PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alex Gonzaga defends Mo Twister: "Nakita ko kung gaano talaga kamahal ni DJ Mo si Rhian [Ramos]."

"Nalulungkot ako sa kanyang mga pinagdaraanan. Sana malagpasan niya ang lahat ng ito," Alex says of "Juicy" co-host Mo.
by Melba R. Llanera
Published Dec 4, 2011
Ano ang reaksyon ni Alex Gonzaga sa balita na si Liz Uy daw ang bagong nililigawan ng ex-boyfriend niyang si Kean Cipriano? "Kung totoo man yun, masaya ako for Kean. Si Liz, mabait siya, nagdadamit siya sa Ate ko [Toni Gonzaga]. Nagka-text kami one time. Okay namin, mabait. Happy ako for them," Alex says.


Isa sa isyung pinag-uusapan ngayon ay ang video ni Mo Twister na kumakalat sa Internet kung saan nagbubukas ito ng saloobin niya tungkol sa ginawa raw na pagpapa-abort ng girlfriend na si Rhian Ramos sa Singapore.

Ang video ay kinunan sa kuwarto ng isang hotel kung saan, ayon kay Mo, ay kasama niya ang aktres.

Nasa Singapore aniya sila "to get rid of their child."

Ikinagulantang ng lahat ang naging desisyon ni Rhian, kung may katotohanan nga ang nasabing balita.

Bago pa man lumabas ang nasabing video, kumpirmado na rin ang pag-alis ng bansa ni Mo para iwanan pansamanatala ang showbiz at hanapin raw ang kanyang sarili.

Dahil iiwanan niya ang programang Paparazzi at Juicy!, aminado si Mo na masakit sa kanya ang naging desisyon.

Hindi lang ang kanyang showbiz career ang kanyang pansamanatalang tatalikuran, mapuputol din ang kanyang komunikasyon sa mga naging kaibigan niya sa mga shows na kinabibilanganan nila Cristy Fermin, Shalala, IC Mendoza, at Alex Gonzaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nainterbyu ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex Gonzaga kahapon, December 3, sa launching ng Ysa Botanica 2 in 1 Papaya with Kojic acid. Ang actress-TV host ang bagong endorser ng beauty product.

Dinepensahan naman agad ni Alex si Mo, bagamt sinasabi rin niyang hindi niya napanood ang sinasabing video.

"Ang nagsabi sa akin ay si IC. Di ko pa napapanood, nasa taping ako. Siguro siya na lang ang tanungin ninyo kasi di ko pa napapanood.

"Nakita ko kung gaano talaga kamahal ni DJ Mo si Rhian, sa mga 'pinakita niya sa amin, sa mga katrabaho niya...

"Sa last episode namin kahapon, sinabi niya na mahal niya si Rhian.

"Pinoprotektahan niya si Rhian, tine-treasure niya ang kanilang friendship," ani Alex.

EXPLOSIVE. "Before this video came out, nabalita rin na may bomba na pasasabugin si Mo [tungkol] sa aktres.

"Para sa iba, ito raw yata ang bombang pinatutungkulan ni Mo," patuloy ni Alex.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Alam ninyo, nagkasama kami ni Mo sa Cebu. Kahit off-cam, di niya talaga kaya sabihan ng di maganda si Rhian.

"Wala akong narinig sa kanya na anything against Rhian, wala siyang bad blood or anything."

Hiningan din ng PEP ng reaksyon si Alex sa balitang idedemanda ng GMA-7 si Mo dahil idinamay nito ang network.

Sinabi kasi ni Mo sa video na isang dahilan kung bakit nakapagdesisyon nang di tama si Rhian ay dahil sa kanyang manager.

"That's very sensitive, di ako makakapag-comment tungkol diyan," ang sabi ni Alex.

Ipinagtanggol ng aktres na mabait si Mo at nami-misinterpret lang ito ng ibang tao.

"Mabait talaga si Mo. Misinterpreted lang siya ng ibang tao.

"Off-cam, mabait siya, very sweet.

"Kung anuman ang tingin ng ibang tao, you really have to know the person first para masabi ninyo kung sino talaga siya."

FRIENDSHIP. Ayon kay Alex, pinanghihinayangan niya yung friendship at bonding na nabuo sa kanila sa Juicy!

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Tinanong din ng PEP kung ano ang suportang ibinigay niya sa kaibigan.

"In the last two months naging sobrang bait sa amin ni DJ Mo, naging very approachable siya.

"Sayang, kasi nung time na nag-open up siya sa amin...aalis na siya.

"Nakikita mo nakikipag-communicate talaga siya.

"Personally, talagang nalulungkot ako sa kanyang mga pinagdaraanan. Sana malagpasan niya ang lahat ng ito.

"Na-text ko na siya, giving him support.

"Usually talaga ang ino-openan niya ay si IC, kasi katabi niya," ang sabi ni aktres.

Ayon kay Alex, naiintindihan niya ang desisyon ng co-host na umalis dahil sa mga problemang pinagdaanan nito.

"Gusto raw niyang mag-move on, makita yung peace of mind, so yun ang winish namin sa kanya.

"I think inere naman yun sa TV, na he's in a dark place right now. So I hope makita niya yung light side."

Kinumpirma rin ni Alex na babalik ang kontrobersyal na DJ para mag-Christmas dito dahil sa mga natanguan nitong prior commitments.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"I think after two weeks babalik siya dito dahil may mga raket siya...sana raw makapag-Christmas party siya."

HAPPY WITH 5. Sa kabila ng maraming mga artistang bini-build up ngayon ng TV5, siniguro ni Alex sa PEP na hindi siya nai-insecure sa mga ito.

Tuloy-tuloy ang mga magagandang proyektong ibinibigay sa kanya ng Kapatid network, aniya.

"Sobrang saya, dahil ang TV5 talagang nakikita mo in a short span of time, tinanggap siya ng tao.

"I'm sure this coming year, lalong dadami ang aming mga kapatid.

"Ako talaga, napunta ako dito na wala pa talagang artista ang TV5.

"Kaunti lang talaga kami kaya di mo talaga maramdaman na network kayo kasi same people ang nakikita mo.

"Ngayon na dumarami at may mga pumapasok na talaga na haligi na sa industriya, mas napi-feel mo na, 'Wow! Network na talaga kami.'"

Kapareha ni Alex ang ex-boyfriend niyang si Kean Cipriano sa TV5 serye na P.S. I Love You.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Di naman itinago ng aktres na di pa talaga bumabalik sa dati ang closeness nila ni Kean.

"Di kami masyadong nag-uusap, pero I think in time, baka maging close na ulit kami.

"Lagi siyang wala kasi marami siyang raket na ginagawa ngayon.

"Paminsan-minsan lang ang taping niya, di kami ganun nakakapag-usap.

"After namin magkita, kinalimutan na lang namin kung anuman ang naging misunderstanding namin," aniya.

Ano ang reaksyon ni Alex sa balita na si Liz Uy daw ang bagong nililigawan ni Kean?

"Kung totoo man yun, masaya ako for Kean.

"Si Liz, mabait siya, nagdadamit siya sa Ate ko [Toni Gonzaga].

"Nagka-text kami one time. Okay namin, mabait. Happy ako for them."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ano ang reaksyon ni Alex Gonzaga sa balita na si Liz Uy daw ang bagong nililigawan ng ex-boyfriend niyang si Kean Cipriano? "Kung totoo man yun, masaya ako for Kean. Si Liz, mabait siya, nagdadamit siya sa Ate ko [Toni Gonzaga]. Nagka-text kami one time. Okay namin, mabait. Happy ako for them," Alex says.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results