PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joseph Bitangcol happy for audience applause during "Walang Kawala" screening

Joseph and co-star Polo Ravales couldn't help laughing while emoting their love scene.
by Ruel J. Mendoza
Published Nov 8, 2008
"Natutuwa ako kasi kabado ako noong una. Hindi ko alam ang feeling kapag may ganito kang pelikula na ipapalabas. Siyempre hindi naman tayo sanay. Pero noong may mga pumupuri na, nakakatuwa. Ngiti lang ako nang ngiti. Parang nasa langit ako," a happy Joseph Bitangcol says about praises for his performance in "Walang Kawala."

Hindi alam ni Joseph Bitangcol kung paano mag-react sa mga papuri na nakuha niya sa kanyang pagganap bilang Waldo sa pelikulang Walang Kawala. Nagkaroon ng Director's Cut screening ang naturang pelikula sa UP Film Institute last Wednesday, November 5.

Nabigyan ng mapaghamong role si Joseph at sinabi nga niyang kung hindi raw niya ito gagawin, baka hindi na raw dumating ang pagkakataon na ito. Tama lang daw ang desisyon niya dahil nakatanggap siya ng mga palakpakan sa mga eksena nila ni Polo Ravales.

"Natutuwa ako kasi kabado ako noong una. Hindi ko alam ang feeling kapag may ganito kang pelikula na ipapalabas. Siyempre hindi naman tayo sanay. Pero noong may mga pumupuri na, nakakatuwa. Ngiti lang ako nang ngiti. Parang nasa langit ako," sabi pa ni Joseph nang makausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

Sabi nga niya, natatawa pa raw sila ni Polo noong napapanood na nila ang mga eksena nilang naghahalikan sila. Lalo na raw noong nakapatong na raw si Polo sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tawa lang kami nang tawang dalawa. Kasi yun din ang ginawa namin noong sinu-shoot namin yung eksena. Naka-spread nga ang legs ko ‘tapos nakapatong si Polo. ‘Tapos matatawa na lang kami pero dapat serious yung eksena kasi in love kami sa isa't isa. Pero nagkakatawanan kami kapag nagtititigan kami. Parang, ‘Ano ba?!'

"Kaya kung mapapansin ninyo, nakapikit na lang kami ni Polo. Hindi na kami nagtitigan masyado kasi matatawa lang kami. E, nagagalit na si Direk Joel [Lamangan] sa amin. Kaya nagawa namin yung eksena. Pero after no'n, nagtawanan ulit kami. ‘Tapos napanood namin sa big screen, parang, ‘Kami ba ‘yan?' mga gano'ng feeling."

Kung sakaling sila pa ngayon ni Sandara Park, okey lang kaya na gawin niya ang movie?


"Hindi ko alam. Puwedeng oo at puwedeng hindi. Mga bata pa kasi kami ni Sandy noon kaya may mga selosan. Ngayon naman siguro, nag-mature na kami, if ever na kami pa, siguro papayag naman siya. Kung sa ikagaganda ng career ko, why not, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Handa na ba si Joseph na magsunud-sunod ang mga sexy movies niya after Walang Kawala?

"Huwag naman sunud-sunod. May pinag-usapan naman kami ni Direk Manny [Valera] kung paano tatakbo ang career ko. We're taking our time para makahanap ng magagandang project. Maganda itong Walang Kawala kaya ginawa ko. Basta anything na makakatulong sa pagiging actor ko, gagawin ko," pagtatapos ni Joseph Bitangcol.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Natutuwa ako kasi kabado ako noong una. Hindi ko alam ang feeling kapag may ganito kang pelikula na ipapalabas. Siyempre hindi naman tayo sanay. Pero noong may mga pumupuri na, nakakatuwa. Ngiti lang ako nang ngiti. Parang nasa langit ako," a happy Joseph Bitangcol says about praises for his performance in "Walang Kawala."
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results