Kapansin-pansin ang pagiging iba ni Shaina Magdayao sa
kanyang bagong programang Komiks Presents Mars Ravelo's Dragonna. Mula sa mga teenybopper roles na ginagampanan
niya, naging mas sexy naman ngayon ang kanyang karakter bilang taong dragon sa Dragonna.
Sa costume pa lamang, marami na ang nagulat sa kaseksihan ng kanyang suot bilang si Dragonna. Ngunit, bago pa man mag-isip ng iba ang mga tao, nilinaw na ni Shaina na ang sexy outfit ay aprubado ng mga kamag-anak ng komiks artist na si Mars Ravelo.
Aniya, "Kung ano po yung nandun sa komiks, strikto po sila eh, gusto nila yun po talaga yung maging itsura ni Dragona. Even yung mga ginamit dito sa costume ko, sila pa rin yung nag-approve. Pero medyo pinataas ko lang yung belt nang konti. Kasi ang baba nung kay Dragonna, e, so, ayun po. At saka medyo pinahaba nang konti yung skirt, ito na yung kaya ko. Tumawad lang po ako ng konti, pero pumayag naman po sila."
Hindi ba siya nag-alangan sa pagsusuot ng skimpy outfit?
"Alaga naman po nila ako," paniniguro ni Shaina. "And itong gear ko na to, pagdating naman po pag may mga fight scenes, softer po."
Ibig sabihin ba nito ay handa na siyang magpa-sexy sa mga susunod na proyekto?
"How sexy? Bold, hindi po. Pero sexy doesn't mean you have to show off skin, di ba? Being mature is how you carry yourself, di ba? 'Yon po ang pinagbabasehan ko ng sexy, e," tugon ni Shaina.
POWER OF LOVE. Sa panayam kay Shaina, hindi rin naiwasang biruin siya ng media tungkol sa panghihina ng kapangyarihan ng kanyang karakter sa tuwing ito'y magmamahal.
"Si Dragonna, naku, mapapaso po siya kasi hindi siya puwedeng umibig dahil kapag umibig siya, mawawalan siya ng powers. So, nung medyo umiibig na siya kay Jake [Cuenca], ayun medyo nagdelikado na siya. So, yun yung angst ni Dragonna, kung uunahin ba niya yung pagibig o yung pagsasagip ng mga tao, pagtulong sa mga tao."
Kung siya ang papipiliin, alin ang kanyang mas gugustuhin—ang makalikha ng apoy para makapagligtas o ang magmahal?
Para kay Shaina, mas pipiliin niya, "Siguro love. Kasi powerful naman ang pagmamahal, di ba?"
Sa huli, tinanong ng media si Shaina kung mainit din ba siyang magmahal, tulad ng apoy na nililikha ni Dragonna.
Ang simpleng sagot ng dalagang aktres, "Well, ang call naman po kasi dun passionate, e, when it comes to everything, my work, my family, the relationship I have to everyone, ganun, and loved one."