PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Gina Pareño proud of her Asian Film Awards victory

Gina's victory in Hong is her second for "Serbis"
by Lito Mañ
Published Mar 25, 2009
"Nagpapasalamat ako, talagang sinusuwerte tayo gawa ng... Hindi ninyo alam kung gaano ako natuwa at nakakataba ng puso kasi for the first time po, may nanalong Filipino sa Asian Film Awards sa Hong Kong; at nagkataon ho na tayo ang nakakuha," says Gina Pareño about winning the best supporting actress trophy at the 3rd Asian Film Awards for her performance in Serbis.

HONG KONG - Gina Pareño was all smiles when PEP (Philippine Entertainment Portal) bumped into her at the Hong Kong International Airport yesterday, March 24. Kasama ni Gina ang anak niyang si Racquel at ang aktres na si Jaclyn Jose.

Kaagad binati ng PEP si Gina ng isang mainit na congratulations dahil sa pagkakapanalo niya ng Best Supporting Actress trophy sa katatapos na 3rd Asian Film Awards (held Monday night, March 23) sa Hong Kong International Convention and Exhibition Centre para sa pelikulang Serbis (Service).

Kaagad namang inilabas ni Gina ang kanyang napanalunang tropeyo mula sa isang malaking box na itim para ipakita at ipagmalaki ito sa amin.

Sa kuwento ni Gina, ibinahagi niya sa kanyang acceptance speech ang kanyang pagwawagi sa kanyang co-star na si Jaclyn Jose, na nominado rin for the same category sa parehong pelikula. Hindi rin niya nakalimutang ibahagi ito sa kanyang director na si Brillante "Dante" Mendoza at sa iba pang nominees.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Unang-una, nagpasalamat ako sa Asian Film Awards for the award. Pinasalamatan ko rin ang aking direktor sa ipinagkatiwala sa aking role. Tapos sabi ko, 'I want to share this award to all the other nominees, especially kay Jaclyn Jose na matalik kong kaibigan.' At ang huling-huling sinabi ko, I said, 'I was dedicating this trophy to my family at higit sa lahat to all the Filipino people. Mabuhay!' Tapos nagpalakpakan silang lahat. Muntik na nga akong maiyak," masayang kuwento ng aktres.

FILIPINO ACTRESSES. Pagmamalaki nina Gina at Jaclyn na dalawa silang Filipino actress na lumaban sa Best Supporting Actress category.

Ayon kay Jaclyn, lima ang nominado sa bawat kategorya. Pero ikinatuwa raw niya nang tawagin ang pangalan ni Gina bilang Best Supporting Actress winner.

"Sa pagkakatanda ko, dalawa kaming Filipino na pumasok sa Best Supporting category. Dalawa rin sa Japan at isa mula sa South Korea. I'm happy for Gina. She deserves it. Natutuwa talaga ako for her," sabi ni Jaclyn.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Okey lang daw kay Jaclyn na tinalo siya ni Gina, who plays the matriarch owner of a dilapidated provincial theater in Serbis.

"Kami naman, pagdating sa ganitong labanan, lalo na sa ibang bansa, basta kapwa Filipino, ipinagmamalaki namin," sabi ni Jaclyn.

SECOND WIN. Ito ang pangalawang international acting award na nakuha ni Gina para sa Serbis. Una siyang nanalo ng Best Actress para sa pelikulang ito sa Pacific Meridian International Film Festival of Asian-Pacific Countries held in Vladivostok, Russia last September 13-19, 2008. Sa naturang festival, naiuwi rin ni Direk Brillante ang karangalan bilang Best Director.

Sa kanyang pangalawang panalo, hindi na raw masyadong kinabahan si Gina. Pero malakas pa rin daw ang palpitation ng puso niya.

"Nagpapasalamat ako, talagang sinusuwerte tayo gawa ng... Hindi ninyo alam kung gaano ako natuwa at nakakataba ng puso kasi for the first time po, may nanalong Filipino sa Asian Film Awards sa Hong Kong, at nagkataon ho na tayo ang nakakuha.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Actually, lima ang nominado. Dalawa kami ni Jaclyn Jose na nominado para sa pelikulang Serbis. Buong Asia ang nagko-compete dito. Isipin mo na napakalaki ng Asia at sinuwerte tayong nakapasok at nanalo pa. I'm really so thankful.

"Nangangatog pa rin ang tuhod ko. Pero nung andun na ako sa stage at nagpapasalamat sa tao, may kurot sa akin ng tuwa at nerbiyos. Pero proud ako kasi ako ay isang Filipino.

"Si Direk Brillante ang naghatid sa akin sa stage. Nagpasalamat din ako sa kanya dahil ipinagkatiwala niya sa akin itong role na nagbigay ng karangalan sa akin. Wala itong cash incentives, pero yung karangalan, hindi kayang bilhin ng pera. Ipinagmamalaki ko ito dahil ako ay Pinoy at dala ko ang pangalan ng ating bansa.

"Sa Russia, nangangatog talaga ang tuhod ko nang umakyat ako sa entablado para tanggapin ang award. Pero dito ngayon sa HK, may palpitation pa rin, pero hindi na katulad ng naramdaman ko sa Russia," sambit pa ni Gina habang hinahalik-halikan ang tropeyo ng karangalan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon pa sa veteran actress, iba ang pakiramdam niya sa Asian Film Awards kaysa sa natanggap niyang karangalan sa Russia.

"Nakatutuwa kasi alam mo sa iba't ibang festivals, paiba-iba naman ang Jury diyan. Magkakaiba rin ang taste nila. Nakatutuwa kasi nakikita mo, pelikulang Pilipino, inoobserbahan nila. Ibig sabihin, nabibigyan tayo ng atensyon," saad niya.

Incidentally, Serbis was the official Philippine entry at the 61st Cannes International Film Festival.

Bukod kina Gina at Jaclyn, nominado rin si Brillante Mendoza bilang Best Director. Hindi man nagwagi, kinailangan pa ring magpaiwan ng direktor sa HK dahil may mga distributor na raw na interesado sa Serbis.

Sinalubong sa Centennial Airport si Gina ng crew ng 24 Oras ng GMA-7 at TV Patrol World ng ABS-CBN. Naghandog din ng bouquet of flowers si Lorie Dionisio-Privalasamy ng Corporate Communications ng ABS-CBN para sa tagumpay na ito ng magaling na aktres.

Ngayong nakabalik na sina Gina at Jaclyn sa Pilipinas, balik na rin daw sila sa kani-kanilang taping. Si Gina sa Tayong Dalawa ng ABS-CBN at si Jaclyn para naman sa Zorro ng GMA Network.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nagpapasalamat ako, talagang sinusuwerte tayo gawa ng... Hindi ninyo alam kung gaano ako natuwa at nakakataba ng puso kasi for the first time po, may nanalong Filipino sa Asian Film Awards sa Hong Kong; at nagkataon ho na tayo ang nakakuha," says Gina Pareño about winning the best supporting actress trophy at the 3rd Asian Film Awards for her performance in Serbis.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results