PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joko Diaz thanks loyal friends of his dad, former action star Paquito Diaz

Joko says he is his father's "gate pass" to drink.
Published Aug 10, 2010
"Doon sa nangyari sa daddy ko, I'm happy na rin sa nangyari na doon sa career niya, natuwa ako dahil no'ng malakas siya, never siyang nakakalimutan lahat ng tao. He has a lot friends.Until now, minsan nagugulat ako sa isang lugar na pinupuntahan ko, 'Oy, kaibigan ko ang tatay mo!' Marami siyang natulungan," says Joko Diaz (main photo) about his father, character actor Paquito Diaz (insets).

Marami ang nagtatanong kung kumusta na ba ang character actor na si Paquito Diaz.

Sa mga hindi nakakakilala kay Paquito, madalas siyang gumanap na kontrabida sa mga pelikula ng yumaong King of Philippine Movies na si Fernando Poe Jr. Ilan sa mga pelikulang nagawa nila ay ang mga sumusunod: Asedillo (1971), Totoy Bato (1977), Durugin si Totoy Bato (1979), Bandido sa Sapang Bato (1981), Partida (1985), Musim Magnum 357 (1986), Kapag Lumaban Ang Api (1987), Agila ng Maynila (1989), Kapag Puno na Ang Salop Part II (1989), Kahit Konting Pagtingin (1990), May Isang Tuper ng Taxi (1990), Mabuting Kaibigan...Masamang Kaaway (1991), Hindi Pa Tapos Ang Laban (1994), Ikaw Ang Mahal Ko (1996), Ang Pagbabalik ng Probinsiyano (1998), Isusumbong Kita sa Tatay Ko (1999), Ang Dalubhasa (2000), at Pakners (2003).

Noong 2004 ay na-stroke si Paquito. Sumailalim siya sa major brain surgery, na naging dahilan ng pagkaubos ng kanyang ipon at nagpahina rin nang husto ng kanyang katawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Simula nang magkasakit ang beteranong aktor ay napakadalang na ng kanyang TV appearances. In recent years ay napanood siya sa Rated K ng ABS-CBN at Wish Ko Lang! ng GMA-7.

PAQUITO'S PLIGHT. Muli siyang napanood sa showbiz talk show ng TV5 na Paparazzi noong Linggo, August 8. Halos wala na ang bakas ng kanyang kabataan. Wala na rin ang liksi, matikas niyang galaw na naglagay sa kanya sa trono bilang primero kontrabida ng Philippine movie industry.

Bukod sa payat nitong katawan at hapis na mukha, puting-puti na rin ang buhok ni Paquito, na kung tutuusin ay mas bata pa sa Comedy King na si Dolphy, 82, na hanggang ngayon ay malakas pa at nakakapagtrabaho. Akay-akay na lang itong inilalakad ng field reporter na si Morly Alinio at ng asawa ng aktor na si Nena Diaz.

Sa isang subdivision sa Daraga, Albay naninirahan si Paquito at ang kanyang misis.

Kuwento ng kanyang maybahay, nang ma-stroke ang aktor noong 2004 ay tatlong buwan itong na-comatose sa Medical City dahil nagkaroon ng tubig ang kanyang ulo. Kinailangang magpasok ng tubo sa ulo pang tanggalin ang tubig. Anim na buwang naratay sa ospital ang aktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bagamat hindi depormado ang kanyang mukha, paralisado naman ang kaliwang bahagi ng kanyang katawan kaya naman kinakailangan itong akayin. Hindi na rin masyadong nakakakita si Paquito.

Sa panayam ng Paparazzi kay Mommy Nena, sinabi nitong maraming hinanakit ang asawa sa showbiz industry na naging buhay nito magmula pa noong 1960s. Isa rito ang hindi na raw pag-alala sa kanya ng mga dating kaibigan. Hindi na rin daw siya napapadalhan ng imbitasyon mula sa mga iba't ibang award-giving bodies.

