PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Angelika dela Cruz not content being a wife and full-time mom:"Pag sanay kang...yung nagtatrabaho, simula bata, hinahanap ng katawan mo."

The actress is a happy Kapuso talent and promises to stay with GMA-7.
by William R. Reyes
Published Dec 6, 2011
Angelika dela Cruz on why she wants to continue working although her husband can easily provide for the family: "Siyempre, ayaw ko rin naman nang hingi lang nang hingi sa asawa ko. Kailangan, may self-worth ka [rin], di ba? Yung may sarili kang income. May sarili kang ginagawa. Hindi yung mino-monitor mo lang yung ginagawa niya [asawa]. Ayoko ng ganu'n!"

Maagang dumating si Angelika dela Cruz sa Christmas Party for the press ng PPL artists ng talent manager na si Perry P. Lansigan nuong Disyembre 1, kaya na-interview agad ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang aktres.

Ayon kay Angelika, nanggaling siya sa Cinema-plug taping para sa mga bagong GMA-7 shows kung saan kasali ang bagong soap na tatampukan niya na Biritera, with Dennis Trillo and Glaiza de Castro.

"Magte-taping po kami, by January [2012]. Primetime soap po siya," bungad ni Angelika sa PEP.

"Magpapa-audition pa po sila ng mga batang kumakanta.

"Sabi nila, si Dennis, 'tsaka yung mga bata ang kakanta.

"Sana nga, pati kami, kakanta [sa Biritera]," sabi ni Angelika.

"Gusto rin nga namin [ni Glaiza], kami rin. Umaasa pa kami, na kami din.

"Ang sarap no'n, parang yung ginawa namin sa Bituing Walang Ningning [ng ABS-CBN]," pagre-recall din ng dating Kapamilya actress.

Ayon din kay Angelika, ang Biritera ay may kuwentong nakasentro sa mga bata.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Yung singing part, kasama dun sa story. Pero, [more on] tungkol sa dalawang batang magkapatid na nawawala. Yun pa lang ang alam ko."

Ngayong Christmas holidays ay maluwag ang schedule ni Angelika dahil wala siyang ongoing show na tine-tape.

"Kakatapos lang po ng Futbolilits. 'Tapos, nag-guest ako sa pilot week ng Kokak," pag-inform pa ng magandang aktres.

ON KONTRABIDA ROLES. Sa Biritera ay kontrabida uli ang magiging papel ni Angelika. Okay lang daw ito sa aktres.

"Oo, mas gusto kong manampal, kaysa ako'ng sinasampal! Masakit [masampal], e!" kuwelang banggit pa ng natatawang aktres.

"Okay lang. Yung last kong ginawa, Futbolilits [2011], at Dwarfina [2010], kontrabida ako, e.

"'Yung dalawa naman, bago 'yon, mabait ako. Yung kami ni Iza [Calzado], Kaya Kong Abutin [Ang Langit] at 'tsaka Pilyang Kerubin, pareho namang mabait [ang role ko].

"Kahit papa'no, nag-i-iba-iba pa rin. Okay lang," masayang wika pa ni Angelika.

ON LATE BROTHER, EDWARD DELA CRUZ. In about three weeks ay matatapos na ang taong 2011.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Generally, maganda ang masasabi ni Angelika sa naging takbo ng kanyang career sa nakaraang mahigit labing-isang buwan.

"Sa career kasi, okay lang ako, e. Basta I have work, it's what's important with me. Doon, I won't complain," wika rin niya.

"Sa personal life, okay naman. Pero, siyempre, what happened to my brother, kahit ano'ng sabihin mo..." may lungkot sa tinig ni Angelika sa puntong ito.

She is referring to her late brother, former Malabon City Councilor, Edward dela Cruz, who died in a vehicular accident, in the San Simon section of NLEX (North Luzon Expressway) on June 7, 2010.

"Naka-one year [death anniversary] na po siya. Magtu-two years na [sa 2012].

