PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Emilio Garcia credits gay-themed movies for letting him travel abroad

Emilio plays another gay role in "Walang Kawala."
by Dinno Erece
Published Sep 29, 2008
"Nakakaaalis ako ng bansa dahil sa mga gay movies. Ang dami kong nararating dahil may saysay naman ang mga pelikulang ginagawa ko at nai-invite sa mga film festivals abroad," says Emilio Garcia.

Pangatlong gay-themed movie ni Emilio Garcia ang unang movie venture ng DMV Entertainment ni Manny Valera, Walang Kawala. Ito naman ang unang indie project ni director Joel Lamangan, pati na rin sa dalawang aktor na sina Jean Garcia at Polo Ravales.

Bago ang Walang Kawala, nagbida rin si Emilio bilang isang baklang preso sa Selda at isang mahinhing bakla naman sa Eskandalo. May isa pa siyang natapos na gay-themed movie, ang Dose, na ipalalabas din ngayong taon na ito.

Ipalalabas ang Walang Kawala sa Metro Manila, Cebu, at Bacolod sa November 12 ngunit magkakaroon ito ng special press screening sa MyCinema sa October 28 at sa UP Film Center sa November 6.

Ang English title ng Walang Kawala ay No Way Out. May international handler na ang pelikula, si Ferdz Lapus na isa rin sa mga correspondents ng PEP (Philippine Entertainment Portal).

GAY ROLES. Sa isang dinner na ibinigay para kina Emilio at Jean kahapon, September 28, nabanggit namin kay Emilio na tila nalilinya siya sa kabadingan na papel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ito may mga magagandang papel at scripts, e," paliwanag ni Emilio. "Mas challenging ang mga papel dito at iba-iba naman. Dito kasi sa Walang Kawala, hindi mo aakalain na bakla pala ako kasi may asawa ako at hindi mo ako makikitang makikipag-sex sa mga lalaki na may feelings, parang power-tripping lang lahat."

Isang pulis na may kabit na bakla si Emilio sa Walang Kawala. Si Joseph Bitangcol ang gumaganap na bakla, na lover naman ni Polo na may asawa rin, ang ipinapakilalang si Althea Vega.

INTERNATIONAL EXPOSURE. "'Saka isa pa," patuloy ni Emilio, "nakakaaalis ako ng bansa dahil sa mga gay movies. Ang dami kong nararating dahil may saysay naman ang mga pelikulang ginagawa ko at nai-invite sa mga film festivals abroad."

Ang Selda ang kauna-unahang local film in competition sa 32nd Montreal Film Festival. Kuwento ni Emilio, mula sa 100 entries hanggang ma-trim ito sa Top 20, pasok pa rin ang Selda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ibang experience doon," dagdag ni Emilio. "Biro mo, nakausap ko nang matagal si Bill Pullman [Hollywood actor]. Kasi konti lang ang nag-i-English doon at nasa French side ng Canada ang Montreal.

"Sa November, makakapunta naman ako sa Greece, pasok din kasi ang Selda sa festival doon."

Ang Selda rin ang unang pelikulang in competition sa 49th Thessaloniki Film Festival na gaganapin sa November 14 to 23.

Sa ngayon, nila-lineup na rin ni Ferdz Lapus ang mga sasalihang international film festival ng Walang Kawala.
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Nakakaaalis ako ng bansa dahil sa mga gay movies. Ang dami kong nararating dahil may saysay naman ang mga pelikulang ginagawa ko at nai-invite sa mga film festivals abroad," says Emilio Garcia.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results