PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Eddie Gutierrez grateful for "second life" after successful angioplasty

Eddie and wife Annabelle Rama thanked their son Richard Gutierrez.
by Rose Garcia
Published Nov 9, 2008
"Kapag may problema, huwag mong masyadong isipin. Try to enjoy life. Life is short, so, try to enjoy it," advises Eddie Gutierrez.

Nakalabas na ng St. Luke's Medical Center ang veteran actor na si Eddie Gutierrez noong Biyernes. Nakasakay man sa wheelchair ay hindi naman maitatagong masaya ito sa panibagong buhay na ipinagkaloob sa kanya nang makapanayam ng Startalk.

Sumailalim si Eddie sa dalawang oras na angioplasty operation. Isinugod si Eddie noong Lunes sa hospital dahil sa coronary artery problem nito at kaagad din nga siyang naoperahan.

Ayon nga kay Eddie, "I feel great. Ang sarap ng pakiramdam ko. Ang sarap ng hininga ko. At nagpapasalamat ako sa mga doctors ko for taking good care of me. At sa lahat ng staff ng St. Luke's. I'd like to thank also Annabelle [Rama] who stood beside me in this journey."

Nagpasalamat din si Eddie sa lahat daw ng mga taong sumuporta at nag-offer ng prayers for them.

"Nagpapasalamat ako sa lahat ng sumuporta sa amin, sa lahat ng nagdasal. Sa pamilya ko, who stood besides me all this time. And I'd like to thanks also the media, for writing good things about my situation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Parang second life ko na ‘to, siyempre, nobody is perfect. Nobody is perfectly healthy. Kung sakaling anuman ang mangyari kay Annabelle, I'll be there besides her."


Bagamat sinabi naman ni Annabelle na tapos na raw siyang umiyak bago pa man ipasok ang asawa sa operating room, hindi pa rin nito naiwasang maging emosyunal nang magpasalamat sa anak na si Richard Gutierrez.

"Nagpapasalamat ako kay Chard...Chard, malaking tulong ang ibinigay mong pera sa amin ng daddy mo," pahayag nga ni Annabelle na hindi mapigilan ang pag-iyak at halos hindi nito madiretso ang gustong sabihin dahil sa pag-iyak at pagiging emosyunal sa bagay na ito.

"Si Chard, financially, siya na ang sumagot sa amin. Kaya ako naiyak kasi, hindi kami humingi kay Richard ng pera kusa siyang nagbigay sa akin ng pera para sa daddy niya. Kaya maraming-maraming salamat, Chard. Sana, tuluy-tuloy ang pagsikat mo, sana, tuluy-tuloy ang income mo."

Ayon naman kay Eddie, "Ako ay nagpapasalamat na lahat ng mga anak, may mga trabaho, everybody is healthy. May awa ang Diyos sa amin. God has been kind to us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dugtong pa niya, "Kapag may problema, huwag mong masyadong isipin. Try to enjoy life. Life is short, so, try to enjoy it."

Read Next
Read More Stories About
Eddie Gutierrez, angioplasty
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Kapag may problema, huwag mong masyadong isipin. Try to enjoy life. Life is short, so, try to enjoy it," advises Eddie Gutierrez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results