PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Meet Zaijan Jaranilla, the boy with the message of hope in May Bukas Pa

Seven-year old Zaijan also played the young Tiny Tony and was a Goin' Bulilit cast member.
by Rose Garcia
Published Jan 31, 2009
Zaijan Jaranilla said he shared some of the characteristics of his May Bukas Pa character Santino. "Makulit din po kasi ako. At saka, palagi rin po akong nagpi-pray kay God. Nagpi-pray po ako na sana po, maraming projects. Para rin po makatulong ako kay Mommy. Kasi po may sakit si Mommy. May bukol po siya sa neck pero nagwo-work pa rin po siya."

Ang seven-year old na si Zaijan Jaranilla ang bagong kagigiliwan ng mga manood dahil siya ang mapalad na batang aktor na napili ng ABS-CBN para gumanap sa role ni Santino sa pinakabagong primetime series ng Dos, ang May Bukas Pa.

Si Santino ay isang batang lumaki sa monasteryo. Ang turing sa kanya ay isang batang hulog ng langit. Mabait, pero medyo pilyo at nangungulila sa pagmamahal ng ina, hanggang sa makahanap siya ng isang misteryosong kaibigan, si Bro, which we later on learned ay ang mismong the Great Creator Himself—God.

Sa press conference ng May Bukas Pa sa 14th Floor ng ELJ Building, nalaman ng press na nagsimula ang ideya sa pagkakaroon ng teleserye na May Bukas Pa, nang magpahayag ng pagkabahala ang presidente ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos-Concio sa mga nababasang balita tungkol sa krisis na sinusuong ng ating bansa. Kailangan naman daw ng ating bansa ng isang programang mapapanood na makakapagbigay ng pag-asa sa mga mamamayan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Doon na pumasok ang ideya ng paggawa ng teleseryeng May Bukas Pa. Sa teleseryeng ito, susundan ng mga manonood ang istorya ng batang si Santino. Magbibigay raw ang show ng mga mensahe ng pag-asa by touching on the spirituality of the viewers. Hindi raw ito pang-Holy Week na panoorin, kundi isang wholesome at family-oriented na show na may mensahe lang daw talaga ng pagbibigay-pag-asa. Posible pa nga raw na maka-relate ang mga manonood sa mga characters sa teleserye, lalo na sa bida na si Santino.

Contrary sa lumabas na mga balitang nag-audition muna si Zaijan para sa role na Santino, siya raw talaga ang naisip kaagad na gumanap sa role na iyon. Dahil at that time, nakikita na siya bilang batang Tiny Tony at marami na nga ang nagagalingan sa kanya. Bukod pa sa regular rin siyang napapanood sa Goin' Bulilit.

Sa interview with PEP (Philippine Entertainment Portal) tinanong si Zaijan na kung sakali at makakausap nga niya si "Bro," ano kaya ang hihilingin niya dito? Sa halip na maraming laruan o kung anumang pambatang hiling, "mas marami pa pong projects," ang sinabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

MORE ON ZAIJAN. Five years old daw siya nang magsimulang umarte. Hilig na raw kasi niya ang pag-arte gayundin ang pagkanta at pagsayaw. Una siyang napanood at lumabas sa mga TV commercials tulad ng Tide, Lactum at McDonald's commercials.

Sa kabila ng pag-aartista niya ay sinisikap pa rin daw niyang mag-aral sa isang elementary school.

"Pero hindi nga po ako masyadong nakakapasok," pag-amin niya. "Pero okey lang naman po dahil nagho-home study rin po ako."

Ayon kay Zaijan, gusto raw niya ang ginagawa niya kahit hindi katulad ng ibang bata ang way of life niya na aral at laro lang ang pinagkakaabalahan. Paglaki, bukod sa pag-aartista ay gusto rin daw ni Zaijan na maging isang doktor.

Pero sa showbiz, ang idol daw niya ay si Billy Crawford.

"Gusto ko po siya, kasi po, magaling po siyang kumanta at saka sumayaw."

Nagulat kami when we asked him kung sino naman ang gusto niyang artistang babae. Tulad ng kasamahan din niya sa Goin' Bulilit na si Nash Aguas, si Cristine Reyes rin kasi ang isinagot ni Zaijan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naaliw kami nang mangiti ito upon mentioning Cristine's name. Crush niya ba ang young actress?

"Hindi po...favorite ko lang po siya. Napapanood ko po kasi siya."

Tumango ito at ngumiti nang tanungin namin kung nagagandahan at naseseksihan ba siya sa young actress.

Ayon pa kay Zaijan, wala raw siyang crush sa mga batang kasamahan niyang young actress. "Iba po kasi ang crush ko, nasa school po."

Umiling agad si Zaijan nang subukan naming intrigahin at kung ano ang magiging reaction na baka may ibang mga batang kasamahan niya na posibleng makaramdam ng inggit sa kanya dahil heto't bida na siya sa isang primetime series pa ng Kapamilya network.

"Hindi po, wala naman pong naiinggit sa akin."

Ano nga bang pakiramdam niya na siya ang bida sa May Bukas Pa?

"Masaya po ako. Nagulat po ako na ako ang pinili nila sa dami-rami ng mga bata rito sa ABS-CBN, ako po ang napili nila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LIKE SANTINO. Nangiting muli si Zaijan sa huling tanong namin sa kanya kung in real-life ba, kapareho niya ang character na ginagampanan niya sa May Bukas Pa na mabait din kung kaya't nakakausap niya si "Bro."

"Makulit din po kasi ako. At saka, palagi rin po akong nagpi-pray kay God. Nagpi-pray po ako na sana po, maraming projects. Para rin po makatulong ako kay Mommy. Kasi po may sakit si Mommy. May bukol po siya sa neck pero nagwo-work pa rin po siya."

On the other hand, masaya raw siya dahil kahit sa kanilang lugar, nakikilala na raw siya ng mga tao at kahit sa Monday, February 2 pa ang pilot airing ng May Bukas Pa ay hindi na raw Zaijan ang tawag sa kanya kundi Santino na.

Read Next
Read More Stories About
Zaijan Jaranilla, May Bukas Pa
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Zaijan Jaranilla said he shared some of the characteristics of his May Bukas Pa character Santino. "Makulit din po kasi ako. At saka, palagi rin po akong nagpi-pray kay God. Nagpi-pray po ako na sana po, maraming projects. Para rin po makatulong ako kay Mommy. Kasi po may sakit si Mommy. May bukol po siya sa neck pero nagwo-work pa rin po siya."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results