PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joross Gamboa challenged by daring role in "Eva Fonda"

But Joross is not yet totally confident about his physique.
by Rommel R. Llanes
Published Nov 28, 2008
"Tinanggap ko ito as a challenge, yung role na ano... Kasi hindi naman talaga ako sanay sa mga bed scenes, sa mga sexy scenes... Para sa akin, nadadagdag ko ito sa mga natututunan ko bilang aktor at bilang isang tao. So, sana sa future, ma-apply ko yung mga ganito. Hindi sa totoong buhay yung mga bed scenes, a...!" says Joross Gamboa.

Kasama ang young actor na si Joross Gamboa sa bagong primetime drama series ng ABS-CBN, ang Eva Fonda. Pinagbibidahan ni Cristine Reyes, ang Eva Fonda ay mapapanood na sa Primetime Bida ng ABS-CBN simula December 1.

Dito ay hindi si Joross ang leading man ni Cristine kundi si Jason Abalos. Bakit tinanggap ni Joross ang project kahit na hindi siya ang leading man ni Cristine?

"Tinanggap ko ito as a challenge, yung role na ano... Kasi hindi naman talaga ako sanay sa mga bed scenes, sa mga sexy scenes... Kapag naaalala ko yung mga eksena kong yun, naiiyak na naman ako!" biro ni Joross sa PEP (Philippine Entertainment Portal).

"Kidding aside, para sa akin, nadadagdag ko ito sa mga natututunan ko bilang aktor at bilang isang tao. So, sana sa future, ma-apply ko yung mga ganito. Hindi sa totoong buhay yung mga bed scenes, a! Maa-apply ko sa iba pang acting na gagawin ko," paliwanag ng Star Circle Quest alumnus sa presscon ng Eva Fonda kahapon, November 27.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pero meron din naman siyang kapareha sa Eva Fonda, si Hazel Ann Mendoza. Gaya nina Cristine at Jason, meron ding maiinit na love scenes dito sina Joross at Hazel.

Hindi ba tinablan si Joross habang kinukunan ang maiinit nilang mga eksena ni Hazel?

"Siyempre, professional ako, e! Kasi iba ang feeling, ang daming ilaw, ang liwanag, maraming nanonood. So, hindi ako makapag-concentrate!" tawa niya.

Hanggang saan ba ang kaya niyang gawin kung sa movie naman siya may love scenes?

"Depende sa palabas. Depende sa kalagayan ng aking katawan. Hindi pa kasi ganun kaganda ang katawan ko, e," sagot ni Joross.

Halimbawa, isang art film at maganda na ang porma ng kanyang katawan. Kaya niya bang magpakita ng todo-todo?

"Siguro hindi yung todo-todo, hindi ko kaya yun," aniya.

What about frontal nudity?

"Hindi ko kaya yun!" tawa niya.

May offer nga raw na isang indie film dati kay Joross, kung saan may frontal nudity sana siya. Pero dahil hindi niya kayang gawin yun, tinanggihan niya ang offer.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Okey lang naman sa akin yung mga underwear, pero hindi pa sa ngayon. Kailangang i-workout ko muna yung legs ko," ani Joross.

Kissing scene sa kapwa niya lalake, kaya niya ba yun?

"Hindi ko rin kaya, e. Kaya nga bilib ako kay Joseph [Bitangcol] at Polo [Ravales], e," banggit ni Joross. Sina Joseph at Polo ang mga bida sa pelikulang Walang Kawala, kung saan nagkaroon sila ng kissing scenes at love scenes.

Marami tiyak ang magugulat kung bakit nalilinya na sa sexy roles si Joross. Kilala kasi siyang komedyante sa totoong buhay, kaya ang dapat daw sa kanya ay sa comedy makilala.

"Sa akin, actually, gusto ko namang i-try lahat, e," sambit niya. "Pero meron pa rin namang touch of comedy yung character ko rito [sa Eva Fonda]. Pero ngayon ko lang na-experience yung mga sexy scenes. Pero masaya, magandang experience siya."

Nang tanungin naman tungkol sa kanyang lovelife, sinabi ni Joross na wala pa siyang bagong girlfriend. "Pero may dini-date nga ako ngayon," balita niya. "Yung dating-dating naman kasi, para kilalanin lang naman yung mga tao. Hindi porke't nagdi-date kayo ay kayo na. Kaya nga kayo nagdi-date dahil nandun kayo sa stage na gusto ninyong kilalanin ang isa't isa."
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Tinanggap ko ito as a challenge, yung role na ano... Kasi hindi naman talaga ako sanay sa mga bed scenes, sa mga sexy scenes... Para sa akin, nadadagdag ko ito sa mga natututunan ko bilang aktor at bilang isang tao. So, sana sa future, ma-apply ko yung mga ganito. Hindi sa totoong buhay yung mga bed scenes, a...!" says Joross Gamboa.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results