PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jordan Herrera returns to television via Kambal sa Uma

Jordan Herrera continues boxing after winning Pinoy Mano-Mano challenge.
by Nerisa Almo
Published Apr 8, 2009
"Magaling ako diyan [sa pang-aakit]. (Laughs) Hindi, depende sa script, depende kung gaano kagaan o kabigat 'yong paanong pag-aakit," says Jordan Herrera about his role in the upcoming afternoong series on ABS-CBN, Kambal sa Uma.

Bagamat mahigit isang taon na ang nakaraan nang mahirang siya bilang Pinoy Mano-Mano champion, patuloy pa rin si Jordan Herrera sa pag-e-ensayo at paglahok sa mga boxing challenge. (Click here to read related article)

Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa actor, sinabi nito na tuluy-tuloy pa rin ang kanyang pagba-boxing, kasabay ng pagdyi-gym at jogging niya. Sa katunayan, sinabi pa ng amateur boxer na kung puwede lang ay gusto na niyang sumabak bilang professional boxer.

"Gusto ko nang lumaban ng pro, e," sabi ni Jordan. "Amateur pa lang ang nilalabanan ko pero may mga inter-gym [competition] na sumasali ako, ang sarap, e. Hindi naman seryoso pero ine-enjoy ko lang dahil nandito na ako, natutunan ko na 'yong boxing. So, tina-try ko lang, talagang boxing lang talaga. Fun game lang talaga kasi sayang naman ang ensayo."

BACK TO ACTING. Ayon kay Jordan, sobrang na-miss niya ang magtrabaho sa local show business. Dagdag kuwento pa niya, "After ko kasing manalo sa [Pinoy] Mano-Mano, may mga guesting. 'Tapos nagpunta nga ako sa States, vacation lang sa family ko. 'Tapos bumalik ako dito after New Year. Sobrang na-miss ko nga [showbiz], e, kaya pagdating ko dito super raket. At saka gumawa na rin ako ng indie film pagdating ko nga rito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa kanyang sandaling pagtigil sa paggawa ng mga proyekto sa telebisyon, nagkaroon naman siya ng pagkakataon na maging parte ng dalawang indie films, Lalamunan (2008), at kamakailan lang sa pelikula ni Francis Posadas, Pakpak.

May kaunting panghihinayang si Jordan nang matanong namin siya tungkol sa kanyang huling indie film. Ayon sa kanya, kung hindi raw siya umalis patungong States, baka sakaling nakatulong siya sa pagpo-promote ng pelikula.

"Actually, hindi nga ako masyadong nakapag-promo kasi natapat ng ano... 'Yon nga medyo sad 'yon dahil natapat din na papunta ako sa States, then, before that nagpaalam naman ako sa kanila. Ang akala ko naman maipo-promote ng mga kasamahan ko. Kung alam ko lang na ganun, siguro hindi muna ako pumunta, 'tapos [nag-promote] na lang ako para talagang makatulong doon sa project," paliwanag ni Jordan.

Gayunman, masaya na rin ang binatang aktor dahil mayroon siyang Kambal sa Uma, ang bagong afternoon soap ng ABS-CBN na magsisimula sa April 20. Gagampanan ni Jordan ang karakter ni Leo, isang nagmamay-ari ng perya na magugustuhan ang isa sa mga main actor na si Melissa Ricks (na gaganap naman bilang Ella).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil dito, ayon kay Jordan, marahil ay hindi na niya masyadong mabibigyang pansin ang paggawa ng indie. Aniya, "Madami ring offer kasi noong nag-start nga ako, ang daming sunud-sunod [na offer]. So, parang namimili na lang ngayon. Dapat talaga mamili na dahil ito na nga, may regular [show] na, hindi na puwede 'yon."

Pero pinaliwanag din ni Jordan na hindi ibig sabihin nito na hindi na siya gagawa ng indie film. Para kay Jordan, "Puwede siguro basta huwag na lang magko-conflict sa schedule. Siyempre kasi priority natin ito [Kambal sa Uma], di ba? Priority ito kaya hindi muna ako masyadong tumatanggap ng schedule for indie kasi maapektuhan ang project na ito.

Read Next
Read More Stories About
Jordan Herrera, Kambal sa Uma
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Magaling ako diyan [sa pang-aakit]. (Laughs) Hindi, depende sa script, depende kung gaano kagaan o kabigat 'yong paanong pag-aakit," says Jordan Herrera about his role in the upcoming afternoong series on ABS-CBN, Kambal sa Uma.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results