Nagbago na rin daw ang lifestyle nila sa buhay dahil sa kalagayan nga ng kanyang asawa. Pero mayroon naman silang maliit na piggery sa likod ng kanilang bahay.

Kuwento pa ni Mommy Nena, kung noon ay halos walang panahon sa kanila ni Paquito dahil madaling araw na itong umuwi mula sa trabaho at sa good time, ngayon ay buong gabi at araw na lang itong naglalagi sa kanilang bahay.

Sinabi rin ng maybahay ni Paquito na mahirap ang sitwasyon niya lalo't nakikita niya ang kalagayan ng kanyang asawa. Pero ito ang pinakasalan niya kaya pagsisilbihan at sasamahan niya ito hanggang sa huling sandali.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

JOKO TALKS ABOUT HIS FATHER. Pagkatapos ng VTR ay live namang nakausap ng host ng Paparazzi na si Cristy Fermin sa studio ang anak ni Paquito na si Joko Diaz, isa sa pinakasikat na young action stars noong '90s.

Ang unang tanong ni Cristy kay Joko ay kung ano ang napag-uusapan nila ng kanyang ama sa tuwing maghaharap sila nito.

"Ang pinag-uusapan namin ni Daddy palagi, 'Naalala mo ba yung ginawa kong pelikula noong araw? Nakita mo ba ako?' Sabi ko, 'Oo naman, lahat 'yan.' Sabi ko, 'Di ba, ilang taon mo akong taga-buhat ng Bonbon? Taga-buhat ng cooler na mas malaki pa sa akin?' Gano'n ang trabaho ko sa kanya, tagapaypay. Pero pag gabi na, ako naman ang pinapaypayan niya dahil pinatutulog niya ako," kuwento ni Joko.

Spoiled ba siya sa tatay niya?

"Siya ang spoiled sa akin," mabilis na sagot niya.

Ayon sa ina ni Joko ay maraming hinanakit si Paquito sa showbiz. Nararamdaman ba ni Joko ang hinanakit na ito ng kanyang ama?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"For me right now, for him, oo, masakit ang loob ko sa nangyari," sabi ng dating action star. "Pero sabi nga nila, ito ang pinakawalang utang na loob na trabaho. Kasi, wala kang benepisyo, wala kang... Sabi nga nila, parang pulitika rin 'yan, e, wala kang seguridad.

"Pero doon sa nangyari sa daddy ko, I'm happy na rin sa nangyari na doon sa career niya, natuwa ako dahil no'ng malakas siya, never siyang nakakalimutan lahat ng tao. He has a lot friends.Until now, minsan nagugulat ako sa isang lugar na pinupuntahan ko, 'Oy, kaibigan ko ang tatay mo!' Marami siyang natulungan."

LIFE IN ALBAY. Bakit sa Daraga, Albay piniling manirahan ng kanyang ama samantalang mas marami at mas malapit ang mga ospital dito sa Maynila?

"Sa bagay na 'yan, pinag-usapan na namin 'yang magkakapatid, na mas maganda nga sa Bicol dahil hindi na namin siya pagtatrabahuhin pa, e. At lahat ng kapatid ng mommy ko, nasa Bicol. So, I think it's better na nandoon siya," paliwanag ni Joko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kapag nakikita niya ang kanyang mga magulang na hanggang ngayon ay magkasama pa rin, ano ang naiisip niya?

"Alam ko pagtanda ko, ganundin ako. At pipilitin ko na hindi kami maghihiwalay hanggang sa pagtanda, at ang mga anak ko, hindi pa rin makakalimot sa akin," sabi ng aktor.

Ano naman ang pinag-uusapan nila ng kanyang ama ngayon nasa Bicol ito at nasa Maynila naman siya?

"E, tinatanong lang niya kung kailan ako dadalaw ulit. Kasi, ako lang ang gate pass niya para makainom!" sagot ni Joko.

Umiinom pa rin ang kanyang ama?