"Birthday nga niya [December 2], e," banggit pa ni Angelika.

Sa ngayon, nananatili ang matinding kalungkutan kay Angelika at sa buo nilang magkakaanak sanhi ng naging trahedya.

"Hindi ka makaka-move on sa ganyan. Masasanay ka na lang," wika rin ng 31-year old actress.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Sabi ko nga, ang pinakamasayang araw sa buhay ko, yung kasal ko, kasi lahat [sa family], nandoon, e. Kumpleto. Parang Christmas, 'di ba?

"Hindi na mauulit 'yon," malungkot ding banggit pa ni Angelika.

ANOTHER BABY OR POLITICS? Anim na taon nang kasal si Angelika dela Cruz, sa kanyang non-showbiz husband, Orion Casareo, isang Filipino-Chinese businessman.

Dalawang beses silang ikinasal, ayon sa mga inpormasyon sa www.kasal.com: una, sa isang civil wedding, August 19, 2008, sa Bicol; at ikalawa, sa simbahan, December 4, 2009, sa Tagaytay City, Cavite.

Ayon pa rin sa nasabing website, ang dalawa ay naging "officially a couple" nuong 2005.

Kung mayroon mang "secret wedding," hindi na nag-elaborate si Angelika. Anim na taon na nga raw silang kasal, ang sabi niya sa PEP.

Angelika, in private, is Ma. Lourdes Egger Dela Cruz-Casareo. She and her husband have a son, Gabriel or Gabby, who is 3 years old.

Balak na raw nina Angelika at Orion na sundan ang una nilang supling, pero naisip daw ni Angelika na gampanan ang naiwang puwesto ng namayapang kapatid sa Malabon City Council.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ever since naman, gusto kong mag-public service," sabi rin ni Angelika.

"Kaya lang, gusto rin ng asawa ko, [na] mag-baby, e.

"Kaya sabi ko, 'Teka lang, pag-usapan natin kung ano ang uunahin natin, ha,'" natawang sabi ni Angelika.

"Gusto ko ng dalawa pa, e. Gusto niya [Orion] ng baby girl. Kasi, pag hindi [pa] nasundan [yung panganay], ang layo na ng age gap.

"'Di ba, pag masyadong malayo [ang agwat], kawawa naman yung bata, wala siyang kalaro?"

Politika o pagkakaroon muli ng anak?

"Ang layo ano?" natawa uli ang maganda at mahusay na aktres.

Sa ngayon, ano ang mas matimbang kay Angelika?

"Baby pa din! Masaya kasi ako sa pamilya, e," aniya.

COMFORTABLE LIFE. Kaya ng mag-asawang Angelika at Orion ang magkaroon ng malaking pamilya.

Maayos ang kanilang buhay at mabibigyan nila ng mabuting kinabukasan ang kanilang magiging mga anak.

Angelika told PEP that her husband is engaged in manning and the food products businesses.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Nagpapadala [ang opisina nila] ng mga seaman abroad," she said.

Pero nakakatuwa ang paglalarawan ni Angelika sa kanyang maliit na pamilya.

"Si Gabby, ay, naku, mukhang Intsik. Chinese-Filipino po siya, e. My husband, moreno siya, kalbo," aniya.

Dalawa rin ang bahay nila. Isa, sa Malabon City, na dati pang tahanan ng pamilya nila, na ipinagawa ni Angelika at yung isa, sa V. Luna, Quezon City.

"'Umuuwi po ako doon [sa Malabon]. Yung sa V. Luna, bigay lang po ng father-in-law ko.

"Sayang naman kung 'di mo tanggapin, bigay lang yun."

SELF-WORTH. Naisantabi ni Angelika ang kanyang showbiz career nuong unang taon ng buhay may-asawa.

"Siyempre, mag-iiba [ang takbo]. Normal naman po siguro, pero okay lang," aniya.

