PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Joseph Bitangcol plays his most daring role in "Walang Kawala"

Joseph says kissing scene with co-actor Polo Ravales is his first kissing scene in a movie.
by Ambet Nabus
Published Oct 9, 2008
"Noong una talaga ay ayaw kong gawin. Kahit pa nung humingi ako ng payo sa parents ko at sinabi nilang ako ang bahala. Pero maganda ang pagkumbinsi nina Direk, lalo na si Direk Joel. Sinabi niyang bilang isang artista, dapat na mag-grow at mag-take ng risks. Sinigurado naman nilang hindi bastusin ang labas at maganda po talaga ang kuwento," says Joseph Bitangcol about accepting a gay role in Walang Kawala.

"The most daring, grabe! Kung ipapagawa uli sa akin, baka hindi ko na kayanin," ang ilan lamang sa mga nasabi ni Joseph Bitangcol nang kapanayamin siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pinag-uusapang torrid kissing scenes at sex scenes niya sa Walang Kawala.

"First time kong makipaghalikan sa movie, sa kapwa lalaki ko pa," dagdag pa nito na may halong pag-aalala dahil baka raw iba ang isipin ng marami.

Isang digital film ang Walang Kawala, na joint venture nina Direk Manny Valera, Direk Joel Lamangan, writer Eric Ramos, at mga talent managers na sina Leo Dominguez at Arnold Vegafria, plus actor Polo Ravales.

Ayon kay Joseph, "Noong una talaga ay ayaw kong gawin. Kahit pa nung humingi ako ng payo sa parents ko at sinabi nilang ako ang bahala. Pero maganda ang pagkumbinsi nina Direk, lalo na si Direk Joel. Sinabi niyang bilang isang artista, dapat na mag-grow at mag-take ng risks. Sinigurado naman nilang hindi bastusin ang labas at maganda po talaga ang kuwento."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isang text message na ipinarating sa PEP ng ina ni Joseph na si Mrs. Lydia Bitangcol, tinuran nitong sinusuportahan nila ang anak sa "bagong direksiyon" na nais nitong tahakin sa showbiz.

"Part po ‘yan ng pag-grow ng isang artista. May tiwala kami sa kanya at kilala naming marunong siyang manindigan sa prinsipyo niya. We're simply proud of him," ang bahagi ng mensahe ni Mrs. Bitangcol.

Ayon pa kay Joseph, humingi rin siya ng permiso sa kasalukuyan niyang karelasyon ngayong isang non-showbiz girl na mature naman daw tumingin sa isyu. "Yun nga lang, sinabi ko sa kanyang huwag na muna niyang panoorin hangga't di siya ready," dagdag ng 24-year-old actor.

Bukod sa magandang kuwento at kina Direk Joel, malaking bagay rin ayon kay Joseph ang pagiging very close friends nila ng co-star niyang si Polo Ravales. Kasa-kasama raw niya ito noon sa "pambababae" noong kapwa pa sila unattached, bukod pa sa business partner din sila, kaya't kumportable sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pero pagdating sa mga halikan, talagang nandun pa rin yung ilangan. Ilang bote rin ng wine ang halos nauubos namin sa bawat eksenang kukunan," kuwento ni Joseph.

Sa edad ngayon ni Joseph na 24 at sa itinatakbo ng kanyang showbiz career, kailangang may gawin siyang hakbang para umunlad bilang isang aktor. Alam naman daw niyang hindi siya magsisisi, lalo pa't mahuhusay at respetadong mga tao ang nasa likod ng pelikula.

"'Tsaka, magkaibigan talaga kami ni Polo," sambit niya. "Sabi ko nga sa ibang interviews na mas nasarapan ako sa halik niya kesa noong nagpapa-cute pa kami ni Sandy [Sandara Park, Joseph's ex-girlfriend] sa mga TV and movie projects namin. But seriously speaking po, more of a career move ito para sa akin. Sana lang po ay masuportahan din ninyo ako."

In terms of preparation, sinabi ni Joseph na matinding motivation ang kanyang ginawa. Nanood din siya ng mga gay-themed movies gaya ng Brokeback Mountain at Ang Lalaki sa Buhay ni Selya. Sa mga respetadong aktor na sina Ricky Davao at Allan Paule daw siya humugot ng inspirasyon.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pinag-aralan ko po yung mga kilos nila at sinubukan kong maramdaman ang mga sitwasyon nila. Mukhang masaya naman po si Direk Joel dahil nagampanan ko naman daw po nang tama ang role," saad ng young actor.

Marami rin sa mga nakapanood ng trailer ng Walang Kawala ang nagsasabing "disturbing" ang mga naturang eksena nina Joseph at Polo. Kung hindi nga raw nila ito kilala ay baka isipin nga nilang mayroong bading sa dalawang aktor na miyembro din ng Boyz.com.

Bukod sa dalawa, may kakaibang roles din sa pelikula sina Jean Garcia, Emilio Garcia, Paolo Rivero, at ang mga baguhang sina Althea Vega at Marco Morales.

Sa November 12 na ipalalabas ang Walang Kawala sa mga sinehan sa Metro Manila, sa Cebu, at Davao. Magkakaroon din ito ng director's cut sa UP Film Institute, November 6.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Noong una talaga ay ayaw kong gawin. Kahit pa nung humingi ako ng payo sa parents ko at sinabi nilang ako ang bahala. Pero maganda ang pagkumbinsi nina Direk, lalo na si Direk Joel. Sinabi niyang bilang isang artista, dapat na mag-grow at mag-take ng risks. Sinigurado naman nilang hindi bastusin ang labas at maganda po talaga ang kuwento," says Joseph Bitangcol about accepting a gay role in Walang Kawala.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results