"Pag dumating ka sa stage na yun, nasabi rin sa akin ng mga kaibigan ko, 'Pare, ibigay mo na lahat ng gusto ng Papa mo.' Ibinibigay ko naman lahat ng abot ng kaya ko. Kaya painumin mo na. Kasi ano pa 'yan, e, mas lalong mapipikon 'yan dahil hindi kayo nakakasama nga naman. Pag umiinom kayo, maingay kayo, masaya. Hindi naman siya puwedeng uminom ng kung anu-ano. Anong gusto mong inumin? 'Red wine,'" pahayag ni Joko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano naman ang mensahe niya para sa mga taong nakalimot sa kanyang ama?

"Ang sabi nga nila sa akin, ang turo sa akin ng tatay ko, huwag kang makakalimot sa pinanggalingan mo. Hindi ka makakarating sa pupuntahan mo. Well, doon sa mga nakalimot sa kanya, wala naman kaming hinihingi... Katulad ng Tito Joseph [dating Pangulong Erap Estrada], Tito Joseph na yun. Senator [Lito] Lapid, Sen. Lapid na yun. Dinadalaw naman siya kahit nasa Bicol siya, nakakahanap ng paraan. Siguro naman, few moments of your time wouldn't hurt him or just talk to him. Kaligayahan na niya ang may bumisita sa kanya," saad niya.

Nagbigay rin ng kanyang mensahe si Joko sa mga taong hindi nakalimot sa kanyang ama.

"Ay, maraming-maraming salamat sa inyong lahat. At sa lahat ng mga tumulong sa kanya no'ng nasa ospital siya, maraming-maraming salamat."

SEN. BONG REVILLA. Pagkatapos nito ay ipinakilala ni Cristy ang aniya'y "isang taong hindi nakalimot" kay Paquito—si Senator Bong Revilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kuwento naman ni Bong tungkol kay Paquito, "Alam mo si Manong Kits, masayahing tao 'yan, e. Malaking boses, akala mo nananakot na... Pero napakabuting tao, masayahing tao, masarap kasama, saka he's very professional. Napakagaling na artista at talagang maaasahan mo sa anumang bagay.

"Mahaba rin ang pinagsamahan din namin. Ilang pelikula rin ang nagawa ko with Paquito Diaz. Masasabi nating isa rin siya sa haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino. Nakakalungkot, nakakalungkot yung nakita ko. Hindi ko ini-expect na gano'n kasama yung kalagayan niya...nakakagulat.

"Kung anuman yung maitutulong natin, ang aking opisina, bukas ang ating puso, namin. Sino ba ang magtutulung-tulungan kundi tayo rin?"

Sabi ni Cristy ay siya raw ang personal na tumawag kay Bong. Hindi pa raw natatapos ang kanyang salita ay may sinabi ito kaagad, may pinabibigay raw para kay Paquito.

Sa puntong ito, naiyak si Joko na walang bakas sa pag-usad ng interview sa kanya na magiging emosyunal ito. Pero hindi nito napigilan ang sarili kaya naging emosyonal na ito noong mga sandaling 'yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ni Joko, na patuloy pa rin sa pag-iyak, "Kasi si Senador [Bong], 'yan yung taong hindi ako nahirapan. No'ng nasa ospital si Daddy, si Senador Bong, Senador Jinggoy [Estrada], Sen. Lapid, thank you very much. Words can't explain how I feel. It's just that I'm so happy na may kaibigan siyang ganyan. And alam ko naman ibinigay rin niya ang lahat para sa kaibigan niya."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Doon sa nangyari sa daddy ko, I'm happy na rin sa nangyari na doon sa career niya, natuwa ako dahil no'ng malakas siya, never siyang nakakalimutan lahat ng tao. He has a lot friends.Until now, minsan nagugulat ako sa isang lugar na pinupuntahan ko, 'Oy, kaibigan ko ang tatay mo!' Marami siyang natulungan," says Joko Diaz (main photo) about his father, character actor Paquito Diaz (insets).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results