Two heirs, a princess, and a cook are the new stars of GMA Artist Center.
Sa pagpasok ni Arsi Baltazar sa star development department ng Kapuso network, maraming pagbabago ang nagaganap ngayon sa GMA Artist Center, pati na rin ang pagpirma nila ng mga bagong contract artists.
Noong February 24 sa GMA Executive Lounge, apat na artista ang pinapirma nila: sina Boy2 Quizon, Ram Revilla, Princess Violago, at Niño Logarte.
Si Boy2 ay apo ni Dolphy, ang King of Comedy. Bagamat regular talaga si Boy2 sa GMA-7—regular siya sa Bubble Gang—napapanood din siya paminsan-minsan sa ABS-CBN. Ngunit ngayon, exclusive Kapuso star na siya co-managed ng manunulat na si Nene Riego.
Si Ram ay anak ni Sen. Ramon Revilla Sr., kapatid sa ama ni Sen. Bong Revilla Jr. Marami na rin ang gustong kumuha kay Ram na mag-artista ngunit busy ito sa kanyang schooling, kaya't sa mga pelikula lang ng kanyang kapatid na si Bong siya napapanood.
Magti-three years na nang unang ipinakilala si Princess bilang segment host ng nagbukas pa lang noon na Showbiz Central. Maganda agad ang naging exposure niya. Pati na rin sa acting at napasama siya sa Hoooo U comedy-horror show noon nina Jolina Magdangal, Marvin Agustin, at Patrick Garcia. Bigla na lang nawala si Princess, nagbakasyon sa U.S., kasama ng kaibigan.
Naging mabilis kasi ang pagpasok niya sa showbiz, inamin niyang hindi siya handa noon sa sobrang pagbabago ng kanyang buhay kaya nagpahinga muna siya. Tahimik ang naging pagbabalik ni Princess noon sa Ako si Kim Samsoon ni Regine Velasquez.
Galing naman sa Ka-Toque si Niño, na ngayon ay binigyan ng sariling cooking show ng Q11—ang Daddylicious kasama ng kanyang dalawang anak na babae.
Ang GMA Artist Center ay pinamamahalaan ni Ms. Ida Henares.