Wala raw pakundangan sa hubaran ang baguhang aktor na si Marco Morales na
dating miyembro ng nabuwag na grupong Showboys na naipi-feature noon sa S.O.P. Sa pelikulang Walang Kawala
ng DMV Entertainment, talagang tinalbugan ni Marco ang iba pang artista rito by
showing all of his wares sa isang maiksi pero may matinding impact na frontal
nudity.
"This is not some kind of a tripping," sabi pa ni Marco. "I considered the people I have worked with. Maganda ang reputasyon nila. We have a very good director [Joel Lamangan], so I didn't hesitate."
GUTSY SHOWBOY. Baka nga kinaiinggitan na rin si Marco ng ibang mga kasama niya noon sa Showboys. Matapang kasi ang baguhan kaya naman mas nabibigyan siya ng atensyon samantalang yung iba niyang kasama ay parang nawawala na lang.
"I'm sure may mga plano rin naman sila, and I'm here to support them also," sabi pa ni Marco.
"They have been supportive. Kahit minsan, hindi ako nakarinig ng salita na they're against what I did in the movie.
"Kinonsulta ko rin naman sila sa naging decision ko. Sabi lang nila, kung nagagawa raw ng iba yun, bakit hindi ko kayang gawin," palabang dugtong pa ng baguhan.
Kapuna-puna lang na walang inhibitions si Marco. Nang kunan ang eksenang hubo't
hubad siya sa Walang Kawala hindi
closed doors ang set. Nakabuyangyang doon na kita talaga ang kahubaran niya.
"Basically, ang naisip ko lang talaga, yung mga tao sa production," sabi pa niya. "Professional talaga sila. Malaking bagay yun.
"Especially, si Direk Joel, and some of the producers-Manny Valera and Leo Dominguez, they're the best people. No doubt in my mind, na kahit ano ang gawin ko, hindi naman ako madedehado, and I'll be given justice."
FROM LAND DOWN UNDER. Nagmula sa Australia si Marco kaya mayroon siyang Australian English twang. Five years ago, he moved to the Philippines.
"I came from Sydney, and worked there as an accountant," sabi pa niya. "Big change. I did a lot of modeling. Have done a few more commercials.
"I used to sing around bars, as well. It has always been me performing."
INDECENT PROPOSALS. How about indecent proposals? Especially after the showing of Walang Kawala, tiyak na dadagsain si Marco ng ganitong approaches.
"The funny thing is, maski wala pa yung movie, marami na akong natatanggap na ganyang proposals, pero hindi naman ako kumakagat.
"For some reasons, kahit may mga nakita sa akin, I was given some respect naman. Parang hindi naman ako nababoy, kaya ang nararamdaman ko, mas mataas ang respeto sa akin ng mga tao," pagwawakas ni Marco.