In time, she returned to showbiz, appearing in soap operas in the Kapuso network.

"Sa akin, gusto ko lang basta may work," ayon kay Angelika.

"Hindi ko kasi kayang maging housewife lang, e.

"'Pag sanay kang...yung nagtatrabaho, simula bata, hinahanap ng katawan mo, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"'Tsaka, siyempre, ayaw ko rin naman nang hingi lang nang hingi sa asawa ko.

"Kailangan, may self-worth ka [rin], di ba? Yung may sarili kang income. May sarili kang ginagawa.

"Hindi yung mino-monitor mo lang yung ginagawa niya [asawa]. Ayoko ng ganu'n!"

SISTER MIKA. Ngayon ay wala na daw sa bokabolaryo ni Angelika ang salitang kumpetisyon or rivalry.

Nuon, sa ABS-CBN ay may kompetiston sa pagitan nina Angelika, Judy Ann Santos, Jolina Magdangal and Claudine Barretto.

Kabi-kabila at pagandahan sila noon ng mga tinatampukang teleserye.

Maaaring nagsimula nang mas maaga kaysa kay Angelika ang mga nabanggit, dahil nag-umpisa sila bilang child or pre-teen actresses.

Pero sa pagsikat nila ay tila naging pantay-pantay ang estado nila, sa pagtangkilik ng fans at televiewers.

"Nauna po sila, sa ABS-CBN," pagsalungat naman ni Angelika.

"Medyo late bloomer ako. Kinse...hindi, katorse ako nag-start."

Nuong late '90s nang ipakilala si Angelika dela Cruz sa pelikula ni Joey Gosiengfiao sa Nights of Serafina [kasama ang sexy actress, Georgia Ortega].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Si Ate Georgia po, nasa States na. Pero nagki-keep in touch pa po kami.

"Mas maaga yung kapatid kong nag-start, kaysa sa akin," pagtukoy ni Angelika kay Mika dela Cruz.

"Nakakatuwa. Mas marami siyang awards kesa sa akin. Magaling siya, e.

"Happy ako, proud ako sa kanya!" patuloy niyang kuwento tungkol sa kanyang kapatid..

"And she's really very smart!"

Hindi ba siya kinu-convince ni Mika na bumalik ng ABS-CBN?

"Hindi. Masaya kami kung nasaan kami parehong dalawa.

"Happy siya, sa ABS-CBN. May mga kaibigan din ako dun."

HAPPY WITH KAPUSO NETWORK. Masaya si Angelika dela Cruz, sa pagiging "Kapuso" talent, o bilang artist ng GMA network.

"Ay, oo...oo...Ay, yes! Kasi, sunud-sunod naman nila ako binibigyan [ng trabaho], e.

"Ako naman, ganun ang gusto ko, e. Twice a week, three times a week na taping, okay na."

Lumipat si Angelika sa GMA-7 mga tatlo, o apat na taon na ang nakakaraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matatapos na ang kasalukuyan niyang kontrata next year, pagkatapos ng Biritera.

"Hindi ko pa po alam ang susunod [na plano]. Depende po kay Tito Perry [Lansigan, ang kanyang manager]."

Pero, kung papapiliin si Angelika, nais pa rin niyang manatili sa GMA-7.

"Kagaya nito, karamihan ng PPL [artists], yung pamilya namin, nasa GMA.

"So, ako naman, kung nasaan ako, masaya din ako.

"I've been firm in my decision in transferring to GMA-7 at kampante ako dito," paniniyak pa ni Angelika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Angelika dela Cruz on why she wants to continue working although her husband can easily provide for the family: "Siyempre, ayaw ko rin naman nang hingi lang nang hingi sa asawa ko. Kailangan, may self-worth ka [rin], di ba? Yung may sarili kang income. May sarili kang ginagawa. Hindi yung mino-monitor mo lang yung ginagawa niya [asawa]. Ayoko ng ganu'n!"
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results