprised [ako]. Pati ang mga handa, siya lang talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Naiyak ako. Kaya ako naiyak dahil mula noong nagnegosyo ako, palaging ako na lang.

"Ako na lang ang trabaho nang trabaho. Nagpapasaya sa lahat. Nagsusustento sa lahat, 'di ba? Pero ngayon, mero'n akong kahati."

WEDDINGS AROUND THE WORLD. May balak din sina Cristina at Ariel na magpakasal sa bawat bansa na napupuntahan nila ipalabas ito sa show na papamagatang, Weddings Around the World.

So far, nakakalimang weddings na raw sila, sa limang iba't ibang bansa. Naka-schedule na rin daw ang Philippine wedding nila sa December 12, 2012.

"Tapos na kami sa Bangkok, sa Hong Kong, sa Macau, sa Japan. Yung susunod, panglima, yung sa Las Vegas."

Pero bakit nga ba nila ginagawa ang maraming kasalan?

"Kasi mahilig akong mag-pleasure trip. Sabi ko nga kay Ariel, I work because I love to travel.

"So, parang trabaho ako nang trabaho at ang pangtanggal ko lang ng tension at stress ay mag-travel.

"So, kapag nag-travel kami, gusto na rin niya magpakasal."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ONE-YEAR ANNIVERSARY. One year na raw silang kasal ni Ariel nitong nakaraang buwan ng November.

"Magpapakasal kami sa Pilipinas sa December 12, 2012. Ang venue namin sa Sofitel at naka-book na kami."

Very blissful daw talaga kung ilalarawan ni Cristina ang first year of marriage nila.

Masasabi rin daw nilang mag-asawa na kahit papaano ay napatunayan nilang mali ang mga sinasabi noong kaya siya pinakasalan ni Ariel ay dahil sa kanyang pera.

"Alam ninyo, malaking bagay pala na may trabaho ang tao. Na kahit maliit lang ang naiaambag sa 'yo, yung the mere fact na nag-aambag siya [okay na yun].

"Si Ariel kasi, sobrang sikat niyan and at the same time, pagdating ng panahon, alam mong mero'n din siyang something na kapag nagretiro [siya] na maiko-contribute sa 'yo.

"Sabi nga niya sa akin, yung nakukuha ko sa PLDT, bahala ka na, ha. Ayusin mo 'yan, ha. Bahala ka na sa buhay ko.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"E, ako naman pagdating sa investment, marunong naman ako."

ROUGH DAYS. Hindi itinanggi ni Cristina na dumaan din sila sa isang pangyayari na muntikanan na silang maghiwalay.

"Muntik na...tampuhan lang. Na-confine kasi si Ariel sa hospital noong November 1.

"E, ayaw magpapunas. Ayaw magpaalaga. Yun pala, kaya pala siya ganoon dahil hindi siya naliligo.

"Ayaw niyang maamoy ko siya. Akala ko naman, nagsusuplado lang.

"E, napikon ako, nilayasan ko. Umalis ako. Pumunta ako ng Hong Kong.

"Nasa hospital siya, naka-dextrose, pumunta ko ng Hong Kong.

"E, kasi, pupunasan ko, ayaw.

"Tapos nakita ko na lang siya nasa corridor ng St. Luke, hinihila ang dextrose niya.

"Sasama raw siya. E, ayoko. Ang feeling ko that time, unwanted ako. Napikon ako, e."

Tatlong araw din daw niya itong iniwan habang naka-confine naman si Ariel sa hospital.

Dagdag pang kuwento ni Cristina, "E kasi, dahil may nakalimutan ako, pinabalik ko ang security na nagbabantay sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Tapos sabi niya, iparating daw sa akin na ayaw raw niya ng mga karangyaan.

"Ayaw raw niya ng lahat ng karangyaan na binibigay sa kanya. Sabi ko, ayaw mo pala ng karangyaan na binibigay ko, so diyan ka.

"Kinuha ko ang lahat ng sasakyan at iniwan ko siya. Kasi, parang nainis ako.

"Lahat ng mero'n ako, sini-share ko sa kanya. Kung hindi niya naa-appreciate, e, wala na akong magagawa kasi, ganito na 'ko.

"Parang pinagdiskitahan niya ang lahat ng karangyaan."

Kung ang ibang lalaki, yun daw ang hinahabol, kabaligtaran daw ang asawa niya.

"Ibang klase si Ariel, e. Parang ang gusto niya, siya yung magdadala.

"Kasi sabi ko, 'Kahit kailan, hindi niya ako puwedeng dalhin.' Alangan namang tumira ako sa Provident.

Ang bahay ni Ariel ay nasa Provident Village, Marikina na nasalanta ng bagyong "Ondoy."

"Pangalawa, alangan namang sumakay ako sa sasakyan niya, e, mero'n na akong ganitong sasakyan.

"Pangatlo, alangan namang hindi ako mag-security, e, pakalat-kalat ako sa mall.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Wala akong security. Siyempre, kailangang pangalagaan ko ang sarili ko dahil maraming umaasa sa akin."

"Parang ang gusto niya, magsimpleng buhay kami. E, hindi naman na ko puwedeng magsimpleng buhay.

"Kasi, nandirito na ko noong pinakasalan niya ako."

Pagkagaling sa hospital, sa Provident daw umuwi si Ariel. Nag-text lang daw ito na pupunta sa condo nila para kumuha ng damit.

"Pero nang makauwi na, nag-usap daw sila at umiyak ito.

Natatawang sabi niya, "E, siyempre, yun ang weakness ko, yung makita ko ang luha.

"So, yun, nag-usap kami. 'Tapos sabi niya, hindi na raw siya mabubuhay nang wala ako.

"Nawala rin ang katarayan ko at sinabi ko sa kanya na hindi rin ako mabubuhay na wala siya."

NO MAY-DECEMBER AFFAIR. Contrary sa iniisip ng karamihan na May-December affair sila ni Ariel, ang totoo raw, matanda pa ng isang taon si Ariel kay Cristina.

Sa pagkakaroon nga raw ng magandang buhay ngayon at katuwang sa buhay, nakangiti nitong sinabi na sobrang burado na raw ang lahat ng pinagdaanan niya in the past.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi rin lingid sa lahat na kung ilang taon din pinag-usapan ang kinahinatnan ng relasyon noon nina Cristina at ng actor na si Phillip Salvador na nauwi pa nga sa demandahan.

Pero ayon dito, "Wala na lahat. Wala na. In fact, kahit naman yung sa amin ni Ipe, hindi naman ako naging bitter ro'n.

"It so happened lang na nilinis ko ang pangalan ko. Naging better person pa ako."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Tapos na kami sa Bangkok, sa Hong Kong, sa Macau, sa Japan. Yung susunod, panglima, yung sa Las Vegas," Cristina Decena lists the countries where they've gotten married, so far.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results