PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Polo Ravales talks about love scenes with Joseph Bitangcol in "Walang Kawala"

Polo finally admits relationship with Jean Garcia but denies they're living in.
by Nitz Miralles
Published Oct 7, 2008
"Pagdating ko sa shooting, handa na ako at proud na proud ako na nagawa ko siya nang tama. Hindi kami nag-practice. Nag-usap lang kami na gawin namin nang tama para hindi paulit-ulit ang takes," says Polo Ravales about his kissing scenes with co-actor Joseph Bitangcol (inset).

Pagkapasok na pagkapasok pa lang ni Polo Ravales sa function room ng Dulcinea sa Tomas Morato, ang halikan na nila ng kapwa aktor na si Joseph Bitangcol sa digital film na Walang Kawala ang itinanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa kanya.

Biniro namin si Polo kung ano ang lasa ng labi ni Joseph. Sabi kasi ni Joseph ay "mas masarap" siyang kahalikan kesa sa dati nitong girlfriend na si Sandara Park. Ano ang masasabi ni Polo rito?

"Walang lasa ang labi ni Joseph, basa lang!" natatawang sagot ni Polo. "Huwag na nating i-compare ang kissing scene ng lalake sa lalake at lalake sa babae. Hindi ko na rin inalam ang lasa. Mas nag-focus kami sa blocking at sa angle ng face namin para tama ang gagawin namin."

Hindi ang Walang Kawala ang first time na nakipaghalikan sa kapwa lalake si Polo. Ginawa na niya ito sa Manay Po 1 and 2 at sa stage play na Penis Talks. Ang kaibahan, si Joseph ang kahalikan niya na kapatid niya sa manager nilang si Manny Valera. Ano pakiramdam ni Polo rito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pagdating ko sa shooting, handa na ako at proud na proud ako na nagawa ko siya nang tama. Hindi kami nag-practice. Nag-usap lang kami na gawin namin nang tama para hindi paulit-ulit ang takes," saad ni Polo.

Isa si Polo sa limang producers ng Walang Kawala, na kinabibilangan din nina Manny Valera, Arnold Vegafria, Leo Dominguez, at Joel Lamangan na siya ring direktor ng pelikula. Ano ang unang reaksiyon ni Polo na gay movie ang gagawin nila?

"Honestly, medyo nahirapan ako at parang wala akong lakas ng loob na tanggapin ito," sabi ni Polo. "Ipinaliwanag sa akin nina Direk Joel at Tito Manny na ‘pag ginawa ko ang movie, mag-iiba ang tingin sa akin ng tao at para makitang may talent kami.

"Siniguro rin nila sa amin ni Joseph na hindi kami mabababoy sa eksena namin kay Emilio Garcia. Malaki ang tiwala namin kay Direk Joel at maganda ang story ni Eric Ramos. Nang mapanood ko ang trailer, alam kong hindi ako nagkamali ng desisyon. Ipagmamalaki mo ako rito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bukod sa tatlong kissing scenes nila ni Joseph, may love scene din ang dalawa. May eksenang hubo't hubad din si Polo, pero nakatalikod siya at ang behind lang niya ang makikita.

Sunud-sunod na gay roles ang ginawa ni Polo, hindi ba siya natatakot ma-typecast sa gay roles?

"Hindi naman," sagot niya. "Dahil sa TV, hindi gay roles ang ginagawa ko at hindi ako bading sa Loving You [his last film]. In fairness to me, kahit gay roles ang ginagawa ko, wala pa namang negative comment sa akin ang tao. Gusto nila ang ginawa ko sa Manay Po 1 & 2."

Ano ang reaction ng mommy niya nang malamang gay movie ang Walang Kawala at may kissing at love scenes sila ni Joseph, at may butt exposure pa?

"Noong una, nahiya akong ipabasa sa kanya ang script. Pero nang mabasa niya, siya pa ang nagsabing gawin ko. Mahirap daw gawin ang pelikula, pero ‘pag nagawa ko nang tama, maa-appreciate ako ng tao. Ang reaction niya ang one reason kung bakit ko ito ginawa. Akala ko magiging negative sa kanya, malaki rin ang tiwala niya kay Direk Joel at kay Tito Manny," lahad ni Polo.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Sa November 12 ang regular showing ng Walang Kawala sa Metro Manila, Cebu, at Bacolod City. Pero sa November 6 ay ipalalabas ang director's cut sa UP Film Institute. Nagpapatulong na ang mga producer na maipalabas ito sa mga film festival abroad at ang magiging English title ay No Way Out.

LIVING IN WITH JEAN? Pagkatapos pag-usapan ang Walang Kawala, ang relasyon naman nila ni Jean Garcia ang inurirat ng PEP kay Polo. Hindi nakuntento ang PEP sa sagot nitong "may MU kami" kaya napilitang umamin ang aktor na sila na nga ni Jean.

Is it true na nagli-live in sila sa isang townhouse sa may Boni Serrano at si Jean daw ang bumili lahat ng gamit nila, pati padlock ng unit nila?

"May ganung isyu?" natatawang sabi ni Polo. "That's not true! Hindi kami live-in at yung sinasabing townhouse, sa friend namin yun na dinadalaw namin paminsan-minsan at baka dun kami nakita. If ever magli-live-in kami, hindi ako papayag na ang babae ang gagasta. Hindi ako apektado sa isyu and I'm sure, hindi rin apektado si Jean."
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Pagdating ko sa shooting, handa na ako at proud na proud ako na nagawa ko siya nang tama. Hindi kami nag-practice. Nag-usap lang kami na gawin namin nang tama para hindi paulit-ulit ang takes," says Polo Ravales about his kissing scenes with co-actor Joseph Bitangcol (inset).
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results