May bagong segment ang Showbiz Central na nagsimula noong Linggo, January 11, ang "Gimme Mo!" Since kilala si Mo Twister sa pagiging matapang sa pagtatanong sa kahit anong maintrigang isyu, siya ang naatasang mag-interview at magbato ng mga controversial issues sa mga celebrity na mauupo sa naturang segment.
For its initial episode, si Sunshine Dizon ang unang sumalang sa "Gimme Mo." Sa 20 mystery questions, na pinili mismo ng mga taong malalapit kay Sunshine, lima rito ang itatanong ni Mo. Ilan sa mga namili ng limang questions for Sunshine ay ang kanyang uncle na si Mr. Ramon Sabella; Sunshine's yaya, Malou Porcincula, na nagbitiw pa ng statement na: "Meron akong alam, e. Malaking pagtingin ni ano, e...hindi lang masabi. Hindi niya ma-express. Hindi niya masabi. Hindi niya magawang lumigaw."
Si Dingdong Dantes ang isa pang namili ng tanong. Sabi ng aktor, "Okey ‘to, hindi ko alam ‘to. Yung iba, parang ayokong tanungin, e. Pero since binigyan n'yo ako ng choice na tanungin siya, mas pinili ko ‘to, yung alam ko na masasagot niyang talaga nang diretso. Ito kasi, ngayon ko lang narinig or ever na naisip na may ganito about her."
Ang isa pang namili ng tanong for Sunshine ay ang kanyang ina na si Dorothy Laforteza. Aniya, "Kaya ko napili ito dahil ito ang gusto kong maliwanagan. Dahil alam ko ang lahat sa buhay ng anak ko."
Naging emotional pa raw si Mommy Dorothy sa isang tanong na napili niya para sa anak. "Huwag mong saktan ang anak ko! Dahil kapag sinaktan mo, uunahin ko pang idasal na sana, ikaw na ang naunang namatay!" banta ng ina ng aktres.
Ayon kay Sunshine, ninenerbiyos siya at the start of the interview. Hirit naman ni Mo, siya naman daw ang ninenerbiyos dahil nakita niya ang mommy ni Sunshine.
Pagkatapos nito ay sinimulan na ni Mo ang pagtatanong kay Sunshine.
Question No. 5: Who do you find most attractive sa lahat ng mga leading men na nakatrabaho mo and why?
"Huwag naman sanang sumama ang loob ng iba, kasi siyempre, hindi naman sila magiging artista kung pangit sila. Well, I guess naman, lahat naman ng naka-partner ko are goodlooking. Pero ang malapit sa puso ko, of course, Dong [Dingdong] and Mark Anthony Fernandez."
The question is hindi pinakamalapit sa puso mo, yung pinaka-guwapo?
"Isa lang dapat? Baka ma-hurt sila! Obviously, si Dong! Sexiest man, di ba?"
During the time na nakatrabaho mo si Dingdong, did you ever have feelings? Crush? Siyempre, attraction?
"No, e. Si Dong talaga has always been like a brother to me. We're really close."
Question No. 4: Gaano katotoo na bumili ka raw ng isang napakamamahaling sasakyan? A Porsche...at alam naman natin kung gaano kamahal ang isang Porsche. So, it is true na bumili ka ng Porsche?
"Meron akong matchbox nun!" tawa ni Sunshine. "Pero isa yun sa mga dream car ko. It's not actually a Porsche. I am actually buying a new van. Puwede ko bang sabihin ang tatak? Well, it's a new line of Starex van, yung limousine."
Magkano ba ‘yan?
"Huwag na lang..."
Sinabi mo na naman ang model, so how much it is honestly?
"Mura lang yun, kayang-kaya mo—2.6 million. Ano ba, yung ibang kotse ko, ganoon din ang halaga! At saka hindi naman cash yun!" natatawa niyang sabi.
Question No. 3: Sa Iloilo ka raw nag-Christmas at nagkaroon ka ng feeding program. How true na papasok ka raw ng politics?
"Well, it's really my dream, actually... Hindi naman feeding program. It just so happened that my mom and I, umuwi kami ro'n and we thought, it would be nice to share whatever we have. So, nagluto kami ng pagkain at namigay kami ng pamasko sa mga bata.
"It's really one of my dreams. Siyempre, if ever I'll go into politics, uunahin ko na ang mga kababayan ko."
Anong office if ever, ang gusto mong pasukan?
"Siyempre yung mataas-taas na, congresswoman, para siyempre mas wide yung range, mas marami akong matutulungan."
So, if ever mag-run ka for Congress, sa Iloilo?
"Ay, hindi, huwag naman. I'll start from the very beginning. Siyempre, iba yung meron kang knowledge kung ano ang gusto mong gawin and you have experience to back you up."
How soon will you go to politics kung busy ka ngayon?
"Well, siguro ano, kapag medyo maluwag ang schedule. Besides finishing my culinary degree, gusto ko sana talaga na makakuha ng something about law. Mahirap naman tumakbo kung hindi ka knowledgeable, di ba?"
Question No. 2: (Ang isa sa tanong na pinili ng mommy niya.) Honestly, have you ever felt na masyadong naging pakialamera sa lovelife mo ang mommy mo?
"Well, to be very honest, yes, there was a time that I felt that way. Because you know naman how kids are, when you're young, you want to do things with your life and you have your mom telling you things. So, you'll feel na your mom is the kontrabida, pakialamera."
Pero ano nga ba ang ginagawa ng mga mommy na nagiging pakialamera sila sa buhay?
"Well, ano naman, she really scrutinizes people!" tawa ni Sunshine. "Siguro kasi bunso ako, the same way with my brother and sister. My mom only wants the best for us, her children. So, in all aspects, noong bata ako, feeling ko, pakialamera talaga. Pero ngayon naman, feeling ko, she's just there to constantly remind me of things because she doesn't want me to get hurt."
It's pakikialam naman that is done with love?
"Yes! And I think, all parents are allowed to do that. I can draw the line naman and my mom draws the line rin naman."
Question No. 1. (Ayon kay Mo, ito raw ang question na nagalit ang mommy niya.) Sa isang interview before, nasabi ng mommy mo na wala siyang nagustuhan sa mga naging ex-boyfriend mo. Sino sa kanila ang hindi mo nagustuhan at bakit?
"Para fair..."
You need to give a name...
"Actually, lahat, obviously, hindi gusto ng mommy ko. Alam n'yo kung bakit. Kaya lahat sila wala na sa buhay ko!" natatawang sabi ni Sunshine.
So, sino ang pinaka-hindi?
"Let's just leave it like that..."
No, I will sit here forever, live on TV, sabi naman ni Mo. So, sino ba ang pinaka-hindi gusto ng mommy mo sa mga naging past boyfriend mo?
"You know what, honestly ha, I hope you do understand where I am coming from... Obviously, my mother, she's very particular with the people that I dated. But on my part, it would be so unfair to actually say someone's name because I've been part of their lives. So, opinion yun ng mommy ko at hindi ko opinion."
Hindi nakuha si Mo sa sagot ni Sunshine, kaya ang ginawa nito ay tinawag niya sa stage ang mommy ni Sunshine para tanungin kung sino ang pinaka-ayaw nitong naging ex-boyfriend ni Shine.
"Actually, kung sabihin ko, hindi n'yo kilala. Non-showbiz siya..." sabi ni Mommy Dorothy.
Hindi naman itinanggi at hindi ikinaila ni Sunshine na kinabahan siya nang todo sa interview na yun sa kanya ni Mo.
