PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Survivor castoff Patani Daño's cameo role in "Sundo" called off

Joey de Leon says Patani is still "a raw talent."
by Nitz Miralles
Published Oct 22, 2008
Survivor Philippines castoff Patani Daño was initially considered to play a cameo role in GMA Films' horror movie Sundo. But the plan did not push through since Patani has already enough exposure in Unang Hirit and Eat Bulaga!

Madi-disappoint tiyak ang fans ni Patani Daño dahil hindi tuloy ang unang nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na movie project ng pinakasikat sa castaway ng Survivor Philippines.

Dapat sana ay may cameo role si Patani sa horror movie ng GMA Films na Sundo bilang maingay na kasambahay nina Simon Atkins at Iza Calzado, pero nagbago ang plano. Komedyana raw ang dalaga at baka sa halip na matakot ang manonood ng pelikula ay matawa pa.

Isa pang rason na binanggit sa PEP sa hindi pagkatuloy ni Patani sa pelikula ay ang pagiging over-exposed nito. Napapanood nga naman kasi regularly si Patani sa Unang Hirit at Eat Bulaga! Bukod pa rito ang guestings niya sa iba't ibang shows ng GMA-7. Sa mga susunod na pelikula ng GMA Films na lang daw isasama si Patani.

Sa interview ng PEP kay Joey de Leon, may mga pahayag ito tungkol kay Patani. Sabi ng TV host-comedian: "Okey lang siya, dapat lang kalkulado. Pang-taping siya, hindi siya pang-live. Hindi pa siya developed at hindi malakas ang boses niya. Dapat pipiliin ang sasabihin niya. Hindi pa niya alam ang pang-TV at hindi pa alam ang do's and don'ts at tawa nang tawa. May tendency pa siyang mapikon. Talagang raw talent."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ikinuwento ni Joey ang isang episode ng Eat Bulaga! na may tinanong si Vic Sotto at sinagot ni Patani ng hindi pang-TV. Mabuti at agad naiwas ni Vic ang microphone kay Patani kaya hindi narinig ang sagot nito. Kung nagkataon, nakatanggap sila ng memo sa Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Survivor Philippines castoff Patani Daño was initially considered to play a cameo role in GMA Films' horror movie Sundo. But the plan did not push through since Patani has already enough exposure in Unang Hirit and Eat Bulaga!
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results